Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all 209 articles
Browse latest View live

Lalaking naaksidente sa motorsiklo sa Cavite, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team Cavite sa isang motorcycle accident sa Dasmariñas nitong Martes ng hapon, August 11, 2015. (UNTV News)

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team Cavite sa isang motorcycle accident sa Dasmariñas nitong Martes ng hapon, August 11, 2015. (UNTV News)

CAVITE, Philippines — Sa bahagi ng Dasmariñas, Cavite ay isang lalaking naaksidente sa motorsiklo ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team hapon ng Martes.

Kinilala ang biktima na si Brian Abiog, 30 years old, na nagtamo ng gasgas sa mukha, braso at kaliwang balikat.

Nilapatan ng paunang lunas ang mga sugat ng lalaki at pagkatapos ay inihatid na siya ng UNTV Rescue Team sa Dasmariñas City Medical Center.

Ayon sa asawa ng biktima na sumugod sa ospital matapos malaman ang pangyayari, nagmula sa isang kasiyahan si Abiog at pauwi na sana nang madulas ang gulong ng kanyang minamanehong motorsiklo. (UNTV News)

The post Lalaking naaksidente sa motorsiklo sa Cavite, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.


Lalaking naaksidente sa motorsiklo sa Imus, Cavite tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0

Ang UNTV News & Rescue Team Cavite sa pag-apply ng first aid sa isang motorcyle rider na naaksidente sa Imus nitong gabi ng Martes, August 11, 2015. (UNTV News)

CAVITE, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang nangyaring aksidente sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Imus bandang alas-onse ng gabi ng Martes.

Nadatnan ng grupo ang biktimang si James Patrick Aquino, 23 anyos, habang iniinda ang sugat sa kanang binti at galos sa braso.

Ayon kay Aquino, bumibiyahe siya pauwi sa kanilang bahay nang biglang mag-U-turn ang sinusundan niyang isa pang motorsiklo.

Sinubukan pa umano niyang mag-preno ngunit nahagip pa rin niya ang nasa unahang motorsiklo.

Ligtas naman ang isa pang motorcycle rider.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang mga pinsalang tinamo ng biktima at pagkatapos ay dinala sa ospital para sa mas masusi pang eksaminasyon. (GUILLER DUMARAN / UNTV News)

The post Lalaking naaksidente sa motorsiklo sa Imus, Cavite tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Babaeng biktima ng vehicular accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang magkasintahang naaksidente sa Quezon City habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News & Rescue Team.

Ang magkasintahang naaksidente sa Quezon City habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News & Rescue Team.

QUEZON CITY, Philippines — Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang babae matapos maaksidente sa banggaan ng motorsiklo at SUV sa bahagi ng Quirino Highway pasado alas-singko ng madaling araw, Huwebes.

Nadatnan ng grupo ang magkasintahan sa gitna ng kalsada na sina Joseph Acosta, 28 anyos at si Annabelle Alonzo, 24 anyos na iniinda ang natamo ng mga sugat.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang babae na unang binigyang ng assessment ng UNTV News and Rescue team habang gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng lalaki.

Iniligay sa backboard ang babae at isinakay sa rescue mobile at saka isinugod sa Commonwealth Medical Center upang mabigyan ng atensyong medical.

Ayon sa driver ng kotse na si Jaypee Bautista magpapagasolina sana sila ng may biglang bumangga sa kanilang likuran.

Dito na nga niya nakita na ang magkasintahan na sakay ng motorsiklo na nakabulagta sa kalsada.

Ani Bautista, “Nagulat ako biglang tumunog, kumalabog sa likod naming. Nagulat ako may motor na bumangga pala.”

Nadamay rin ang isang naka-motorsiklo na si Ronie Ortigas matapos itong natamaan ng motor ng mga biktima.

“Yung motor nila, umikot tapus yun lumipad ako sa motor nila,” ani Ortigas.

Nagtamo rin siya ng sugat sa ilong na binigyan ng pang unang lunas ng Lagro Rescue Team.

Pansamantalang inilagak ang mga sasakyang sangkot sa aksidente sa QCPD Traffic Sector -2 habang isinisagawa ang imbestigasyon. (REYNANTE PONTE / UNTV News)

The post Babaeng biktima ng vehicular accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.

Mga nasugatan sa aksidente sa Laguna at Cebu tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa isa sa dalawang motorcycle rider na naaksidente sa San Pablo, Laguna noong Sabado ng hapon, Agosto 15, 2015. (UNTV News)

LAGUNA, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang nangyaring banggaan ng dalawang motorsiklo sa national highway ng Barangay Landayan sa San Pedro noong Sabado.

Nagtamo ng sugat sa kanang binti ang rider na si Michael Gonzales habang namaga naman ang kanang bukong-bukong ng kabanggaan nito na si Juanito Fernandez Jr.

Agad na inassess ng grupo ang kondisyon ng mga biktima at pagkatapos ay nilapatan ng pang-unang lunas.

Nagturuan naman ang dalawa sa kung sino ang may pananagutan sa insidente.

Pahayag ng naaksidenteng driver na si Juanito Fernandez Jr., “Dito kami padaan bigla siyang lumitaw, natumbok niya ko.”

Sabi naman ng isa pang driver na si Michael Gonzales, “Pagtawid ko pinatigil na ko ng jeep, OK na yung jeep tumigil na. Tapos palabas na ako dito bigla siyang humarurot.”

Matapos lapatan ng lunas ay tumanggi na ang dalawa na magpahatid sa ospital.

Samantala, rumesponde rin ang UNTV News and Rescue Team sa isang aksidente sa Barangay Parian, Cebu City pasado alas-dose ng madaling araw ng Linggo.

Nadatnan ng grupo ang lalaking ito na walang malay habang nakaupo sa loob ng kanyang kotse matapos bumangga sa isang concrete barrier.

Agad inilabas ng UNTV Rescue Team ang lalaki mula sa sasakyan, katuwang ang basak pardo emergency rescue, inilipat sa back board at saka isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Ayon sa ama ng biktimang si Jayvon Latonio, mula pa sa intramurals sa paaralan ang kanyang disi-nueve anyos na anak nang mangyari ang aksidente.

Ayon naman sa ilang nakasaksi, mabilis ang takbo ng kotse nang bigla itong lumiko saka tinumbok ang concrete barrier. (UNTV News)

The post Mga nasugatan sa aksidente sa Laguna at Cebu tinulungan ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.

Lalaking nasaktan sa banggaan ng kotse at motorsiklo sa Cavite, tinulungan ng UNTV News & Rescue Team

$
0
0
Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team sa isang naaksidente sa Bacoor, Cavite. (UNTV News)

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team sa isang naaksidente sa Bacoor, Cavite. (UNTV News)

CAVITE, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue ang banggaan ng motorsiklo at kotse sa Verdana Homes sa Bacoor Martes ng gabi.

Nadatnan ng rescue team ang biktimang nakilala lamang sa pangalang Jeremy na nakahiga pa sa kalsada.

May sugat ang kaliwang paa at namamaga ang likod sanhi ng pagtilapon nang bumangga ang kanyang motorsiklo sa kotse.

Sakay ng kanyang motorsiklo, binabagtas ni Jeremy ang kahabaan ng kalsada patungong alabang nang mabangga ang kotse na nagmula naman sa Daanghari Road papasok sa Verdana Homes Subdivision.

Nilapatan ng pang-unang lunas ng UNTV Rescue ang sugat sa paa ni Jeremy katulong ang rescue unit ng Barangay Molino 4.

Dinala ang biktima sa Molino Doctors Hospital. (GUILLER DUMARAN / UNTV News)

The post Lalaking nasaktan sa banggaan ng kotse at motorsiklo sa Cavite, tinulungan ng UNTV News & Rescue Team appeared first on UNTV News.

Better and stronger UNTV Rescue launched

$
0
0

PASAY CITY, Philippines — A better and stronger UNTV Rescue was launched during the celebration of UNTV’s 11th anniversary yesterday, August 25.

Hundreds of new UNTV rescuers across the country were introduced.

A new hotline for emergency situations was also launched – the 911-UNTV or 911-8688.

Official launching of the new UNTV underwater rescue team and 911-UNTV hotline.

Official launching of the new UNTV underwater rescue team and 911-UNTV hotline.

BMPI-UNTV CEO Daniel Razon said, “UNTV News And Rescue team is ready with God’s help and equipped with the knowledge and advance skill in rescue operations and with the help of God we will be able to meet the task ahead of us. Kami po ang inyong maliliit na mga lingkod laging nakahanda na tumulong sa awat tulong ng Panginoon, and let me officially introduce po sa inyo ang atin pong official launch ng 911-UNTV”

(The UNTV news and rescue team is ready with God’s help and equipped with the knowledge and advanced skills in rescue operations. And with the help of God, we will be able to meet the task ahead of us. We are your humble servants, ready to help, with God’s mercy. Let me officially introduce to all of you the launch of the 911-UNTV)

The underwater rescue was introduced as the newest addition to UNTV’s rescue services.  TV actor and licensed scuba instructor, Jess Lapid was assigned as the head of the underwater rescue team that underwent training with Kuya Daniel Razon.

The 2nd UNTV rescue summit was also conducted today.

Mr. Public Service Kuya Daniel Razon led the opening of the summit with NCRPO Chief Joel Pagdilao and Progressive Broadcasting president and owner UNTV Mr. Atom Henares.

The rescue summit showcased emergency response equipment and practical demonstration of life saving skills.

Vehicles used by UNTV in rescue operations such as the ambulance, fire truck, rescue truck and boat, amphibious car and quad ski, and equipment such as the first aid and medical kit were also displayed.

Aside from these, various drones used by UNTV news and rescue teams were also on display such as rescue drones, underwater drones, and drones used in news gathering and reporting traffic situation in an area.

Selected resource persons also gave seminars and lectures on how to save lives.

Various government agencies also participated and shared their knowledge in disaster preparation. (UNTV News)

The post Better and stronger UNTV Rescue launched appeared first on UNTV News.

Nasugatan sa isang aksidente sa Dasmarinas, Cavite, tinulungan ng 911-UNTV News and Rescue

$
0
0

CAVITE, Philippines — Nirespondehan ng 911-UNTV News and Rescue team ang aksidente sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Dasmarinas City, Cavite bandang 11:30 ng gabi ng Lunes.

Nadatnan ng grupo ang isang lalaki na kinilalang si Jason Ramasta na nagtamo ng galos sa braso at sugat sa paa matapos siyang tamaan ng mga bubog at kahoy.

Sinasabing nakatambay ang biktima sa labas ng tindahan ng Siopao nang biglang bumangga rito ang isang rumaragasang ten wheeled truck.

Bago ito ay isang nakahintong pampasaherong jeep pa ang nabangga ng truck.

Yung empleyado po ng daddy’s tumambay rin po sa labas, magkatabi kami tapos bigla ko na lang po nakita yung jeep na tinamaan ng 10 wheelers.

Bale nahila po yung jeep ng ganun kaya po tumama siya dito sa may ano.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay hindi na nagpahatid sa ospital ang biktima.

Samantala, sa bahagi naman ng Guiguinto, Bulacan ay isang lalaki rin ang tinulungan ng 911-UNTV Rescue matapos maaksidente sa motorsiklo sa kahabaan ng McArthur Highway, Martes ng madaling-araw.

Ayon kay Rose Soriano na kaibigan ng biktimang si Jay lago, galing sila sa isang kasiyahan sa Balagtas, Bulacan nang mapagtripan ang biktima na suntukin sa mukha ng dalawang hindi nakikilalang lalaki.

Tinangka umanong habulin ni Lago ang mga lalaking nanakit sa kanya, sakay ng motorsiklo, ngunit nawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa gutter ng kalsada.

Nagtamo si lago ng sugat sa ulo, galos sa binti at mga kamay na agad namang nilapatan ng paunang lunas ng 911- UNTV Rescue. Pagkatapos ay dinala na sa Bulacan Medical Center ang biktima para sa masusi pang eksaminasyon. (UNTV News)

The post Nasugatan sa isang aksidente sa Dasmarinas, Cavite, tinulungan ng 911-UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Naaksidenteng tricycle driver sa Antipolo City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang UNTV News and Rescue Team-Rizal sa pagresponde sa isang aksidente sa Barangay Mayamot nitong Setyembre 04, 2015. (UNTV RESCUE - 911-8688)

Ang UNTV News and Rescue Team-Rizal sa pagresponde sa isang aksidente sa Barangay Mayamot nitong Setyembre 04, 2015. (UNTV RESCUE – 911-8688)

RIZAL, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang nangyaring aksidente sa kahabaan ng Marcos Highway sa Barangay Mayamot sa Antipolo City pasado alas-dos ng madaling araw ng Biyernes.

Nadatnan ng grupo ang biktimang si Emuito Calmada, 24-anyos habang iniinda ang tinamong mga sugat sa kanang binti at likod.

Ayon sa isang nakakita sa pangyayari, matulin ang takbo ng traysikel na minamaneho ng biktima nang mabangga ang kasalubong na kotse.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV Rescue ang biktima saka isinugod ng rumesponde ring Antipolo Rescue sa pinakamalapit na ospital.

Samantala, sa bahagi naman ng Cebu City ay isang lalaking nahirapang huminga ang tinulungan din ng UNTV Rescue Team gabi ng Huwebes.

Pinuntahan ng grupo sa kanilang bahay sa Brgy. Ermita si Glenn Ernesto Pacana, 56-anyos, matapos itong humingi ng tulong sa UNTV Rescue hotline (911-8688).

Ayon sa mga kaanak, may sakit na diabetes at nagkaroon na ng kidney failure ang lalaki kaya agad siniyasat ng rescue team ang vital signs nito.

Binigyan rin siya ng oxygen supply bago isinakay sa mobile upang ihatid sa pinakamalapit na ospital.

Pahayag ng Kapatid ni Glenn na si Eddie, “I kuan unta siya i-dialysis unta unya namahalan man mi didto sa miller amo i pa transfer diri, ni uli sa mi unsa pa namo gi balik diri.”

(TRANSLATION: Ida-dialysis sana siya kaya lang namahalan kami sa presyo doon sa miller kaya inilipat namin dito, pero umuwi muna kami bago namin dinala dito.)

Naagapan naman ang kondisyon ni Mang Glen at isinailalim na sa dialysis session ngayong araw ng Biyernes. (UNTV News)

UNTV Rescue Hotline

 

 

 

The post Naaksidenteng tricycle driver sa Antipolo City, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.


Banggaan sa Davao City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang driver ng pick up na si Michael Otero habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Davao. (UNTV News)

Ang driver ng pick up na si Michael Otero habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Davao. (UNTV News)

DAVAO, Philippines — Sa bahagi ng kilometer 11 sa Sasa, Davao City ay isang multiple collision ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue.

Apat na sasakyan ang nagbanggaan na kinabibilangan ng isang strada pickup na bumangga sa pampasaherong multicab, motorsiklo at isa pang taxi na nakaparada lamang sa gilid ng daan.

Nadamay rin sa aksidente ang isang karinderia at burger store na malapit sa kalsada.

Pahayag ng may-ari ng nabanggang tindahan na si Violeto Pamulagan, (translated) “Wala na, ano na siya, na-out of control na kaya tumagilid siya pagdating diyan.”

Kaagad na nilapatan ng paunang lunas ng rescue team ang customer ng burger store na si Raji Osispral, 33 anyos, na nagtamo ng mga sugat sa mukha.

Matapos magamot ang mga sugat ay tumanggi na itong magpadala sa hospital.

Ang driver naman ng pickup na kinilalang si Michael Otero ay nagtamo lamang ng kaunting galos sa kaliwang bahagi ng kanyang siko at tumanggi nang magpalapat ng paunang lunas.

Ayon kay Otero, pumutok ang gulong ng kaniyang minamanehong sasakyan kaya nawalan siya ng control.

Samantala, nirespondehan naman ng UNTV News and Rescue Team ang nangyaring aksidente sa bahagi ng Las Piñas City matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen noong Biyernes.

Nadatnan ng grupo ang biktima na kinilalang si Jun Rey Placencia, 36-anyos habang iniinda ang kanyang mga sugat sa katawan matapos maaksidente sa motorsiklo habang bumibiyahe papasok sa trabaho.

Ayon sa biktima, nakatulog siya habang nagmamaneho sa bahagi ng Daang Hari Road kaya siya nawalan ng kontrol sa manibela.

Matapos malapatan ng paunang lunas ay inihatid siya ng rescue team sa pagamutan. (UNTV News)

UNTV Rescue Hotline: 911-8688

UNTV Rescue Hotline: 911-868f

The post Banggaan sa Davao City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at hilux sa Davao, tinulungan ng UNTV News and Rescue team

$
0
0
Ang biktimang si Dones Maraya habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team Davao. (UNTV News)

Ang biktimang si Dones Maraya habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team Davao. (UNTV News)

DAVAO, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang isang aksidente sa Crossing Torres, Palma Hill Street sa Davao City pasado alas-dose ng madaling araw nitong Martes.

Nadatnan ng grupo ang biktimang si Dones Maraya, 21-anyos, habang iniinda ang tinamong gasgas sa braso at pananakit ng dibdib matapos mabangga ng isang hi-lux.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, papunta sa downtown obrero ang Hi-Lux habang ang motorsiklo naman ay papalabas sa Crossing Torres Street nang mangyari ang salpukan.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay tumanggi nang magpahatid sa ospital si Maraya.

Ligtas at wala namang tinamong sugat ang driver ng hi-lux na si George Arquize, 51-anyos.

Muli namang paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho upang makaiwas sa aberya. (UNTV News)

The post Nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at hilux sa Davao, tinulungan ng UNTV News and Rescue team appeared first on UNTV News.

Dalawang nasugatan sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News & Rescue

$
0
0

Ang sugatang driver na si Ariel Pasikan sa aksidente sa Bulacan habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team. (UNTV News)

BULACAN, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang isang aksidente sa Barangay Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan pasado alas-dose nitong madaling-araw ng Miyerkules.

Nadatnan ng grupo ang driver ng tricycle na si Eric Mise habang iniinda ang tinamong mga sugat sa katawan at pananakit ng ulo dahil sa lakas ng pagkakabangga sa isang motorsiklo na minamaneho naman ni Ariel Pasikan.

Si Pasikan naman ay nagtamo rin ng mga sugat at galos sa katawan at pananakit ng dibdib. Muntik pa itong magulungan ng kasunod na dump truck matapos siyang tumalsik sa kalsada.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV Rescue ang mga tinamong pinsala ng dalawang driver.

Ayon kay Mise, “Papila na po ako sa pilahan po namin sa Walter po, bigla pong dumating yung single (motorcycle) eto po yung tricycle ko. Bigla po akong binangga ng single galing Guyong… napakatulin po ng takbo nya.”

Ayon naman sa driver ng motorsiklo, pauwi na siya ng bahay nang mawalan siya ng kontrol sa manibela.

Dagdag pa ng driver na si Ariel Pasikan, “Papasok na sana ako papuntang sagad, nagkasalungat kami ng tricycle doon ako nabangga kasi di ko akalain na deretso sya… sa malaking dumptruck doon ako nailalim ng gulong buti nga bigla syang huminto.”

Tumanggi nang magpahatid sa ospital ang dalawa. Nag-usap na rin sila hinggil sa pagpapa-ayos sa tinamong danyos sa kanilang mga sasakyan. (NESTOR TORRES / UNTV News)

 

The post Dalawang nasugatan sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News & Rescue appeared first on UNTV News.

Batang nabiktima ng hit and run sa Lipa City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

 

Ang batang biktima ng hit-and-run sa Lipa City, Batangas habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team nitong Biyernes, Septyembre 11, 2015.

Ang batang biktima ng hit-and-run sa Lipa City, Batangas habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team nitong Biyernes, Septyembre 11, 2015.

BATANGAS, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa kahabaan ng CM Recto Highway sa Lipa City pasado alas-dos, Biyernes ng madaling araw.

Isang labing-isang taong gulang na batang lalaki, na kinilala sa pangalang mark, ang nabiktima ng hit and run.

Nagtamo ang bata ng mga gasgas sa kanang balikat at magkabilang tuhod at posibleng bali sa kanyang kamay.

Ayon sa nakakita sa pangyayari na tumangging magpakilala, naglalakad lang sa gilid ng kalsada ang bata nang bigla itong mahagip ng humaharurot na motorsiklong walang headlight.

Natumba pa aniya ang motorsiklo matapos mabangga ang bata ngunit sa halip na tumulong sa biktima ay agad tumakas ang driver nito.

Pahayag ng isang nakasaksi, “Doon sa kabilang side may bumagsak malakas, tapos akala ko kung ano single na motor tapos maya maya pandalas na bumangon at humataw uli.”

Matapos lapatan ng paunang lunas ay inihatid ng UNTV Rescue sa ospital ang bata.

Samantala, sa bahagi naman ng Cavite ay isang aksidente sa motorsiklo ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue team sa kahabaan ng Molino Boulevard.

Ang mga biktima ay mag-asawang Benjie Gadiano at Maricar Palma na parehong nagtamo ng mga sugat sa mukha, gasgas sa tuhod at posibleng bali sa kamay.

Kwento ng mag-asawa, bumibiyahe sila papuntang pasay nang bigla silang i-cut pakaliwa ng isang kotse.

Tumama umano sa kanilang motorsiklo ang likuran nito kaya sila nawalan ng balanse.

Depensa naman ng driver ng kotse na si Cherry Unlayao, hindi niya napansin ang motorsiklo at nagulat siya nang bigla na lang itong bumangga sa kanyang sasakyan.

Matapos lapatan ng paunang lunas ng UNTV Rescue ay inihatid na sila sa ospital ng rumespondeng ambulansya ng Bacoor City. (UNTV News)

The post Batang nabiktima ng hit and run sa Lipa City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.

Lalake na biktima ng hit and run sa Maynila, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang pag-responde ng UNTV News and Rescue Team sa isang biktima ng hit-and-run sa Maynila nitong Lunes.

Ang pag-responde ng UNTV News and Rescue Team sa isang biktima ng hit-and-run sa Maynila nitong Lunes.

MANILA, Philippines — Tinulungan ng UNTV News and Rescue team ang lalaking biktima ng hit and run sa Taft Ave. corner Ayala Boulevard sa Ermita, Maynila pasado alas dos ng madaling araw nitong Lunes.

Isang lalaki na kinilalang si Paul Jerome Bautista ay nagtamo ng posibleng bali sa kaliwang hita at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nilapatan ng pangunang lunas ang biktima at dinala sa Manila Doctor’s Hospital.

Ayon kay Bautista, binabagtas niya ang kahabaan ng Taft Avenue nang biglang banggain ng truck sa intersection lane ang unahang bahagi ng kaniyang motor.

Hindi naman nya nakuha ang plaka ng truck.

Samantala, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa bahagi ng Barangay Colo sa Dinalupihan, Bataan bandang alas-otso’y media ng gabi noong Biyernes.

Nadatnan ng grupo ang biktimang si Ralph Due, 22-anyos, habang iniinda ang mga tinamo niyang sugat sa paa, hita at siko sanhi ng malakas na pagkakabagsak mula sa minamanehong motorsiklo.

Sa salaysay ng biktima, binabagtas niya ang madilim na kalsada pauwi sa kanilang bahay nang may bigla tumawid na aso.

Nawalan umano siya ng kontrol sa manibela dahilan upang matumba ang motorsiklo at sumadsad siya sa kalsada.

Matapos lapatan ng paunang lunas ang kanyang mga sugat ay tumanggi na siyang magpahatid sa ospital. (UNTV News)

The post Lalake na biktima ng hit and run sa Maynila, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.

Lalaking sugatan matapos mabangga ang kotse sa concrete barriers, tinulungan ng UNTV News & Rescue

$
0
0
Ang naaksidenteng si Rey John Delos Reyes habang nilalapatan ng UNTV News and Rescue ng first aid matapos bumangga sa concrete barrier ang kotse nito. (UNTV News)

Ang naaksidenteng si Rey John Delos Reyes habang nilalapatan ng UNTV News and Rescue ng first aid matapos bumangga sa concrete barrier ang kotse nito. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang isang lalaking nasugatan matapos mabangga ang minamanehong kotse sa concrete barriers sa P. Tuazon corner Quezon Avenue ala una y medya nitong madaling araw ng Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Rey John Delos Reyes, 35 anyos at residente ng Sta. Teresita sa Quezon City.

Ang lalaki ay nakaupo sa loob ng kanyang kotse habang iniinda ang hapdi ng tinamo nitong mga sugat.

Nagtamo ito ng malalim na sugat sa kaliwang tuhod at mga gasgas sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan

Nilapatan ng UNTV News and Rescue team ng pangunang lunas ang mga sugat ng biktima at pagkatapos ay isinugod sa United Doctors Medical Center.

Ayon sa biktima merong humahabol sa kanila kaya’t matulin ang takbo niya at nataranta ito at nawalan ng kontrol sa manibela kaya’t nabangga sa mga nakaharang concrete barrier sa gitna ng daan.

Ang isa namang kasama ng biktima sa sasakyan ay na sugatan din ay tinulungan ng MMDA at dinala sa pinakamalapit na hospital. (REYNATE PONTE / UNTV News)

The post Lalaking sugatan matapos mabangga ang kotse sa concrete barriers, tinulungan ng UNTV News & Rescue appeared first on UNTV News.

Aksidente sa Bulacan at sunog sa Cebu, nirespondehan ng UNTV News & Rescue Team

$
0
0

 

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Bulacan sa isang nasagasaan ng motorsiklo sa bahagi ng McArtur Hi-way sa Balagtas. (UNTV News)

BULACAN, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang aksidente sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay San Juan, Balagtas, Bulacan pasado ala-singko ng madaling araw ng Lunes.

Ang biktimang si Joshua Dela Cruz, 22-anyos, ay iniinda ang mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at posibleng bali sa kanang binti.

Ayon sa ina ng biktima, angkas niya sa motorsiklo ang kanyang anak nang bigla silang tumigil upang kunin ang nalaglag nitong cellphone.

“Pagbaba niya mayroong truck na papunta pero naka-iwas pa sya doon. Hindi inaasahan dumaan yung mabilis na mabilis na takbo ng motor. Yung pinaka-binti ang nadali. Salamat, pasalamat sa binigay ng Dios sa amin, sa pagtulungan kasama na yung pagkalinga, hindi pa kayo umaalis, hindi nyo po ako iniiwan,” sabi ni Ginang Marisa dela Cruz.

Depensa naman ng driver ng motorsiklo na si Juanito Pudol Jr., hindi niya napansin ang lalaking nakatayo sa gitna ng kalsada kaya niya ito nabangga.

“Tumatakbo ako ng mga sixty (60 KPH), parang may nag-sweep na truck. Iniiwasan pala niya yung motor. Yung tao, pumupulot ng ano, di ko expect na ano kasi nasa gitna sya. Cellphone daw, cellphone,” kwento ni Pudol.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay agad nang inihatid ng UNTV Rescue ang biktima sa Bulacan Medical Center.

Samantala, sa bahagi naman ng Cebu ay isang lalaki rin ang tinulungan ng UNTV News and Rescue team sa nangyaring sunog sa Sitio Lapyahan sa Barangay Labugon, Mandaue City.

Nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang biktimang si Joy Guob na nagtamo ng sugat sa paa habang lumilikas sa nasusunog nilang bahay.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, mahigit limampung bahay ang nasunog na pawang gawa sa light materials.

“Estimated damage ani amounted to more or less to P500,000, more or less 50 residential houses. Ato ning nadawat 10:14 nadagan ta dire mga 7 minutes to 21 pag kuan na 11:03 na under control nato. Bale 42 minutes pero atong gideklarang task force alpha, alas 10 :38,” ani SFO2 Cipriano Codilla ng BFP-Mandaue City.

(Estimated damage nito amounted to more or less to P500,000, more or less 50 residential houses. Natanggap natin to 10:14 nagpunta tayo dito mga 7 minutes to 21 pag-11:03 na under control natin. Bale 42 minutes pero dineklarang task force alpha alas-10:38.)

Nag-overheat na ceiling fan sa bahay ng isang Minda Ladrada ang natukoy na sanhi ng sunog.

Pahayag ni Minda Ladrada,”Wala sad ko kahibalo kay naa man ko sa tindahan, wa ko sa amoa ba. Unya pag ingon nga nay kayo nya di naman matabang daghan naman tawo nanagan nya akong bana ang nahabilin sa balay kuyaw sad kuno sya ma trap ninaog nalang daw sya.”

(Hindi ko alam kasi nandoon ako sa tindahan, wala ako sa amin, Tapos pagsabi na merong apoy hindi naman kayang apulahin marami na ang mga taong tumatakb. Tapos yung asawa ko lang yung naiwan sa bahay delikado raw na ma trap sya kaya lumikas na rin sya.”

Nagbigay naman ng financial assistance at nagsagawa ng feeding program ang lokal na pamahalaan para sa mga nasunugan. (UNTV News Bulacan and Cebu)

The post Aksidente sa Bulacan at sunog sa Cebu, nirespondehan ng UNTV News & Rescue Team appeared first on UNTV News.


Naaksidenteng motorcycle rider sa San Fernando, Pampanga tinulungan ng UNTV News and Rescue team

$
0
0
Ang naaksidenteng si Jervy Tolentino habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Pampanga. (UNTV News)

Ang naaksidenteng si Jervy Tolentino habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Pampanga. (UNTV News)

PAMPANGA, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team sa Pampanga sa isang aksidente sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay Saguin, San Fernando City, pasado alas-dos ng madaling araw nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Jervy Tolentino na nagtamo ng malalim na sugat sa mata, kanang tuhod at pagdurugo ng mga tainga.

Posible ring nabali ang buto sa kaliwa nitong braso matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang nakaparadang cargo truck.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, nakaparada sa madilim na bahagi ng kalsada ang malaking truck at posibleng hindi ito napansin ng biktima kaya siya sumalpok.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumalsik sa kalsada si Tolentino at nasira ang unahang bahagi ng kanyang motorsiklo.

Agad inassess ng UNTV Rescue ang kondisyon ng biktima at nilapatan ng paunang lunas ang kanyang mga sugat saka siya inihatid sa Jose B. Lingad Hospital.

Ang driver naman ng truck ay nasa kustodiya na ng PNP-San Fernando para sa masusing imbestigasyon. (JOSHUA ANTONIO / UNTV News)

The post Naaksidenteng motorcycle rider sa San Fernando, Pampanga tinulungan ng UNTV News and Rescue team appeared first on UNTV News.

Lalaking nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at kotse sa Balagtas, tinulungan ng UNTV News & Rescue team

$
0
0
Ang naaksidenteng si Ginoong Marcelino Salamanca habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Bulacan. (UNTV News)

Ang naaksidenteng si Ginoong Marcelino Salamanca habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Bulacan. (UNTV News)

BULACAN, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang aksidente sa bahagi ng McArthur Highway sa Barangay San Juan sa Balagtas, Bulacan noong Biyernes ng gabi.

Nadatnan ng grupo ang biktimang si Marcelino Salamanca, singkwenta’y tres-anyos, habang iniinda ang tinamong mga sugat at pamamaga sa kanang braso at posibleng balit sa binti at sakong.

Ayon sa imbestigador na si PO3 Jayjay Quilang, mabilis ang takbo ng motorsiklo at nawalan ng kontrol ang driver nang makasalubong ang kotse.

“Actually, yung kotse mag-eexecute ng left turn, north to south bound siya. Papasok siya ng Magdalena. Ngayon itong motorsiklo naman may katulinan. Sakto tumawid siya, di niya naprenuhan yung kotse. Actually, yung tama niya sa left ng bumper, ito tumilapon sa may shoulder ng kalsada kasama yung motor,” ani PO3 Quilang.

Nilapatan ng rescue team ng paunang-lunas ang mga sugat ng biktima at pagkatapos ay inihatid na siya sa ospital.

Pahayag ng asawa ng biktima, “Nagpapasalamat po ako sa ginawa niyo dahil natulungan niyopo yung asawa ko, hindi niyo pinabayaan nandito kami sa hospital tinutulungan nyo pati sa pag-aasikaso sa doctor, sana marami pa kayung matulungan sa mga nangangailangan sa kalsada.

Pasasalamat naman ng biktima na si Marcelino, “Nagpapasalamat ako sa UNTV tinulungan niyo ako na dalhin sa hospital, UNTV nandito pa rin sila maraming maraming salamat po sana maraming matulungan ang UNTV”. (UNTV News)

The post Lalaking nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at kotse sa Balagtas, tinulungan ng UNTV News & Rescue team appeared first on UNTV News.

Vehicular accident sa Commonwealth Avenue, nirespondehan ng UNTV News & Rescue

$
0
0
Nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang naaksidente sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Martes ng madaling araw.

Nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang naaksidente sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Martes ng madaling araw.

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang isang vehicular accident sa Commonwealth Avenue pasado alas dos ng madaling araw ng Martes.

Sugatan ang tatlong sakay ng isang kotse matapos na bumangga sa isang dump truck.

Nagtamo naman ng kaunting bugbog sa katawan ang driver ng truck ngunit tumanggi na itong magpahatid sa ospital.

“Pagkabangga, napaganun pa ko sa drive seat, nauntog pa yung ulo ko dito,” ani Raymund Bertus, driver ng dump truck.

Dalawa sa mga sugatan ang tinulungan ng MMDA Rescue at Brgy. Commonwealth Rescue at dinala sa East Avenue Medical Center.

Samantalang pinagtulungan namang asistehan ng UNTV News and Rescue team at Department of Public Order and Safety Rescue ang isa pang biktima na namimilipit pa sa sakit dahil sa tinamong pinsala.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News Rescue Team ang kalagayan ng biktima na si Robert Angelo Luguera, 31 anyos.

Pagkatapos lapatan ng paunang lunas ay dinala na ng DPOS ang biktima sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa nakasaksi matulin ang takbo ng kotse nang bumangga sa likurang bahagi ng dump truck.

“Nasa 100 (KPH) kasi 60 (KPH). Ako eh ang layo pa ng nilusutan niya sa akin… Sabi ko uy uy uy patay sabit… yun na,” anang saksing si Wenceslao Jinang.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin kung sino ang dapat managot sa pangyayari. (REYNANTE PONTE / UNTV News)

The post Vehicular accident sa Commonwealth Avenue, nirespondehan ng UNTV News & Rescue appeared first on UNTV News.

Lalaking biktima umano ng pambubugbog sa Angeles City, binigyan ng paunang lunas ng UNTV News & Rescue

$
0
0
Ang biktimang si Paul Gonzales habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Pampanga.

Ang biktimang si Paul Gonzales habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Pampanga.

PAMPANGA, Philippines — Tinulungan ng UNTV News and Rescue team ang isang lalakeng nabugbog sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga nitong madaling araw ng Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Paul Gonzales na nakatira sa Mabalacat City.

Nadatnan ng grupo si Gonzales sa Police Station 4 upang magpa-blotter dahil umano sa pambubugbog sa kanya ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

Nagtamo si Gonzales ng bukol sa ulo at pagdurugo sa bibig na agad namang binigyan ng paunang lunas o first aid ng UNTV Rescue.

Ayon sa biktima, pauwi na siya sa kanilang bahay sakay ng motorsiklo nang bigla syang harangin ng grupo ng mga kalalakihan at pinagtulungang bugbugin.

Paalala naman ng pulisya sa publiko na mag-ingat lalo na kapag umuuwi na ng alanganing oras.

Samantala sa bahagi naman ng Matina, Davao City ay isang aksidente sa motorsiklo ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team Huwebes ng gabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Silboy Hingco at Sylvia Lumanilao na nagtamo ng mga gasgas sa tuhod, at kamay matapos matumba ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Kwento ng mga biktima, binabaybay nila ang kahabaan ng Tulip Drive nang bigla nilang makasalubong ang isang rumaragasang sasakyan.

Sinikap umano nilang iwasan ang paparating na sasakyan ngunit nawalan na sila ng kontrol at natumba.

Matapos bigyan ng paunang lunas ay tumanggi na ang mga biktima na magpahatid sa ospital. (UNTV News)

The post Lalaking biktima umano ng pambubugbog sa Angeles City, binigyan ng paunang lunas ng UNTV News & Rescue appeared first on UNTV News.

Aksidenteng kinasasangkutan ng motorsiklo sa QC, Bataan at Iloilo, nirespondehan ng UNTV News & Rescue

$
0
0
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle accident sa Quezon City nitong madaling araw ng Lunes.

Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle accident sa Quezon City nitong madaling araw ng Lunes.

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News & Rescue team ang nangyaring aksidente sa panulukan ng Banawe Street sa Quezon Avenue nitong madaling-araw ng Lunes.

Ang biktimang si Gerry Verzosa, 28-anyos ay nakahiga sa kalsada at iniinda ang tinamong mga sugat sa siko, braso at tuhod at pananakit ng ulo.

Ayon sa ilang bystander, isang malakas na kalabog ang kanilang narinig bago nila nakita ang lalaki na nakabulagta sa kalsada.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay inihatid na ng UNTV Rescue team ang lalaki sa East Avenue Medical Center.

Samantala, sa bahagi naman ng Barangay Mulawin sa Orani, Bataan ay dalawang lalaki ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team matapos masugatan dahil sa banggaan ng motorsiklo at bisikleta.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Tristan Reyes na nagtamo ng gasgas sa baba, siko, hita at paa; habang ang may dala naman ng bisikleta ay si Roel Briones ay nakaramdam ng pananakit sa kaliwang paa at balakang.

Ayon kay Tristan, pauwi na siya ng bahay nang biglang sumalpok sa kanya ang isang bisikleta na pagewang-gewang ang takbo.

Matapos bigyan ng first-aid ay inihatid na ng UNTV Rescue sa ospital ang dalawang biktima.

Sa Jaro, Iloilo naman ay isang lalaki ring naaksidente sa motorsiklo ang binigyan ng paunang-lunas ng UNTV News and Rescue Team, katuwang ang Iloilo City Emergency Response team.

Kinilala ang biktima na si Ulyses Saludes Estelita, 52-anyos, na nagtamo ng posibleng bali sa kaliwang balikat, pamamaga ng mata at sugat sa tainga, kamay at ulo.

Ayon kay Estelita, madilim ang kalsadang kanyang dinadaanan at hindi niya napansin ang mga nakalagay na signages kaya siya bumangga.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima matapos lapatan ng first-aid ang kanyang mga sugat. (UNTV News)

The post Aksidenteng kinasasangkutan ng motorsiklo sa QC, Bataan at Iloilo, nirespondehan ng UNTV News & Rescue appeared first on UNTV News.

Viewing all 209 articles
Browse latest View live