Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all 209 articles
Browse latest View live

Tatlong nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Balagtas, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang isa sa mga naaksidente sa Balagtas, Bulacan habang isinusugod ng UNTV News and Rescue sa pinakamalapit na hospital.

Ang isa sa mga naaksidente sa Balagtas, Bulacan habang isinusugod ng UNTV News and Rescue sa pinakamalapit na hospital.

BULACAN, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang aksidente sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay San Juan, Balagtas, Bulacan pasado ala-siyete nitong Linggo ng gabi.

Nadatnan ng grupo ang biktima na kinilalang si Gimbel Vicente, 34-anyos, na nagtamo ng posibleng bali sa hita matapos makaladkad nang banggain ng traysikel ang sinasakyang motorsiklo.

Ang asawa naman nitong si Dinio Vicente, 39-anyos, ay nagtamo ng mga gasgas sa kamay at hiwa sa braso.

Ligtas naman ang anim na taong gulang na anak ng mag-asawa.

Ani Vicente, “Nagulat na lang kaming bigla ng may tumigil sa aming tricycle, pilit akong kumakalas, di kami makakalas kasi siguro may kinawitan sa amin, hanggang sa kami ay dumating doon sa may finish stop kami sumadsad kami’y nabangga di kami nakawala.

Ang driver naman ng traysikel na si Richard Sy, 25 anyos, ay nagtamo ng gasgas sa kanang binti.

Pahayag ng imbestigador na si PO3 Richard Lagman, “Pareho sila ng direksyon sa likod tinumbok. Kasama kayo nagdala sa medical center, salamat po.”

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang tinamong sugat ng tatlo at pagkatapos ay inihatid na sa pinakamalapit na ospital.

Samantala, sa bahagi naman ng Cebu City ay isang lalaki rin ang tinulungan ng UNTV News and Rescue team.

Kinilala ang biktima na si Jasper Ricardo Chavez, 42-anyos, na nagtamo ng sugat sa mga tuhod at bukol sa ulo matapos bumangga sa pampasaherong jeep ang minamaneho niyang motorsiklo.

Ayon sa driver ng jeep na kinilalang si Aljun, papunta siya ng Carbon sakay ng labing-apat niyang pasahero nang bigla na lamang may kumalabog sa likurang bahagi ng kanyang jeep.

Matapos lapatan ng paunang lunas si Chavez ay inihatid ang biktima sa ospital. (NESTOR TORRES / UNTV News)

The post Tatlong nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Balagtas, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.


Lalaking nabangga ng traysikel sa Balagtas, Bulacan tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motoristang naaksidente sa Balagtas, Bulacan, Miyerkules ng umaga.

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motoristang naaksidente sa Balagtas, Bulacan, Miyerkules ng umaga.

BULACAN, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang nangyaring aksidente kaninang ala-sais ng umaga nitong Miyerkules matapos makatanggap ng tawag mula sa PNP-Balagtas.

Ang biktimang si Henry Tala, 39-anyos, ay iniinda ang tinamong mga gasgas sa kanang braso, sugat sa tuhod at posibleng bali sa binti.

Sa nakalap na impormasyon, minamaneho ni tala ang kanyang motorsiklo nang mabangga ito ng kasalubong na traysikel sa kahabaan ng McArthur Highway.

Pahayag ng biktima, “Buti naka-helmet ako, pumaling din yung ulo ko. Tapos yun tumama sa gutter.”

Nilapatan ng paunang lunas ng rescue team ang mga sugat ni Tala saka siya inihatid sa Balagtas Doctors Hospital para sa mas masusi pang eksaminasyon.

Tiniyak naman ng driver ng traysikel na sasagutin niya ang danyos sa motorsiklo pati na ang gastusin sa ospital ng biktima. (UNTV News)

The post Lalaking nabangga ng traysikel sa Balagtas, Bulacan tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Mga nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Tarlac, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang naaksidenteng si Omar Abellera habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team Tarlac.

Ang naaksidenteng si Omar Abellera habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team Tarlac.

TARLAC, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team Tarlac ang isang lalake na naaksidente sa Barangay Tibag, Tarlac City pasado alas kwatro ng hapon nitong Linggo.

Agad binigyan ng pang-unang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima na kinilalang si Omar Abellera Jr. 17 years-old at residente ng Nagceryalan West sa bayan ng Camilling na nagtamo ng multiple abrasion sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Matapos lapatan ng paunang lunas, dinala ng grupo sa Tarlac Provincial Hospital ang biktima.

Ayon kay Abellera, binabagtas niya ang kahabaan ng Romulo Boulevard ng may masagasaang bato na naging dahilan upang mawalan siya ng control sa manibela.

Samantala, pasado alas-sais naman ng gabi ay nirespondehan din ng UNTV News and Rescue team ang banggaan ng motor at bisikleta sa Barangay San Rafael, Tarlac.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis nag-counter flow ang motorsiklo kaya nabangga nito ang kasalubong na nagbibisikleta.

Wala namang tinamong pinsala ang sakay ng bisikleta na si Swayne Jansen Sio, 17 anyos na mabilis na nakatalon sa bisikleta bago binangga ng motorsiklo.

Matapos makuhanan ng vital signs at initial assessment, tumanggi ng magpahatid sa ospital ang driver ng motor na nagtamo lamang ng sugat sa kamay. (BRYAN LACANLALE / UNTV News)

The post Mga nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Tarlac, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Tatlong sugatan sa motorcycle accident sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang pagresponde ng UNTV News & Rescue Bulacan sa aksidente sa Balagtas. (UNTV News)

Ang pagresponde ng UNTV News & Rescue Bulacan sa aksidente sa Balagtas. (UNTV News)

BULACAN, Philippines — Duguan ng madatnan ng UNTV News and Rescue ang tatlong lalaki na naaksidente sa motorsiklo sa McArthur Highway sa Barangay Burol 2nd sa bayan ng Balagtas pasado alas dos ng madaling araw nitong Miyerkules.

Nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang mga tinamong injury ng mga biktima.

Ang driver ng motor na si Reynante Sarad, 25-anyos ay nagtamo ng sugat sa ulo at gasgas sa magkabilang binti.

Ang angkas naman nito na si Jonnel Tabilog, 23-anyos ay duguan ang mukha dahil sa sugat sa ulo, nuo at ibaba ng labi.

Ayon kay Sarad, pauwi na sila galing sa kasiyahan ng mabangga nila ang isang lalaki na biglang tumawid sa kalsada.

“Biglang may tumawid sa kalsada na tumatakbo, hindi ko naman sya sinisisi sa nangyaring yun kasi may tinatakbuhan daw sya, tricycle driver na tinatangka buhay nya, dahil sa pamasaheng P100 sinisingil P200 naunawaan naman namin nauwaan nya rin kami,” salaysay ng driver ng motor.

Kinilala naman ang nabanggang lalaki na si Rodrigo Pante, 28-anyos ng Matungao, Malolos.

Nagtamo naman ito ng posibleng bali sa kaliwang binti at gasgas sa tuhod.

Inihatid ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima sa Bulacan Medical Center matapos mabigyan ng first aid. (NESTOR TORRES / UNTV News)

The post Tatlong sugatan sa motorcycle accident sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Lalaking naaksidente sa motorsiklo sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang paglalapat ng UNTV News and Rescue Team-Bulacan sa isang motorcycle rider na naaksidente sa Guiguinto nitong Lunes ng umaga. (UNTV News)

Ang paglalapat ng UNTV News and Rescue Team-Bulacan sa isang motorcycle rider na naaksidente sa Guiguinto nitong Lunes ng umaga. (UNTV News)


BULACAN, Philippines —
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang isang motorcycle rider na naaksidente sa Brgy. C5 Tabi sa bayan ng Guiginto alas-otso ng umaga, Lunes.

Ang maybahay ni Gerardo Lugay ang tumawag sa news and rescue team upang humingi ng tulong na mabigyan ng first aid ang kaniyang asawa.

Binigyan ng pang unang lunas ng grupo ang mga tinamong gasgas sa binti, tuhod at paa ni Mang Gerado.

Pagkatapos nito ay tumanggi na magpahatid sa ospital ang biktima.

“Naaksidente po siya sa motor, bumagsak po siya, pangalawang beses na niya po yang pagkakaaksidente sa motor, ngayon puro gasgas po yung kanyang mga paa niya, pati tuhod niya mga mga sugat, pati dibdib po niya, humingi po kami ng tulong sa UNTV pumunta naman po sila binigyang lunas ang asawa ko.”

Samantala, dalawang babae ang sugatan dahil sa vehicular accident sa Luzon Avenue, Ayala Center, Cebu pasado ala-singko ng madaling araw, Lunes.

Nagtamo ng posibleng bali sa kaliwang bahagi ng paa si Rochie Mae Sinoy, 25-year-old taga-Cabancalan, Mandaue City na binigyan ng pang-unang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Samantalang ang kasama nitong sugatan ay tinulungan ng Emergency Rescue Unit Foundation.

Matapos bigyan ng first aid ay inihatid na ng grupo ang mga biktima sa Perpetual Succor.

Samantala, wala namang tinamong pinsala ang driver ng SUV at ang apat pang pasahero.

Ayon sa mga biktima, bigla na lang bumukas ang hood ng kanilang sasakyan kaya bumangga sila sa poste.

Pahayag ng pasaherong si Kaycee Macatval, “Sa Ayala, nagpa-dagan mi unya naa bitaw bump sa road, so pag igo namo sa bump ni-open ang hood sa sakyanan so natabunan ang vision sa driver, wa na siya ka bantay instead na didto siya sa daan nga naay laing sakyanan nga maigo iya nalang gi liko sa gilid mao to nga naigo mi sa sidewalk.” (NESTOR TORRES / MARLHON ABIQUE / UNTV News)

The post Lalaking naaksidente sa motorsiklo sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Driver ng UV express na nabangga ng 10-wheeled truck, tinulungan ng UNTV News and Rescue team

$
0
0
FILE PHOTO: Ang UNTV News and Rescue Team sa pagtulong sa isang PUV express driver na naaksidente sa Ortigas nitong madaling araw ng Miyerkules. (UNTV News)

FILE PHOTO: Ang UNTV News and Rescue Team sa pagtulong sa isang PUV express driver na naaksidente sa Ortigas nitong madaling araw ng Miyerkules. (UNTV News)


PASIG, Philippines —
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang bangaan ng isang 10-wheeled truck at UV express sa kahabaan Ortigas extension, Pasig City pasado alas-2:34 ng madaling araw ng Miyerkules.

Nagtamo ng ilang galos sa pisngi at tuhod ang driver ng UV Express na si Rolando Mendoza, 52 anyos na kaagad namang binigyan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue at saka inihatid sa Taytay, Rizal Hospital.

Ayon sa driver ng truck na si Jayren Abugan, 24 anyos, biglang huminto ang taxi sa kanyang harapan kaya niya ito iniwasan.

Ngunit nabangga naman nito sa tagiliran ang UV express na minamaneho ni Mendoza.

Samantala, tinulungan naman ng UNTV News and Rescue team ang motorcycle rider na naaksidente sa Marikina City matapos madulas sa basang kalsada dulot ng pag-ulan.

Nagtamo ng galos sa kamay at paa si RJ Surrilla na agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng grupo.

Tumanggi naman na magpahatid sa hospital ang biktima at sinabing kaya na nyang makauwi sa kanilang bahay. (GARRY PEREZ / UNTV News)

The post Driver ng UV express na nabangga ng 10-wheeled truck, tinulungan ng UNTV News and Rescue team appeared first on UNTV News.

UNTV Rescue launches emergency race competition

$
0
0

Mr. Public Service Kuya Daniel Razon lead the Convention of Rescue Organizations in the National Capital Region last Tuesday, December 15, 2015 at the Eton Centris, Quezon City. (Rovic Balunsay / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines — “Walang sinoman ang may monopoloyo sa pagtulong sa kapwa.” (No one has the monopoly in helping those who are in need), this was the message of Mr. Public Service Kuya Daniel Razon at the convention of rescue organizations in the National Capital Region held at Eton Centris in Quezon City on Tuesday.

Most of the rescue groups within Metro Manila, including volunteers and local government units, have graced the event.

Kuya Daniel said the gathering aims to further strengthen and expand the knowledge of every rescuer toward responding to those in need.

“Bawat isa sa atin dapat may kaisipan na kung ano ang magagawa natin sa kapwa natin ay dapat na ibigay natin sa oras ng pangangailangan, walang may monopolyo ng isang grupo lang o rescue group lang na sila lang ang pwedeng tumulong, hindi. Dapat tayo magtulungan para lumaki ang scope ng kakayahan at gayundin ang maabot na matutulungan na kapwa tao natin.”(Each of us should be equipped with what we can do to our fellowmen and by rendering it to them in times of need. No group, not even a rescue group can be monopolized. No. We should be working hand in hand in order to widen the scope of our capabilities and likewise, to be able to provide assistance to those who are in need of it.)

For this reason, Kuya Daniel Razon led UNTV Rescue in launching the Emergency Race competition.
It is a competition where each participating rescue group will compete in responding to rescue operations.

Kuya Daniel explained, “Ito yung parang UNTV Cup ng mga rescuers, ito yung ating Emergency Race. Lahat ng participants ay mga rescue groups sa iba’t-ibang lugar sa National Capital Region for a start.”(Emergency Race is like a UNTV Cup of rescuers. For a start, participants will include different sorts of rescue groups from the different parts of the National Capital Region.)

A five-hectare lot provided by UNTV Rescue will serve as a training ground for all the participating rescue groups in Metro Manila including other related activities.

Furthermore, a plan to tap all rescue groups in Metro Manila in order to come up with unified call center hotline, 911-UNTV (911-8688), is already in the works.

The rescue groups are looking forward to this plan.

Text Fire Philippines Administrator Jeric Chua said, “Ang Text Fire laging full support sa UNTV. So kahit ano pa ang gawin natin, laging nandyan ang Text Fire.”(Text Fire Philippines is in full support to UNTV. So, whatever we do, Text Fire will always be there.)

NATCOM Director Henry Yang conveyed his group’s appreciation to UNTV Rescue’s efforts.
“Nakakabuti sa amin yun kasi kailangan namin yung sinabi ni Kuya Daniel na may isang area na mag-training kami na libre. Mas pabor sa amin kasi less expenses. So, kailangan namin additional training sa aming mga tauhan.”(It is actually good for us. We really need those that were mentioned by Kuya Daniel, an area which will serve as our training ground for free is an advantage to us because of the less expenditure. Likewise, to have additional training among our personnel is another advantage.)

With high hopes, Kuya Daniel Razon expressed, “Sana ito po ang maging pasimula na isang unified rescue groups hindi lamang sa National Capital Region. Ngayon ang gathering natin inumpisihan sa NCR pero ang ultimate goal natin makuha ang lahat ng rescue groups sa buong Pilipinas tayong kahat magkakaisa sa layunin ng pagtulong sa kapwa tao.”(We hope that this is the start of a unified rescue group. Not only in the National Capital Region, where we have started this gathering, but we also aim at reaching all the different sorts of rescue group coming from all parts of the Philippines. Let us all unite in this advocacy in helping our fellow people.)

(MON JOCSON / UNTV News)

Rescue groups from various government and non-government units attended the launching of Emergency Rescue. (Rovic Balunsay / Photoville International)

The post UNTV Rescue launches emergency race competition appeared first on UNTV News.

Banggaan ng jeep at adventure sa Lipa City, Batangas, nirespondehan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Pagtulong ng UNTV News and Rescue Team Batangas sa biktima ng banggaan ng jeep at adventure nitong madaling araw ng Biyernes (UNTV News)

Pagtulong ng UNTV News and Rescue Team Batangas sa biktima ng banggaan ng jeep at adventure nitong madaling araw ng Biyernes (UNTV News)

BATANGAS, Philippines — Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima sa banggaan ng jeep at adventure sa P. Torres street corner Emayo street sa Lipa City, Batangas pasado alas dos nitong Biyernes ng madaling araw.

Si Marissa Lou Abante ay nakaramdam ng pagkahilo dahil sa tinamong bukol sa kanang bahagi ng ulo.

Kasama si Marilou ng asawa nyang si Nestor Abante, driver ng jeep.

Ayon kay Nestor, binagbagtas nila ang kahabaan ng P. Torres street ng banggain ng adventure sa kanto ng E. Mayo Street.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nakainom umano ang driver ng adventure na kinilalang si Julius Chavez.

Nangako naman si Chavez na sasagutin ang gagastusin sa nangyaring aksidente.

Samantala, sugatan ang motorcycle rider na si Donald Baynosa matapos banggain ng taxi sa Imelda Avenue alas dos kawarenta’y otso ng madaling araw.

Nagtamo ng gasgas sa kamay at braso si Baynosa na agad namang nilapatan ng pang-unang lunas ng UNTV News and Rescue team at saka inihatid sa Mission Hospital sa Taytay, Rizal.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari, tinangka pa umanong takasan ng taxi driver ang nabangga niyang motorcycle rider, kaya hinabol ito ng mga opisyal ng barangay.

Pahayag ng barangay tanod na si Antonio Ordopes, “Yung motor, di naman matulin ang takbo noon. Kundi itong taxi na ito, nagpumilit na… alam na nya na parating itong motor… nabangga niya. Ngayon di niya inaamin na siya ang nakabangga. Ang gusto niyang mangyari yung motor ang nakabangga sa kanya. Tumakas po ito. Sinigawan na naming (ngunit) hindi huminto.”

Sa huli nagkasundo ang magkabilang panig na sasagutin ng taxi driver ang damage sa motorsiklo. (UNTV News)

The post Banggaan ng jeep at adventure sa Lipa City, Batangas, nirespondehan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.


Babaeng nabundol ng jeep sa Pampanga, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0


PAMPANGA, Philippines —
Tinulungan ng UNTV News and Rescue team ang babaeng nabangga ng jeep sa may McArthur Hi-way sa Barangay San Vicente sa bayan ng Apalit pasado alas-tres ng hapon, Linggo.

Kinilala ang biktima na si Aling Arlene Caintik, 48 years old at nakatira sa naturang barangay.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, patawid ang biktima sa kalsada nang bigla na lamang syang nabangga ng jeep.

Nagtamo si Caintik ng sugat sa ulo at namamaga naman ang kanang tuhod.

Ang jeepney driver na nakabangga kay Caintik ang nagdala sa kanya sa isang klinika.

Ngunit dahil sa hindi mapatigil ang pagdurugo ng ulo at pagsuka, dinala na ng UNTV ang biktima sa ospital.

Nangako ang nakabangga sa biktima na sasagutin lahat ng gastusin sa hospital.

Samantala, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang lalakeng nabungo naman tricycle sa Barangay Sapang Tagalog, Tarlac City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Carlos Castro, limangput limang taong gulang.

Iniinda ni Castro ang pamamanhid ng kanyang mga kamay at paa.

Hindi rin nito maigalaw ang kanyang katawan kaya matapos magsagawa ng assessment ang grupo dahan-dahan itong ini-stabilize at inilagay sa back board.

Matapos bigyan ng paunang lunas, ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council naman ang naghatid kay Castro sa Jecson Medical Center. (Joshua Antonio / Bryan Lacanlale / UNTV News)

Ang pagtransfer ng UNTV News and Rescue Tarlac sa biktima sa back board upang maisakay sa ambulansya. (UNTV News)

Ang pagtransfer ng UNTV News and Rescue Tarlac sa biktima sa back board upang maisakay sa ambulansya. (UNTV News)

The post Babaeng nabundol ng jeep sa Pampanga, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.

Vehicular accident sa Quezon City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa biktima ng banggaan ng motorsiklo at Vios nitong Huwebes ng madaling araw sa kahabaan ng West Avenue, Quezon City. (UNTV News)

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa biktima ng banggaan ng motorsiklo at Vios nitong Huwebes ng madaling araw sa kahabaan ng West Avenue, Quezon City. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang banggaan sa pagitan ng isang motorsiklo at kotse sa bahagi ng Quezon Avenue sa panulukan ng West Avenue sa Quezon City pasado alas tres ng madaling araw nitong Huwebes.

Sa inisyal na imbestigasyon ng MMDA traffic sector galing sa isang party ang biktima at papauwi na sana ng mangyari ang aksidente.

Sumalpok ito sa kasalubong na Toyota Vios habang pakaliwa sa West Avenue.

Ayon naman sa driver ng kotse, dumiretso pa ang motorcycle rider kahit na naka-stop ang traffic light.

Hindi niya ito agad napansin at dire-diretso rin ang kanyang takbo kaya hindi na niya ito naiwasan.

Nagtamo ng galos sa magkabilang tuhod at pamamaga ng balikat ang motorcycle rider na si Juan Paolo Enriquez, 26 anyos na nakatira sa Don Primitivo Extension sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga sugat ng biktima at isinugod sa East Avenue Medical Center.

Samantala, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang motorcycle rider na bumangga sa likuran ng truck sa Barangay Panampunan, Tarlac City, pasado alas-10 gabi ng Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si Randy Niebres 35 taong gulang residente ng Barangay Sta. Cruz, Tarlac.

Nagtamo ng mga sugat si Niebres sa kaliwang kamay na binigyan ng pang unang lunas ng grupo at saka inihatid sa Ramos General Hospital. (REYNANTE PONTE / BRYAN LACANLALE / UNTV News)

The post Vehicular accident sa Quezon City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.

Biktima ng bangaan ng 2 SUV sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team-Baguio sa aksidente sa Governor Pack Road flyover nitong Martes. (Clinton Aniversario)

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team-Baguio sa aksidente sa Governor Pack Road flyover nitong Martes. (Clinton Aniversario)


MANILA, Philippines —
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang biktima ng bangaan ng dalawang SUV sa Governor Pack Road flyover, Baguio City, 9:30 ng gabi ng Martes, Disyembre 29, 2015.

Inabutan ng rescue team ang lalakeng lulan ng Kia Sorento Wagon na nagtamo ng sugat sa mukha at hinihinalang mayrong spinal cord injury.

Kasama ng UNTV News and Rescue sa pagresponde ang 911-On Call Baguio na tumulong na mailagay ang Kendricks extrication device sa pasyente.

Kinilala ang biktima na si Danny Pilen, singkwenta’y sais anyos na residente ng Crystal Cave, Baguio City.

Wala namang nasugatan sa mga pasahero ng nakabanggaan nitong sasakyan.

Matapos malapatan ng paunang lunas ang biktima agad itong dinala ng rescue team sa Baguio General Hospital.

Samantala sa Tarlac, tinulungan din ng UNTV News and Rescue team ang dalawang lalakeng biktima ng motorcycle accident sa Barangay Pugo Cecilio, Sta. Ignacia madaling araw nitong Miyerkules, Disyembre 30, 2015.

Kinilala ang mga biktima na sina Mark Lester Balanay at Romy Pascua na kapuwa residente ng Barangay Poblacion East.

Sa initial na imbestigasyon ng mga police magkasunod na binabagtas ni Pascua at Balanay ang kahabaan ng Romulo Hiway nang magkasagian ang mga ito.

Nagtamo naman ng hiwa sa noo at gasgas sa mukha si Pascua.

Samantalang nagtamo naman ng gasgas sa likod, kaliwang kamay at kanang tuhod si Balanay.

Pagkatapos lapatan ng paunang lunas ay inihatid na ng grupo sa Don Gilberto Teodoro Memorial Hospital sa bayan ng Camiling si Pascua samantalang tumangi naman ng magpadala sa hospital si Balanay.

Rumesponde din UNTV News and Rescue Team Cavite sa vehicular accident sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, madaling araw din nitong Miyerkules.

Unang bumaliktad ang Ford pick up na minamaneho ni Louie Esteban, 32-anyos nang bumangga ito sa isang puno sa gilid ng highway.

Ayon sa driver ng pickup, inaantok ito habang nagmamaneho kung kaya hindi napansin ang puno.

Matapos ang 30 minuto, bumangga naman ang isang Isuzu van sa tumaob na Ford.

Dalawa sa pitong pasahero ng van ang nasugatan na agad naman nilapatan ng pangunang lunas ng grupo. (UNTV News)

MORE PHOTOS HERE: 911-UNTV – Accident at Rotonda Baguio City – December 29, 2015

The post Biktima ng bangaan ng 2 SUV sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Babaeng nasugatan matapos maaksidente sa motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang paghahanda ng UNTV News and Rescue team upang mai-transfer si Antonette Cleo sa hospital matapos malapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Ang paghahanda ng UNTV News and Rescue team upang mai-transfer si Antonette Cleo sa hospital matapos malapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

QUEZON CITY, Philippines — Tinulungan ng UNTV News and Rescue team ang isang 19-anyos na babae na nasugatan matapos bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa nakaparadang kotse sa Shorthorn Street, Barangay Bahay Toro, alas nuebe kwarenta’y singko nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Antonette Cleo na residente sa naturang lugar.

Ayon sa kasintahan nitong si Jose Soriano nagpapractice sila ng pagmomotorsilko sa lugar ngunit pagbaba niya sa motorsiklo bigla namang umarangkada ito habang sakay pa ang kanyang kasintahan.

Sa halip na preno ay accelerator ng motor ang natapakan ng biktima at sa tulin ng takbo, hindi na nito naiwasan ang kotseng na naka-park lamang sa kabilang kanto at nabangga ito.

Nadatnan ng grupo ang biktima na nakahiga sa bangko na namimilipit pa sa sakit ng kanyang tinamong pinsala.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang kamay ang babae at idinadaing din nito ang pananakit ng kanyan balikat.

Agad namang binigyan ng UNTV News and Rescue team ng paunang lunas ang pinsala ng biktima at pagkatapos ay isinugod siya sa Quezon City General Hospital. (REYNANTE PONTE / UNTV News)

The post Babaeng nasugatan matapos maaksidente sa motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Motorcycle rider na nasagasaan ng isang bus sa EDSA, nirespondehan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue team sa naaksidenteng motorcycle rider sa area ng Ortigas nitong Enero 01, 2016.

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue team sa naaksidenteng motorcycle rider sa area ng Ortigas nitong Enero 01, 2016.

QUEZON CITY, Philippines — Isang tawag sa 911-UNTV (8688) ng isang concerned citizen ang agad na nirespondehan ng UNTV News and Rescue team kaugnay ng isang aksidente na kinasangkutan ng isang bus at motorsiklo sa EDSA sa area ng Ortigas Avenue, Pasig City alas otso ng umaga nitong Biyernes, Enero 01, 2015.

Nadatnan pa ng rescue team ang motorcycle rider na nasa ilalim ng bus.

Nakilala ang biktima na si Rolex Gatdula, 38 years old na taga-Marilao, Bulacan.

Ayon sa nakasaksi sa insidente, nag-slide ang motorsiklong sinasakyan ni Gatdula kung saan isang bus naman ang paparating sa kaniyang likuran.

Pahayag ng saksing si Redin Yanera, “Nag-slide siya after niya mag-slide po kakabig sana siya, gumagapang siya pakaliwa. So may parating na bus doon sa kaliwa sa likod niya. So ang nangyari po yong isip noong bus, kakaliwa din para maiwasan yung tao, ang nangyari nga lang parehas sila kumabig sa kaliwa so nasagasaan yong driver yung tao sa tiyan. Nakita ko yung tao kumakaway parang sabi ng tao stop na kaso lang sobrang bilis ng takbo ng bus driver kaya hindi agad nakapreno yong bus kaya kinabig na lang sa kaliwa para maiwasan kaso lang tinamaan pa rin yung tao.”

Agad namang tumakas sa aksidente ang driver ng admiral bus na nakilalang si Rogelio Domingo.

Nagtamo naman ng maraming gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at nakaranas ng pananakit sa dibdib at likod si Gatdula.

Nilapatan ng pangunahang lunas ang motorcycle rider at agad na dinala sa pinakamalapit na ospital. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)

The post Motorcycle rider na nasagasaan ng isang bus sa EDSA, nirespondehan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Lalakeng pinagtataga sa Apalit, nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang natagang si Eduardo Atchico ng Brgy. San Vicente, Apalit, Pampanga habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team.

Ang natagang si Eduardo Atchico ng Brgy. San Vicente, Apalit, Pampanga habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team.

PAMPANGA, Philippines — Tinulungan ng UNTV News and Rescue ang lalakeng pinagtataga sa Barangay San Vicente, Apalit pasado alas-otso ng gabi nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Atchico, 49 years old at nakatira sa naturang barangay.

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue team ang tinamong hiwa sa likod at sugat sa kaliwang kamay ng biktima, matapos ay inihatid sa Jose B. Lingad Hospital.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, nagkaroon ng gulo nang magkasagutan si Eduardo at isa sa kaniyang mga kainuman.

Maya-maya pa ay umalis ito at pagbalik ay pinagtataga na si Eduardo.

Sa ngayon ay nakabalik na sa bahay si Eduardo at nagpapagaling.

Inihahanda na ng kaniyang abogado ang isasampang kaso laban sa kaniyang kainuman. (JOSHUA ANTONIO / UNTV News)

The post Lalakeng pinagtataga sa Apalit, nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Lalaking sinaksak ng screw driver sa Mabalacat City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0

Ang nasaksak ng screw driver na si Jayson Mansia habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Pampanga.

Ang nasaksak ng screw driver na si Jayson Mansia habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Pampanga.



PAMPANGA, Philippines —
Nilipatan ng pangunang lunas ang lalakeng may iniindang sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang leeg pasado alas dose ng madaling araw nitong Martes sa kahabaan ng McArthur Hi-Way sa Barangay Dau sa Mabalacat City, Pampanga.

Kinilala ang biktima na si Jayson Mansia, 23 years-old at nakatira sa Barangay Punong Maragul, Sitio Maligaya, Angeles City, Pampanga.

Nagtamo ito ng sugat sa kaliwang leeg matapos saksakin ng screw driver ng isang lalakeng naka-tambay sa naturang barangay.

Matapos malapatan ng first aid ay tumanggi na itong magpadala sa ospital.

Ayon sa biktima, habang nag-aabang ng jeep pauwi sa kanilang bahay kasama ang kaibigan ay bigla na lamang lumapit ang isang lalake at sinaksak ng screw driver si Jayson.

Hindi naman bumaon ang ginamit na pang-saksak sa biktima.

Nahuli ng mga nagrorondang pulis ang suspect habang nakikipagtalo sa biktima na si Jayson.

Ayon sa mga pulis na rumisponde sa insidente, kalalabas lamang ng kulungan ng suspect noong nakaraang taon dahil naman sa pananaksak sa Korean national sa naturang syudad.

Kasalukuyan ng nakakulong ang suspect sa Community-and-Police-Action-Committee o COMPAC Police Station, Mabalacat City, Pampanga.

Nagpaalala ang mga awtoridad sa mga kababayan natin na mag-ingat at magmasid ng maigi sa mga lugar na pupuntahan. (JOSHUA ANTONIO / UNTV News)

The post Lalaking sinaksak ng screw driver sa Mabalacat City, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.


Magkahiwalay na aksidente sa Quezon City at Bacolod City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang pag-load sa biktimang si Virgilio Tenorio sa UNTV News and Rescue van upang isugod sa pinakamalapit na hospital matapos itong ma-self accident sa sinasakyang motor nito.

Ang pag-load sa biktimang si Virgilio Tenorio sa UNTV News and Rescue van upang isugod sa pinakamalapit na hospital matapos itong ma-self accident sa sinasakyang motor nito.


QUEZON CITY, Philippines —
Nakahandusay pa sa gitna ng kalsada at hindi makatayo ang naaksidenteng motorcycle rider ng datnan ng UNTV News and Rescue Team sa south bound ng EDSA corner West Avenue sa Quezon City nitong alas-6 ng umaga ng Huwebes.

Agad ini-assess ng rescue team ang kalagayan ng biktia na kinilalang si Virgilio Tenorio, 42 years old at residente ng Phase 4, Lupa Letre Guzon Complex sa Malabaon.

Matapos bigyan ng first aid ay agad itong inilagay sa backboard at saka inihatid sa Quezon City General Hospital.

Ayon sa biktima papasok na sana siya ng trabaho bilang security guard nang madulas ang sinasakyan nyang motorsiklo dahil sa basa ang kasada, sinubukan nyang magpreno ngunit lalong sumadsad ang kaniyang motorsiklo, tumama ang kaniyang likod sa kalasada kaya niya iniinda ang sobrang sakit nito.

Samantala, isa pang naaksidente sa motorsiklo ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team.

Sugatan ang rider na si Angel Rivero 52-anyos, matapos mabangga ng taxi ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Commonwealth Avenue, Batasan Hills sa Quezon City alas-kuwatro naman ng madaling araw.

Nagtamo si Rivero ng hiwa sa kanyang kanang binti na nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team.

Ayon sa taxi driver na si Gilbert Bissan, hindi niya napansin ang naka-motorsiklo sa kanyang harapan dahil nakatingin siya sa kasabay na sasakyan.

Sa inisyal na impormasyon ng barangay official ng Batasan Hills, inaayos ng biktima ang U-box nito sa gitna ng kalsada nang biglang nabangga ng taxi.

Matapos bigyan ng first aid ang biktima ay tumanggi na itong magpadala sa hospital.

At sa Bacolod, nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News & Rescue Team ang sugat sa tiyan, mga gasgas sa kanang binti at bukol sa ulo na tinamo ni Analyn Villanueva matapos magbanggaan ang sinasakyan nitong owner-type jeep at isang taxi, sa panulukan ng Lacson at Rizal street sa Bacolod City, mag-aalas dos ng nitong madaling araw.

Ayon sa nakakita ng insedente, tumilapon palabas ang biktima mula sa owner type jeep at bumagsak sa kalsada kung saan may nagkalat na mga bubog mula sa nabasag na head light ng nakabanggang taxi.

Paliwanag ng driver na kasama ni Villanueva, masyadong mabilis ang takbo ng taxi kaya sila nabangga nito.

Ayon naman ng taxi driver, hindi nito agad napansin ang owner type jeep nang bigla itong lumiko papasok sa Rizal Street kaya sila nagkabanggaan.

Matapos mabigyan ng first aid ay isinugod ng UNTV News and Rescue ang biktima sa Corazon Locsin Regional Hospital. (BERNARD DADIS / UNTV News)

The post Magkahiwalay na aksidente sa Quezon City at Bacolod City, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

UNTV, kabilang sa pinarangalan sa Regional Gawad Kalasag Awards ng OCD-CALABARZON

$
0
0
Binigyan ng parangal ang UNTV sa Regional Gawad Kalasag Awards 2015 dahil sa pagsasagawa ng mga inisyatiba at pagsususmikap na makatulong sa pag-angat ng kalidad ng disaster management sa CALABARZON. Tinanggap ito UNTV Laguna Senior Correspondent Sherwin Culubong (2nd to the right).

Binigyan ng parangal ang UNTV sa Regional Gawad Kalasag Awards 2015 dahil sa pagsasagawa ng mga inisyatiba at pagsususmikap na makatulong sa pag-angat ng kalidad ng disaster management sa CALABARZON. Tinanggap ito UNTV Laguna Senior Correspondent Sherwin Culubong (2nd to the right).

CAVITE, Philippines — Pinarangalan sa ginanap na Regional Gawad Kalasag Awards 2015 noong Huwebes ng gabi (January 14) sa Tagaytay City ang mga natatanging indibidwal, pribadong sektor, non-government organizations, at ahensya ng pamahalaan na nagsasagawa ng mga inisyatiba at nagsususmikap na makatulong sa pag-angat ng kalidad ng disaster management sa Region 4-A o CALABARZON.

Kabilang sa tumanggap ng Kalasag award ang himpilan ng UNTV.

Naniniwala ang Office of the Civil Defense-CALABARZON Region at ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council na malaki ang naitutulong ng media pagdating sa pagbibigay ng tapat at tamang impormasyon sa publiko sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Pahayag ni OCD at RDRRMC CALABARZON Chairman Dir. Vicente Tomazar, “Nire-recognize din natin yung mga institusyon yung mga partner natin tulad ng media. Nararapat lang na i-recognize sila sapagkat sila ay nagbuhos ng kanilang panahon oras, para lang mapataas ang antas ng pangkaligtasan.”

Kabilang din sa tumanggap ng parangal ang limang pangunahing ahensiya na katuwang ng RDRRMC tulad ng DILG, DOST, DSWD, DOH at DEPED.

Tumanggap naman ng plaque at financial assistance at plaque ang ilang Local Disaster Risk Reduction and Management Council na nagpamalas ng mabilis at maayos na pagresponde sa mga nangangailangan sa mga nakalipas na kalamidad tulad ng bagyo.

Kabilang dito ang bayan ng Mabitac sa Laguna, Plaridel sa Quezon at Tanay sa lalawigan ng Rizal.

Pahayag ni Laguna Gov. Ramil Hernandez, “Napaka-importante po ng kaligtasan ng ating mga mamamayan kaya ang solusyon diyan, kailangan maging handa, tulad ng mga trainings importante po yan.”

Ngayong taon ay target ng OCD at RDRRMC na mas madagdagan pa ang mga barangay sa CALABARZON Region na isasailalim sa pagsasanay upang mas dumami ang makakatuwang ng ahensya sa pagresponde tuwing may kalamidad o sakuna. (VINCENT OCTAVIO / UNTV News)

The post UNTV, kabilang sa pinarangalan sa Regional Gawad Kalasag Awards ng OCD-CALABARZON appeared first on UNTV News.

Biktima ng pambubugbog at pananaksak sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang nabugbog na si Noe Ayona Cois habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue - Baguio City.

Ang nabugbog na si Noe Ayona Cois habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue – Baguio City.

BENGUET, Philippines — Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News ang isang lalaki may sugat sa ulo at kaliwang kilay, matapos mabiktima ng pambubugbog sa Baguio City.

Kasalukuyang nagpapa-blotter sa mga pulis ang biktima na si Noe Ayona Cois sa Baguio City Police Station 7 nang makita ng UNTV News and Rescue Team, alas-dos ng madaling araw noong Sabado.

Ayon sa biktima kasalukuyan silang nagkakasiyahan ng kaniyang asawa at kaibigan ng biglang may sumuntok sa kaniya na grupo ng mga kalalakihan.

Tumanggi na si Noe na magpadala sa ospital, samantalang nakakulong na ang tatlo sa nambugbog sa biktima.

Makalipas lamang ang isang oras, isang lalaki naman na biktima umano ng pananaksak ang dumulog sa nasabi ring istasyon ng pulis.

Nagtamo ng malaking hiwa sa kamay si Couram Carbonell, 28 anyos, isang call center agent sa Baguio City matapos salagin ang tangka umanong pananaksak sa kaniya ng suspect na si Kyle Daddi.

Tumanggi naman si Gaddi na sagutin ang tanong ng mga pulis sa intensyon ng kaniyang pananaksak sa biktima.

Hindi naman na nagpahatid pa sa ospital si Carbonell, matapos bigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang motorcycle rider na si Cherrylon Ongan, 32 years old, matapos maaksidente sa Mariveles, Bataan mag-a-alas dose ng hating gabi noong Biyernes.

Kaagad na binigyan ng pang-unang lunas ang biktima at inihatid sa pinakamalapit na ospital.

Ayon sa kapatid ng biktima na kasabay niyang nagmagmamanero rin ng motor, self-accident ang nangyari ng biglang mag-paandar ng mabilis ng motorsiklo ang kaniyang kapatid at saka sumemplang.

Samantala, isa pang aksidente sa motorsiklo ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team sa Bacolod noong Biyernes ng madaling araw.

Katuwang ang Amity Rescue Team, nilapatan ng first aid ang mga sugat sa paa at tainga ng biktima na si Lomukso Galing.

Ayon sa biktima, galing sya sa kasisyahan at papauwi na sana sa bahay ng madulas ang kaniyang motor sa kalsada sa Lacson Street Extension, Brgy. Taculing, Bacolod City.

Kaagad na isinugod sa Corazon Locsin Regional Hospital ang biktima dahil sa labis na sakit ng kaniyang ulo. (BERNARD DADIS / UNTV News)

The post Biktima ng pambubugbog at pananaksak sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.

Motorcycle rider na nabangga ng tricycle sa Balagtas, Bulacan, nirespondehan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team-Bulacan sa biktima ng aksidente sa area ng Balagtas.

Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team-Bulacan sa biktima ng aksidente sa area ng Balagtas.


BULACAN, Philippines —
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue ang motorcycle rider na nabangga ng pampaseherong tricycle sa Barangay Burol First, Balagtas, Bulacan noong Biyernes ng gabi.

Napinsala ang kanang tuhod at gasgas rin ang kanang braso ng motorcycle rider na si Elissa Casquejo, kwarenta’y singko anyos, ng Barangay Turo, Bocaue, Bulacan.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV Rescue ang mga tinamong sugat ni Elissa at saka inihatid sa Bulacan Medical Center.

Sumama naman ang trycicle driver na kinilalang si Romy Lumanggaya sa paghahatid sa hospital.

Kwento ng saksi na si Josepine Ranioco, nawalan ng kontrol sa manibela ang tricycle driver, kaya nabangga nito ang motorsiklo na minamaneho ni Elissa.

“Yung tricycle naka-signal siya ng kanan. Ngayon, ang ginawa noong nakaputing motor, kumaliwa. Nung kumaliwa siya, kumaliwa rin yung tricycle, kaya tinamaan niya yung gilid ng tricycle,” ani Ranioco.

Nangako naman si Romy na sasagutin ang pagapapagamot sa biktima. (NESTOR TORRES / UNTV News)

The post Motorcycle rider na nabangga ng tricycle sa Balagtas, Bulacan, nirespondehan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Lalaking nabugbog sa Jaro, Iloilo City, binigyan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Iloilo sa isang lalaking nabugbog.

Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Iloilo sa isang lalaking nabugbog.

ILOILO, Philippines — Isang lalaki ang nagtungo sa Jaro Police Station matapos na bugbugin ng dalawang lalaki sa Barangay Balantang, Jaro, Iloilo City alas-dos ng madaling araw nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si Hernan Jastia, 44 years old at residente ng naturang barangay.

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang sugat sa kanyang baba at pasa sa kanang mata.

Tumanggi nang magpahatid sa ospital si Jastia.

Ayon kay Jastia, pasado alas 10 ng mangyayari ang pambubugbog sa kanya ng dalawa kasamahan dahil sa hindi pagkakaunawaan habang nagkakasayahan.

Nais ni Jastia na sagutin ng mga bumugbog ang kanyang pagpapagamot.

Samantala, nirespondehan ng UNTV News and Rescue kasama ang first responder ng Manila Traffic and Parking Bureau ang banggaan ng isang kotse at Uber car sa Laong-Laan Street corner Maceda Street sa Maynila mag-a-alas tres naman ng madaling araw.

Sugatan ang pasahero ng Uber car na si Abegail Aguirre, 27 anyos at ang driver nito na si Rosbelito Margallo Jr., 41-anyos.

Inasikaso ng MTPB FRU si Abegail na nanginginig sa takot dahil sa naganap na banggaan.

Nilapatan naman ng UNTV News and Rescue Team ng paunang lunas ang driver na idinadaing ang pananakit ng batok.

Kapwa dinala sina Aguerre at Margallo sa UST Hospital. (UNTV News)

The post Lalaking nabugbog sa Jaro, Iloilo City, binigyan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Viewing all 209 articles
Browse latest View live