Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all 209 articles
Browse latest View live

Sugatang motorcycle rider sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0

Ang paglapat ng paunang lunas sa biktima matapos mabangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang SUV sa QC (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa Araneta Avenue sa Quezon City.

Nadatnan ng grupo ang biktimang kinilalang si Nixon Soberano na nakahandusay pa sa gitna ng kalsada.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ang biktima at saka isinugod sa East Avenue Medical Center.

Ayon kay Raul Delos Santos na nakakita sa pangyayari, bumangga ang sinasakyang motorsiklo ng biktima sa isang SUV habang binabaybay ang southbound lane ng Araneta Avenue.

“Medyo mabilis, impact niya talaga napakalakas.”

“Parehas sila mabilis ang takbo nila, ang kotse din mabilis,” dagdag nito.

Sa lakas ng impact, nawasak ang harapang bahagi ng motorsiklo,samantalang nayupi naman ang pintuan ng SUV.

Inamin naman ng Soberano na nakainom siya dahil galing ito sa isang salu-salo. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)


Motorcyle rider at lalaking nabundol ng motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang pag responde ng UNTV News and Rescue Team sa dalawang magkahiwalay na aksidente kahapon ng madaling araw, Lunes, Hunyo 23, 2014 (UNTV News)

Ang pag responde ng UNTV News and Rescue Team sa dalawang magkahiwalay na aksidente kahapon ng madaling araw, Hunyo 23, 2014, araw ng Lunes (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang magkahiwalay na aksidente kahapon ng madaling araw, Lunes.

Unang tinulungan ng grupo ang isang motorcycle rider sa Valenzuela City na bumangga sa truck.

Agad itong isinugod sa Philippine Orthopedic Center dahil sa tinamong bali sa kanang hita.

“Yung motor dire-deretso po siya. Nagmenor po ako diyan. Tinuloy pa rin niya kaya sumabit po siya sa panguna kong gulong,” pahayag ni Edwin Castillo, driver ng truck.

Samantala, nilapatan din ng paunang lunas at dinala sa ospital ng UNTV News and Rescue ang isang 50-anyos na lalake matapos itong mabangga ng motorsiklo habang tumatawid sakay ng bisikleta sa southbound lane ng North Edsa Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa driver ng motorsiklo na si Reymond Reyes, hindi niya nakita ang biktima dahil madilim pa ng mga oras na iyon.

“Nabulaga na lang din ako bumangga na,” saad ni Reyes.

“Hindi niya alam kung bakit bumangga siya, hind niya alam kung san galing yung nakabisekleta,” pahayag naman ni MMDA Traffic Constable 3 Daniel Maghinay. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

UNTV at MCGI volunteers sa Davao City, nagsagawa ng blood donation, first aid at basic life support training

$
0
0

Ang mga miyembro ng UNTV News and Rescue Team Davao habang sumasailalim sa training ng Philippine National Red Cross Davao City Chapter upang higit pang linangin ang kanilang kakayahan sa pagbibigay ng serbisiyo publiko. (ALBERT ALCAIN / Photoville International)

DAVAO CITY, Philippines — Kaakibat na ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan ay ang posibleng pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit ng dengue fever.

Dahil dito, muling nananawagan ang Philippine Red Cross – Davao City chapter ng mga gustong magdonate ng dugo upang magkaroon ng sapat na pondo sakaling kailanganin ng mga ospital.

Bilang tugon at bahagi na rin ng pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng UNTV ay agad nagsagawa ng blood letting activity sa Bajada, Davao City.

Daan-daang volunteers mula sa Members Church of God International (MCGI) ang pumila at nagbigay ng dugo. Nagpasalamat naman ang Philippine Red Cross sa UNTV at MCGI sa agarang pagtugon sa kanilang panawagan.

Samantala, nagsimula na rin ang basic first aid training ng PRC para sa dagdag na UNTV News and Rescue volunteers.

Layunin nito na linangin ang kakayahan ng rescue personnel sa pagtulong sa kapwa na nasasangkot sa aksidente.

Sasailalim sa iba’t ibang training ang rescue volunteers at kung papasa sa mga pagsusulit ay mapapabilang na sila sa untv news and rescue team sa Davao.

Mayroon na ring establisyadong rescue team ang Davao City government na Central 911 ngunit aminado silang kung minsan ay kinukulang pa rin sila sa mga tauhan at nangangailangan pa rin ng tulong mula sa mga pribadong rescue teams.

Kaya’t malaking tulong anila ang pagbuo ng UNTV-Davao ng isang news and rescue team na makakatuwang ng Davao Central 911.

Bukod dito ay tuloy-tuloy din ang iba pang public services ng UNTV gaya ng libreng sakay sa lantsa mula sa Davao City patawid sa Island Garden City of Samal. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

UNTV Rescue Summit, ngayong Miyerkules na!

$
0
0
UNTV Rescue Summit 2014

UNTV Rescue Summit 2014

QUEZON CITY, Philippines — Magsisimula na ngayong Miyerkules ang UNTV Rescue Summit na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City.

Iba’t-ibang rescue groups mula sa gobyerno at mga private organization sa bansa ang nakiisang lalahok at susuporta sa Rescue Summit.

Tampok sa summit ang exhibit ng mga rescue equipment and vehicles, gayundin ang palitan ng mga kaalaman sa larangan ng rescue.

Ayon kay Bureau of Fire Protection OIC, F/CSupt. Carlito Romero, malaking pagkakataon ito upang maipakita ang kakayahan ng gobyerno para sa pagliligtas ng buhay at mga ari-arian.

“Nagpapasalamat kami sa pamamagitan ninyo ay nagkaroon tayo ng pagsama-sama, itong ating organisasyon ng gobyerno at NGO at nagtulung-tulungan at dahil dito lalo natin mapapaigting ang kaligtasan ng mga mamayan.”

Para kay Jeffrey Santos, operations manager ng UNTV News and Rescue, isang hakbang ang naturang summit para sa pagkakaroon ng mas epektibong rescue operations.

“Na-test ng mother nature yan eh and we survived. What more ngayon that we are prepared. Hence the Summit and I’m thanking UNTV for granting this opportunity for all responders to be there and meet each other, shake each others hand and together save whoever we could.”

Sinabi naman ni UNTV Vice President for Administration Mr. Gerry Panghulan na layunin ng himpilan na lalo pang mapalawak ang pagtulong sa ating mga kapwa taong nangangailangan.

Katunayan nito ay ang pagkakaroon ng programang nakatutok sa rescue, ang Quick Action Team (QUAT).

“Kaya nagpunta tayo dun sa QUAT na TV program natin to encourage them and make UNTV as their own station. Hindi para ipagyabang kung ano ang kakayahan nila kundi para ipakita sa tao kung paano tayo nakakatulong para ma-encourage lahat ng mga abled-body Filipino citizen to come out,” pahayag nito.

Ang naging pirmahan ng memorandum of understanding sa pagitan ng BMPI-UNTV at ng Bureau of Fire Protection nitong Martes, June 24, 2014  para sa pagtutulungan sa gaganaping UNTV Rescue Summit 2014. (RODEL LUMIARES / Photoville International)

Libu-libo ang inaasahang makikiisa sa Rescue Summit mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), MMDA, Philippine Coast Guard (PCG) at mga rescue volunteer.

Umaasa ang mga dadalo dito na magsisilbing daan din ito upang mawala ang kumpetisyon sa iba’t ibang rescue units sa bansa.

“Dito sa summit na ito malaking bagay kami nagkakakilala kaming lahat, yung unity nandodoon at the same time yung network marami kang nakikilala galing sa ibat ibang group, malaking bagay sa amin ito,” pahayag ni Oscar Gomez Jr., Senior OIC ng Bambang Masangkay Abad Santos Fire Brigade.

Maging ang mga sibilyan ay welcome sa summit lalo na ang mga nais matuto kung paano maghanda sa panahon ng kalamidad.

Samantala, pinuri naman ng ilang rescue group ang adbokasiya ni Kuya Daniel Razon na “Tulong Muna Balita”.

“Maganda yung parang tag-line ngayon na Tulong Muna Bago Balita kasi habang nakahiga na yung pasyente natin eh paano iinterviewhin nga naman. Kung media yung first responder natin, sila po yung mas makakatulong nga agad,” pahayag ni Michael Aaron Sy, managing director ng Bambang Masangkay Abad Santos Fire Brigade. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)

UNTV Rescue Summit inumpisahan kahapon, iba’t ibang rescue group sumuporta

$
0
0

Tampok sa ginanap na kauna-unahang Rescue Summit ng UNTV sa World Trade Center ang exhibit ng mga rescue equipment ng iba’t ibang rescue group sa Pilipinas (UNTV News)

PASAY CITY, Philippines —Tuloy tuloy pa rin ang pagdating ng ating mga kasangbahay na gustong dumalo sa UNTV Rescue Summit sa World Trade Center sa Pasay City.

Kasama sa mga nakiisa ang iba’t ibang mga rescue group upang ipakita ang kanilang mga kakayanan sa pagsagip ng buhay at maging ang kanilang mga rescue equipment.

Pinangunahan ni Mr.Public Service Kuya Daniel Razon ang opisyal na pagbubukas ng rescue summit bilang bahagi ng ika-sampung anibersyo ng nag-iisang public service channel, ang UNTV.

Naging panauhing pandangal kahapon si MMDA Chairman Francis Tolentino.

Ayon kay Chairman Tolentino, napakagandang proyekto ang inilunsad ng UNTV dahil naaangkop ito sa ating panahon na maraming kalamidad ang dumarating sa bansa.

Hinikayat ni Chairman Tolentino ang lahat lalo na ang mga lokal na pamahalaan na makapagsagawa ng ganitong mga aktibidad upang mapalawak ang kaalaman ng mga tao hinggil sa tamang paghahanda.

Tampok din sa rescue summit ang exhibit ng mga rescue equipment.

Kabilang sa mga nakilahok na rescue groups ay mula sa MMDA, Coast Guard, Red Cross, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection at iba’t ibang mga LGU mula sa Quezon city, Manila, Marikina at Pasig city.

Sa pamamagitan nito, maipakikita ng mga rescue group ang kanilang kahandaan sa pagsagip ng buhay.

Isa rin ito sa mga paraan upang mas maging epektibo ang rescue operations ng bawat grupo.

Nagsagawa din ng mga rescue seminars mula sa iba’t ibang speakers at partners ng UNTV.

Nakakalat din ang mga booth at mga recreational activities na kinagigiliwan ng mga dumalo sa rescue summit.

Ang mga ganitong proyekto ay may kaugnayan sa adbokasiya ni Kuya Daniel Razon na “Tulong Muna Bago Balita” na naglalayong unahin ang pagtulong sa kapwa bago ang pagkalap ng balita.

Hanggang sa ngayon ay dumarating pa rin ang ating mga kasambahay dito sa World Trade Center.

Nagsagawa din ng fashion show ng mga rescue equipment at tactical gears. Gayon din naman ang raffle na pwedeng mapanalunan ng mga taong nasa venue. (Mon Jocson, UNTV News)

Taxi, bumangga sa truck; Sugatang driver, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima ng aksidente na naganap sa Quezon City noong madaling araw ng Biyernes (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang sugatang taxi driver matapos itong maaksidente sa south bound lane ng EDSA, Brgy. Philam, Quezon City, madaling araw ng Biyernes.

Wasak ang harapan ng taxi matapos itong sumuot sa likuran ng 16-wheeled truck.

Ayon sa imbestigasyon, nakatulog umano ang driver ng taxi kaya ito bumangga sa truck.

“Pahinto kasi kami eh, nakutulog daw yung driver ng taxi kaya binangga kami,” pahayag ni Joven Bulanadi, driver ng nabanggang truck.

“Nabigla din kami kasi hinahabol namin yung truck, dahil truck ban po nag-i-implement kami ng truck ban dito, hinabol namin ito huminto naman nagulat kami may sumalpok sa likod,” kwento ni MMDA Traffic Constable 3 Godfrey Monterubio.

Kinilala ang biktima na si Archie Galvez na nagtamo lamang ng mga minor injuries. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

Sugatang delivery boy na hinihinalang na-hit and run sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang biktima ng hit and run kaninang madaling araw sa Quezon City (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan  ng UNTV News and Rescue Team ang naganap na aksidente sa Brgy. Baesa, lungsod ng Quezon kaninang madaling araw.

Isinugod ng News and Rescue Team sa ospital ang delivery boy na kinilalang si Felix Buhalog na umanoy biktima ng hit and run.

Duguan ang mukha ng biktima nang madatnan ng grupo.

Hindi rin makausap ito ng maayos dahil sa malubhang sugat na tinamo sa ulo matapos na tumilapon sa minamanehong tricycle.

Ayon sa imbestigasyon, maaring biktima ng hit and run si Buhalog ng isang hindi pa matukoy na sasakyan.

“Nakabulagta na yung tao dito. Walang nakakaalam kung sino nakabanggan niya”, pahayag ni Brgy. 158 Captain Jose Sicuanan Jr.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring aksidente. (Jerico Albano, UNTV News)

Sugatang lalaki na nahulog sa puno sa QC at dalawang lalaking sugatan sa isang vehicular accident sa Cebu, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isa sa mga biktima ng vehicular accident sa Cebu kaninang madaling araw, Hulyo 3, 2014 (UNTV News)

Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isa sa mga biktima ng vehicular accident sa Cebu kaninang madaling araw, Hulyo 3, 2014 (UNTV News)

MANILA, Philippines — Halos hindi na makagalaw ang isang lalaki dahil sa pananakit ng balakang matapos itong mahulog sa puno ng santol sa Project 8 Quezon City, alas-dos ng hapon kahapon.

Rumisponde ang UNTV News and Rescue Team sa biktima dahil sa isang tawag ng isang concerned citizen.

Kinilala ang biktima na si Randy Guillermo. Namimitas ng bunga ng santol si Guillermo nang malalaglag sa puno.

“Bale po umakyat po sila ng puno, bunga ng santol tapos may kinapitan na sanga na marupok kaya na out of balance po siya”, pahayag ni Gary Guillermo, kapatid ng biktima.

Matapos malapatan ng paunang lunas, isinugod ng grupo sa Philippine Orthopedic Center si Guillermo upang mabigyan ng kaukulang atensyong medikal.

Samantala, isang motorsiklo ang bumangga sa isang SUV sa San Carlos Dela Montana St., Mabolo, Cebu city, pasado alas-dos kaninang madaling araw.

Bali ang buto sa ilong ng driver ng motor at nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng ulo at kamay.

Kinilala ang driver na si Celso Sarry, dalawampu’t limang taong gulang na taga-Univel, Banilad, Cebu city.

Nagtamo naman ng mga galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang angkas nito na si Raymond Kinasak-an, dalawamput tatlong taong gulang.

Agad na nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang biktima at dinala sa Cebu City Medical Center upang masuri ng mga doktor.

(Translated) “Itong subaru nakapasok na. Itong motor, di natin alam kung nakainom ng alak dahil pagdating ko wala na”, ani Benjie Matellano, traffic enforcer supervisor.

Patuloy pa na iniimbestigahan ang nangyaring aksidente. (UNTV News)


Motorcycle accident sa Mindanao Ave., nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang UNTV News and Rescue Team ay agad nirespondehan ang motorcycle accident na naganap sa Mindanao Avenue, QC kagabi, araw ng Linggo, Hulyo 20, 2014 (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang nangyaring motorcycle accident sa kahabaan ng Mindanao Avenue corner Road 20 Quezon City, pasado alas-11 kagabi, Linggo.

Sugatan ang rider na kinilalang si Joshua David Velasco, 31 anyos, matapos sumadsad ang minamanehong motorsiklo dahil sa basang kalsada bunsod ng pag-ulan.

Nagtamo naman ng minor injuries ang angkas nitong si Nicole Tiffany Velasco.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ang driver na nagtamo ng bukol at mga gasgas sa kaliwang bahagi ng ulo at posibleng bali sa kaliwang hita.

Ang dalawa ay isinugod ng rescue team sa East Avenue Medical Center upang mas masuri ng doktor.

Ayon sa mga miyembro ng BPSO, agad silang humingi ng tulong nang makita ang sugatang mga biktima.

Nagpapatrolya sila nang makita nilang may mga tao sa lugar. Nang kanila itong lapitan, nakita nila ang mga sugatang biktima kaya’t agad silang humingi ng tulong.

“Nagtanong-tanong na rin kami bago kami nagpunta ng UNTV Rescue bago tumawag ng rescue ayon sa napagtanungan namin walang ibang involve na sasakyan wala siyang kabanggaan,” pahayag ni Anthony Villafania, BPSO ng Brgy. Toro, QC.

Tinawagan na rin ng News and Rescue Team ang mga kaanak ni Velasco upang alalayan sa ospital habang nagpapagaling. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)

Biktima ng hit and run sa Bacolod, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaki matapos itong ma-hit and run sa Bacolod kaninang madaling araw, Miyerkules (UNTV News)

BACOLOD CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking biktima ng hit and run sa may Burgos Street, Bacolod City pasado ala-1kaninang madaling araw, Miyerkules.

Nagtamo ng sugat sa noo si Danny Latoza, 31 anyos matapos mabangga at takasan ng tricycle habang binabaybay ang daan patungong Baranggay Alangilan.

Ayon sa pinsan ni Danny na si Ronnel Latoza, nagover take ang tricycle kay Latoza kung kaya’t nahagip sila ng side car.

“Gin cross sang side car, nang agaw siya lugar amu to nakabunggo dayun. Translation: gin cross ng side car, nang agaw siya ng lane kaya nabunggo.”

Nilapatan ng first aid ang sugat na natamo ng biktima at agad na dinala ng News and Rescue Team sa regional hospital. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)

Lalaking naaksidente sa motorsiklo sa QC, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaki matapos ma-out of balance sa sinasakyang motorsiklo sa Quezon Ave kagabi, Hulyo 23, 2014 (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Tinulungan ang UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking naaksidente sa sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Sta. Teresita sa Quezon Avenue sa lungsod Quezon kagabi, Miyerkules.

Sugatan ang lalaki na isang cook sa isang restaurant matapos ma-out of balance sa motorsiklo matapos malubak sa potholes.

Kinilala ang biktima ni si Bryan Manuel na nakatira sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Vangie Punzalan, isa sa mga nakakita sa aksidente, hindi nito naiwasan ang mga potholes dahilan upang tumilapon ito sa kalsada.

“Mabilis ho siya tumakbo eh nalubak po siya dun sa kalsada na ano…”

“Di daw po niya napansin ung lubak,” dagdag pa nito.

Agad namang nilapatan ng grupo ng paunang lunas si Manuel dahil sa tinamo nitong gasgas sa ibat ibang bahagi ng katawan.

“Mabilis daw ho siya pagdating tapos nabulaga siya sa pothole na yun kaya siya nadisgrasya,” pahayag ni Allan Comision, MMDA Traffic Constable 1.

Tumanggi namang magpadala pa sa ospital ang biktima dahil minor injuries lamang ang tinamo nito matapos ang aksidente.

Muli ring nagpaalala ang MMDA sa mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho para makaiwas sa disgrasya. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

Lalaking nahagip ng pick up, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang binatilyo matapos mahagip ng isang pick up habang ito ay nakasakay ng motorsiklo noong Miyerkules, Hulyo 23, sa Bacolod City (UNTV News)

BACOLOD CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang binatilyong nakamotorsiklo na nahagip ng itim na pick up pasado alas onse ng Miyerkules ng gabi sa Brgy. Villamonte, Bacolod city.

Paliko na ang hindi pa nakikilalang biktima ng mahagip ito ng pick up.

Bukod sa isang lane lang ang kalsada, hindi napansin ng biktima ang paparating na pick up kaya nahagip siya sa kanang hita.

Samantala, agad naman  nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang biktima at dinala sa malapit pagamutan. (UNTV News)

Cameraman ng isang TV network, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Isang mediaman ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team kaninang umaga habang nagco-cover sa mga raliyista sa Commonwealth Avenue (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Mula pa kagabi ay nakaalerto na ang buong pwersa ng UNTV News and Rescue Team partikular dito sa National Capital Region para sa State Of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong araw.

Limang team, katumbas ng 25 tao ang nakadeploy ngayon, isa sa north gate ng Batasang Pambansa, isa sa Batasan road, at 3 team sa Commonwealth kung saan dadagsa ang mga raliyista.

Sa pakikipagugnayan ng Philippine National Police sa News and Rescue humingi sila ng dagdag na pwersa upang magsilbing standby medics na magbibigay ng paunang lunas sa sinomang msasaktan kung sakaling magkaroon ng gulo sa pagitan ng ga demonstrador at mga pulis.

Samantala, pasado alas otso kanina, isang cameraman ng ABS-CBN ang nilapatan ng paunang lunas ng News and Rescue matapos masugatan nang madikit sa mga barb wire na nakalagay sa kalsada.

Nagtamo ng sugat sa kamay si Generoso Villanueva Jr. at agad na binigyan ng first aid. (Benedict Galazan, UNTV News)

Sugatang motorcycle rider sa EDSA Muñoz, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang biktima ng isang aksidente sa EDSA Muñoz noong gabi ng Lunes, Hulyo 28, 2014 (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa EDSA Muñoz sa lungsod ng Quezon, gabi ng Lunes.

Sugatan ang isang rider nang tumalon ito mula sa kaniyang motorsiklo matapos na banggain ng pampasaherong bus.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang biktima dahil sa tinamo nitong mga gasgas sa tuhod.

Kinilala ang biktima nasi Voltaire Almonte, supervisor ng isang restaurant sa Quezon City.

“Nasa tama ung motor padiretso yung motor ang bus na ito biglang pumunta sa side na ito magbaba, hanggang dun nga ung kinaladkad niya,” pahayag ni Mat Trabadon na nakasaksi sa pangyayari.

Nakatalon naman agad si Almonte mula sa kaniyang motorsiklo dahil mabagal lamang ang takbo nito.

Nakaandar pa ng 20 metro ang motorsiklo mula sa pinangyarihan ng aksidente.

Ayon naman sa driver ng pampasaherong bus na si Ronaldo Celso, hindi nito napansin ang motorsiklo.

“Aminin ko na lang ho dahil ako ang nakaano sa motor eh, hindi naman ako mananalo sa kaniya,” saad nito.

Matapos mabigyan ng first aid, agad na dinala ng grupo sa Quezon City General Hospital ang biktima upang mabigyan ng kaukulang atensiyong medikal. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

Motorcycle rider na naaksidente sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News & Rescue Team

$
0
0

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa isang foreigner matapos itong masagasaan ng isang van. (UNTV News)

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa isang foreigner matapos itong bumangga sa isang van. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines —  Isang foreign national ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team matapos bumangga sa isang van habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Congressional Avenue corner Sinagtala, Street Project 8, Quezon City alas dose nitong tanghali ng Miyerkules.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang siko ang rider na kinilalang si Jessy Singh matapos sumadsad sa kalsada.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV Rescue ang tinamong nitong injury.

Tumanggi nang magpadala sa ospital si Signh.

Sa harap ng traffic law enforcer, nagkasundo si Singh at ang driver ng van na kinilalang si Joel Penaso na wala ng demandahan at kanya-kanya na lamang gastos sa pinsala ng kanilang mga sasakyan. (UNTV News)


UNTV News and Rescue Team, rumesponde sa sugatang mag-ina na nabangga sa QC

$
0
0

Agad na rumesponde and UNTV News and Rescue Team at iba pang rescue units sa naganap na banggaan ng isang UV Express at jeep sa Commonwealth Avenue, QC kaninang madaling araw, Huwebes (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Mabilis na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team at iba pang rescue units ang naganap na banggaan ng isang UV Express at pampasaherong jeep sa east bound lane ng Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan, Quezon City kaninang madaling araw, Huwebes.

Bumangga ang UV Express sa pampasaherong jeep habang nagsasakay ito ng mga pasahero. Dahil sa malakas na ulan, naipit ang mag-ina na kinilalang sina Karen at Francine Dela Cruz, 10 taong gulang.

“Nagaabang sila parating naman yung FX, mabilis kaya pagsakay nila sumalpok,” pahayag ni Leonardo Bia na nakasaksi sa pangyayari.

Ang madulas na kalsada ang tinuturong dahilan ng aksidente.

“Hindi talaga ito nakapagprepare magpreno dahil mayroong sumasakay nakatigil yun e kasi nga sasakay nga eh pero ito (FX) yung biglang sumalpok,” saad naman ni Cesar Tiberio, saksi.

Posibleng bali sa kanang binti ang tinamo ng mag-ina dahil sa pagkakaipit.

Nagtulung-tulong naman ang UNTV News and Rescue Team, Philippine Red Cross at Department of Public Order and Safety ng Quezon City upang madala sa East Avenue Medical Center ang mga biktima. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

UNTV News and Rescue, nakiisa sa disaster preparedness forum ng QC 6th District

$
0
0

Ang paglahok ng UNTV News and Rescue Team sa Disaster Preparedness Forum na inorganisa ng Local Government Unit ng Quezon City District 6. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nakiisa ang UNTV News and Rescue Team sa Disaster Preparedness Forum na inorganisa ng Local Government Unit (LGU) ng ika-anim na Distrito ng Quezon City bilang paghahanda sa mga paparating na kalamidad at sakuna.

“Ang gagawin natin, ire-retrain natin ang mga barangay with the help of UNTV and the help of MMDA. Gagawa tayo at bubuo tayo ng disaster team,” pahayag ni Quezon City District 6 Representative Jose Christopher Belmonte.

Iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at non-government organization ang nagsama-sama upang magbahagi ng mga kaalaman kabilang na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), QC Department of Public Order and Safety QC-DPOS, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Red Cross-Quezon City Chapter, Philippine National Police (PNP), D6 Disaster Rescue Team at UNTV News and Rescue.

“We have so many people working for us and volunteering po for us (UNTV News and Rescue Team) na ide-deploy lang po namin in different barangay and together po with other agency. They could use us and you could use us para po ma-disseminate natin yung information sa levels ng barangay. Kailangan po kasi natin yung… tama na po yun eh —  risk reduction — it speaks for itself,” pahayag ni UNTV News and Rescue Operations Manager Jeffrey Santos.

Ayon naman kay Wilky Lao, EMT, “Kasi pagdating sa actual disaster mahirap na mabigyang tugon yung kanilang nasasakupan. Sana sila mismo immediately makaka-response sila. At the same time, preparedness para maiwasan ang other injuries.”

Target ng forum na mabigyan ng sapat na kaalaman ang lahat ng barangay official ng labing isang barangay na nasasakop ng ika-anim na distrito ng lungsod.

Layon din na makabuo ng isang rescue team na magbabantay sa buong distrito.

“Bibigyan nila ngayon ng kaalaman ultimo bata mabibigyan sila ng kaalaman para maiwasan nga na magkaroon ng problema sa mga kamunidad yung dulo dulo ika nga lahat iinvolved, walang exemption,” saad pa ni Lao.

Pagkatapos ng forum nangako ang bawat opisyal ng barangay, ahensya ng gobyerno at non government organization na magpapatuloy ang ugnayan upang mas mapalakas pa ang pwersa ng mga tutulong sa komunidad sa oras ng sakuna. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)

2 nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang security guard at konduktor ng isang bus na nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Quezon City (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang magkahiwalay na aksidente sa lungsod ng Quezon kagabi at kaninang madaling araw.

Unang tinulungan ng grupo ang sugatang security guard na nabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa Boni Serrano.

Nilapatan muna ng paunang lunas ng News and Resuce Team ang mga tinamong sugat sa ulo ng biktimang si Efren Ebuen saka isinugod sa Quirino Memorial Medical Center.

Bandang ala-una y medya naman kaninang madaling araw nang rumesponde ang grupo sa pampasaherong bus na bumangga sa poste ng LRT sa southbound lane ng EDSA-Balintawak.

Binigyan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang konduktor na si Aldrin Palmera na nagtamo siya ng sugat sa mga daliri sa kamay nang basagin nito ang salamin ng bus upang makalabas lamang ang pitong pasahero na naipit sa loob.

Ayon sa drayber nito na si Gerodeo Corpuz, sumalpok siya sa poste ng LRT nang pilitin niyang iwasan ang jeep na umaatras sa balintawak subalit hindi kinaya umano ng preno ng minamaneho niyang bus ang dulas ng kalsada dulot ng ulan.

Nagdulot naman ang insidente ng pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sinakop nito tatlong lane ng southbound lane ng EDSA. (Jerico Albano, UNTV News)

Lalaking sumemplang sa motorsiklo sa Cebu, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team – Cebu ang isang lalaki na nagtamo ng sugat, gasgas sa katawan at bukol sa ulo matapos itong sumemplang sa sinasakyang motorsiklo sa Cebu noong madaling araw ng Linggo, Agosto 3, 2014 (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines —  Nagtamo ng gasgas at sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan at bukol sa ulo si Alvin Villareza, matapos sumemplang ang kanyang motorsiklo habang binabaybay ang tunnel sa South Road property, Cebu city mag alas dos ng madaling araw nung Linggo.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima at dinala sa Cebu City Medical Center upang masuri ng doktor.

“Itong driver itinabi na namin kasi maraming sasakyang dumadaan. Gumagapang na siya mula doon sa unahan, siya lang mag-isa,” ani Edgar Del Pilar na isang Cebu City Traffic Operations Management (CITOM) traffic enforcer.

Ayon sa biktima, masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi na niya alam kung ano ang naging sanhi upang madulas ang kanyang motor. (UNTV News)

Biktima ng isang vehicular accident sa Cebu city, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team Cebu ang driver ng isang bisikleta na biktima sa isang vehicular accident sa Labangon, Cebu City, kahapon ng madaling araw, Agosto 5, 2014 (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines — Tumagas sa kalsada ang gas ng nakaparadang fire truck ng Cebu city at sugatan ang driver ng napadaang bisiklita, matapos na sabay na mabangga ng isang kotse kahapon, Martes, mag-aalas tres ng madaling araw sa harap mismo ng Labangon Baranggay Hall sa Cebu city.

Rumesponde ang UNTV News and Rescue Team Cebu at Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Organization upang mabigyan ng paunang lunas si Victor Garcia, driver ng bisiklita, na nagtamo ng sugat sa ibat- ibang bahagi ng katawan.

“Pagpaka mao na to among nadunggan diha pa me nka gawas. Nag-wobble man daw iyang manibela (Nadinig namin ang pagbangga mula sa loob. Paglabas namin ganyan na nakita namin. Nag-wobble daw ang manibela),” ani Lito Patinia, isang tanod.

Samantala, mabilis naman na nilinis ng mga tanod ng barangay ang nagkalat na langis sa daan upang hindi na pagmulan pa ng panibagong aksidente.

Tumangging magpa-interview ang driver ng kotse ngunit nangakong sasagutin ang lahat ng gastusin na dulot ng aksidente. (UNTV News)

Viewing all 209 articles
Browse latest View live