Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all 209 articles
Browse latest View live

2 magkahiwalay na aksidente sa QC, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang biktimang si Jonathan Lichauco na isa sa mga casualty sa 2 motorcycle accident sa Quezon City na nirepondehan ng UNTV News and Rescue Team nitong Linggo. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang sugatang drayber ng motorsiklo matapos bumangga sa likuran ng isang sasakyan sa E. Rodriguez Bgy. Damayang Lagi alas-11:30 gabi ng Linggo.

Nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang biktima na kinilang si Boyet Ced dahil sa tinamo nitong mga gasgas sa kamay at tuhod.

Reklamo ng biktima, bigla umanong huminto ang sasakyan sa kaniyang harapan kaya hindi ito agad nakaiwas.

“Bigla po kasi silang huminto tapos naka-go naman yun bumangga po ako,” saad ni Ced.

Depensa naman ng drayber ng pribadong sasakyan na si Mary Co, mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya ito naaksidente.

“Maayos ang daloy ng na sasakyan namin yung pag-andar bigla na lang isang yung motorcycle biglang anglakas ng pagkasalpok sa kotse namin siguro hindi niya makontrol yung brake kasi sa sobrang bilis.”

Samantala, nirespondehan din ng UNTV News and Rescue Team ang isa pang motorcycle accident sa bahagi naman ng Mindanao Avenue sa Brgy. Talipapa, Quezon City.

Nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang biktima na kinilalang si Jonathan Lichauco dahil sa tinamo nitong gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Allan Panganiban na nakasaksi sa aksidente, nabangga si Lichuaco ng isa pang motorsiklo habang paliko sa isang u-turn slot sa Mindanao Avenue.

Saad nito, “Mayroong isang motorsiklo na mag-u-uturn na bigla siyang pumasok na may parating ng isang motorsiklo.”

Agad naman umanong tumakas ang nakabangga sa biktima.

Matapos malapatan ng paunang lunas ang mga biktima, agad itong isinugod sa East Avenue Medical Center. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)


UNTV News and Rescue, rumesponde sa tumagilid na jeep sa QC

$
0
0

Kasama ang MMDA Rescue na rumesponde sa aksidenteng naganap sa Philam-EDSA nitong Lunes ng gabi, ang biktimang ito matapos malapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ay dinala sa East Avenue Medical Center. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa Brgy. Philam, Quezon City, alas-9 ng gabi nitong Lunes.

Mabilis na nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang isa sa tatlong nasugatan na kinilalang si Marissa Diamsan nakatira sa Bungabung, Nueva Ecija dahil sa tinamo nitong malalim na hiwa sa noo at sugat sa kanang paa at pagkatapos ay agad itong dinala sa East Avenue Medical Center.

Samantala, minor injuries naman ang tinamo ng mga kasama nito na binigyan naman ng first aid ng MMDA Rescue Unit.

Ayon sa tauhan ng MMDA na si Bryan Llanera, iniwasan ng jeepney driver ang isang concrete barrier sa north bound lane ng EDSA at dahil sa sobrang bilis nito ay hindi na umano ito nakapagpreno kaya sumalpok sa center island.

Tumagilid ang jeep at kumalat sa kalsada ang dala-dala nitong niyog na ibibyahe sana sa Nueva Ecija.

“Galing sila ng flyover so nung nailing daw sila dito sa my concrete barrier so nagulat siya dahil mabilis yung takbo napakabig siya hindi niya nakaya yung manibela niya.”

Umabot ng mahigit dalawang oras bago naialis ng mga tauhan ng mmda at traffic sector 1 ang mga nagkalat na niyog sa kalsada. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

Lalaking natumba sa motorsiklo, binigyan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue

$
0
0

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team Cebu sa isang lalaking nawalan ng balanse sa motor matapos masagasaan ang isang biglang tumawid na aso. (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines – Sugatan ang isang lalaki matapos matumba sa sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Lorega, Cebu City pasado alas-10 ng gabi ng Linggo.

Nagtamo ng mga galos sa tuhod at kaliwang siko si Jeffrey Rosales, 23 anyos,nakatira sa Depolo, Mandaue City.

Binigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang biktima at tumanggi na itong magpadala sa ospital.

Ayon kay Ranjick Llanos na nakasaksi sa pangyayari, isang aso ang biglang tumawid sa kalsada kaya ito nasagasaan ng motorsiklo.

“Mabilis ang takbo niya, tapos yung aso biglang tumawid. Ang nakasunod sa kanya maswerte naka break lang, kung wala dalawa sila tumilapo,” saad nito. (UNTV News)

Mga nasaktan sa banggaan ng SUV at jeep sa Cebu, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0

Ang pinsalang tinamo ng sports utility vehicle (SUV) nang bumangga ito sa nakaparadang pampasaherong jeep sa Mabolo, Cebu City, noong Sabado. Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team Cebu ang mga nasaktan sa aksidenteng ito.  (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines – Isang sports utility vehicle (SUV) ang bumangga sa nakaparadang pampasaherong jeep sa Mabolo, Cebu City, pasado alas-2 ng madaling araw noong Sabado.

Nagtamo ng sugat sa noo at sa kanang bahagi ng mata ang driver nito na kinilalang si Sherwin Nang, 25 anyos at nakatira sa Mandaue City.

Nagkaroon naman ng bukol sa kaliwang tainga at gasgas sa kaliwang paa ang jeepney driver na si Ranilo Dais dahil sa pangyayari.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue ang dalawang biktima at dinala sa magkahiwalay na ospital. (UNTV News)

Lalaking na-trap sa mga water lily sa Pasig River, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0

Ang lalaking na-trap sa mga waterlily matapos tumalon sa Jenny’s bridge sa Pasig nitong Lunes ng hatinggabi. (UNTV News)

PASIG CITY, Philippines – Alas-12 ng hatinggabi nitong Lunes nang makatanggap ng tawag ang UNTV News and Rescue Team mula sa isang concerned citizen kaugnay ng isang lalaki na tumalon umano sa Jenny’s Bridge sa Brgy. Rosario, Pasig City.

Agad namang pinuntahan ng grupo ang lugar at nadatnan ang mga tao na pinagkakaguluhan ang lalaki na na-trap sa mga water lily.

Una nang rumesponde sa insidente ang Pasig Rescue Unit.

“Ang shout lang sa amin may nalaglag daw dito at na-trap daw sa water lily, so dito kami para kunin sila by means of rope, rope rescue.”

Sa tulong naman ng mga residente sa lugar, mabilis na na-rescue ang lalaki na ginaw na ginaw dahil sa tagal nitong nakababad sa tubig.

“Tinulungan ko na … ako agad ung tumalon,” pahayag ni Joed.

Nang maiahon, agad naman itong isinugod ng News and Rescue Team sa pinakamalapit na ospital.

Kinilala ang lalaki sa pangalang Jenuel Advincula, 21 anyos, 2nd year college sa isang pamantasan sa Pasig na taga Taytay, Rizal.

Ayon sa tiyahin ng biktima, problema umano sa pamilya ang posibleng dahilan ng pagpapakamatay ni Advincula. (UNTV News)

Sugatang motor cycle rider, nirespondehan at tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue team sa motorcycle accident sa Congressional Avenue, Quezon City  nitong Huwebes ng madaling araw. (UNTV News)

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue team sa motorcycle accident sa Congressional Avenue, Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Isang motorcycle accident ang naganap sa Congressional Avenue, Quezon City pasado alas-4 ng madaling araw nitong Huwebes.

Agad namang rumesponde at nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang motorcycle rider na sumalpok sa isang poste.

Sa tindi ng impact, nawasak ang harapang bahagi ng motorsiklo.

Nagtamo ng bukol sa kanang noo, pasa at nagsusuka ng dugo ang 41 anyos na si Emil Gingco, taga-Pulilan, Bulacan.

Pauwi na umano ang biktima galing sa isang salo-salo nang sumalpok ang kanyang motorsiklo  sa poste ng kuryente.

Agad namang dinala ng grupo ang pasyente sa East Avenue Medical Center. (UNTV News)

Lalaking nabangga ng bus sa EDSA, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang motorcycle rider na naaksidente nitong Linggo ng hapon sa area ng EDSA-Balintawak habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Duguan ang isang motorcycle rider nang maabutan ng UNTV News and Rescue Team sa may waiting shed sa bahagi ng EDSA Balintawak, Quezon City, ala-1:20 ng hapon nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Julius Binuya na taga Nueva Ecija.

Ayon kay MMDA Traffic Constable Felix Nisperos, nabangga ng isang provincial bus sa EDSA-Balintawak si Binuya nang bigla umanong huminto sa harapan ng bus.

“Bigla raw siyang tumigil kaya siyempre siguro sa bilis ng takbo niya sa bigat na dala niya na sasakyan na mga pasahero hindi makuhang agad magpreno.”

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga, nawasak ang motorsiklo ng biktima.

Bahagya namang nayupi ang harapan ng bus.

Agad naman itong nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team at dinala sa East Avenue Medical Center.

Samantala sa Cebu naman, tinulungan din ng UNTV News and Rescue Team ang isang construction worker sa isang mall sa Mandaue City na tinamaan ng grinder sa kamay, pasado alas-9 ng umaga kanina, Lunes.

Kinilala ang biktima na si Esteban Mercader, 25 anyos, nakatira sa Lahug, Cebu City.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang tinamong sugat sa kamay ni Mercader upang matigil ang pagdudugo at agad isinugod sa Mandaue City Hospital.

Tinulungan din ng  UNTV News and Rescue Team na maisugod sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang isang batang babae matapos malunod sa karagatang sakop ng bayan ng Liloan kahapon ng hapon, Linggo.

Nagsasagawa ng water rescue seminar at training ang UNTV Cebu News and Rescue Team sa lugar nang mangyari ang insidente kaya agad silang nakaresponde.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling na sa ospital ang bata na kinilalang si Johana Zapanta, 3 taong gulang. (UNTV News)

 

100 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa QC; UNTV Fire Brigade, tumulong sa pag-apula ng apoy

$
0
0

Ang pagresponde ng UNTV Fire Brigade sa sunog sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City nitong Martes ng hapon. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Kasama ang UNTV Fire Brigade sa umapula sa sunog na umabot sa Task Force Bravo sa San Simon St. Brgy. Holy Spirit, Quezon City hapon nitong Martes.

Ayon kay Sr. Supt. Anderson Comar, Asst. Regional Director for Operation ng Bureau of Fire Protection (BFP), tinatayang aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng bahay at aabot naman sa P750,000 ang halaga ng ari-ariang tinupok ng apoy.

Tatlong residente ang napaulat na nasaktan sa sunog.

Idineklrang fire out ang sunog makalipas ang dalawang oras at inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi nito. (UNTV News)

 


Sugatang drayber ng dump truck sa Quezon Ave., tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Nilapatan ng paunang lunas ang drayber ng dumptruck na kinilalang si Rito Zinampan na taga Karuhatan, Valenzuela (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Rumesponde ang UNTV News and Rescue Team sa isang aksidente sa Quezon Avenue, Quezon City madaling araw nitong Miyerkules.

Ayon kay Orlan Empase na nakakita sa pangyayari, nabangga ng dump truck ang isang pampasaherong jeep na bumangga naman sa isang car dealer establishment.

“May biglang bumasag na malaking yung parang bumangga nung nakita ko sasakyan pala.”

“Biglang bumundol sa ano namin tapos ang jeep tumagilid,” pahayag naman ni Juanito Bohol, drayber ng jeep.

Nilapatan ng paunang lunas ang drayber ng dumptruck na kinilalang si Rito Zinampan na taga Karuhatan, Valenzuela.

Nakaidlip umano ito sa pagmamaneho kaya naaksidente.

“Lumapit agad ako sa kaniyang tapat (Zinampan) baka kako naipit siya. Nung tinanong ko bakit nawalan ng preno? Hindi ho, nakatulog ako,” pahayag ni Bayani Cordero na nakasaksi rin sa aksidente.

Wasak ang harapan ng dumptruck, gayundin ang salamin ng isang car dealer shop at ang nakadisplay na sasakyan sa loob nito.

Nayupi naman ang likuran ng jeep na unang nabangga ng dump truck.

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team at MMDA Rescue ang mga pasahero ng jeep na nagtamo ng minor injuries.

Matapos malapatan ng paunang lunas ang mga biktima ay dinala ito sa East Avenue Medical Center. (UNTV News)

Mga biktima ng vehicular accident sa Iloilo, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pag-responde ng UNTV News and Rescue Iloilo sa aksidente sa pagitan ng tricycle at taxi. (UNTV News)

ILOILO CITY, Philippines — Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang pasahero at driver ng isang tricycle na nabangga ng taxi, alas-3 ng madaling araw nitong Miyerkules sa Barangay Tabucan, Mandurriao, Iloilo.

Sakay ng tricycle ang mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa taxi driver, makipot ang daan at basa ng ulan nang biglang salubungin ng tricycle.

Aminado naman ang taxi driver na maling lane ang kanyang dinaanan at handang harapin ang kasong posibleng isampa laban sa kanya.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng news and rescue team ang isang babae na nagtamo ng sugat sa ulo, gayundin ang tricycle driver na dumaraing ng pananakit ng balikat at saka dinala sa Western Visayas Hospital. (UNTV News)

Tumaob na sasakyan sa Benguet, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang tumaob na puting Toyota Innova sa Sitio Bayacsan, Barangay Taloy Sur, Tuba, Benguet nitong umaga ng Martes na nirespondehan naman ng UNTV News and Rescue Team –Baguio. ( CLINTON ANIVERSARIO / PHOTOVILLE International)

BENGUET, Philippines —  Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team-Baguio ang driver ng isang Toyota Innova na tumaob sa Sitio Bayacsan Barangay Taloy Sur, Tuba, Benguet, ala-5 ng umaga ng Martes.

Nagtamo ng gasgas sa kamay at bugbug sa kaliwang bahagi ng binti ang driver ng sasakyan na si Angelito Yambao, habang masuwerte namang walang pinsalang tinamo ang dalawang pasahero nito.

Ayon kay Yambao, patungo sana sila sa Baguio City galing ng Pasay City nang biglang pumutok ang kanang gulong sa harapang bahagi ng sasakyan dahilan upang mawalan siya ng kontrol at tuluya itong bumaligtad.

“Pilit ko talagang inilalaglag sa gatter para hindi mapunta don, kasi tataob po yun eh once na naglaban…. babaligtad po kaya pilit kong inilagay dito sa kabilang side,” pahayag ni Yambao.

Tumangi namang magpadala pas sa ospital si Yambao pagkapatos na malapatan ng paunang lunas at nagpahatid na lamang sa istasyon ng pulis upang makuha ang sertipikasyon ng aksidente. (Bryan Lacanlale / Ruth Navales, UNTV News)

2 lalakeng sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

FILE PHOTO : Pag-responde ng UNTV Rescue Team sa isa sa mga biktimang sakay ng motorsiklo matapos maaksidente sa Quezon City (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos itong maaksidente at magtamo ng mga gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pauwi na sana ang mga biktima na kinilalang si Isagani Ortiz galing sa isang handaan ng mangyari ang aksidente.

Kinilala naman ang angkas ng biktima na si Ghino Dela Cruz na kapwa residente ng Barangay West Triangle.

“Tinanong ko siya (Ortiz) medyo nakainom siguro siya, hindi siguro niya nabalanse yung manibela kaya bumamgga siya sa poste,” pahayag ni Pepito Española, BPSO ng Brgy. West Triangle.

Matapos malapatan ng paunang lunas ay dinala ang mga biktima sa East Avenue Medical Center. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

2 Magkahiwalay na aksidente sa Cebu, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang isa sa mga biktimang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team at inihatid sa CCMC o Cebu City Medical Center. (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines — Dalawang motorsiklo ang nagbanggaan sa Carlock St. Brgy Fatima, Cebu, pasado alas-4 ng umaga noong Linggo.

Nagtamo ng pinsala sa may kanang bahagi ng balakang at mga gasgas sa kamay at paa si John Vincent Famoso, driver ng isa sa mga motorsiklo.

Nagkaroon din ng sugat sa kanang tuhod at kamay ang angkas nito na kinilalang si Joven Bendong, 24 anyos.

Sugatan din ang isa pang driver ng motorsiklo na kinilalang si Rey Ochia.

Matapos na lapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima ay agad na dinala ang mga ito sa Cebu City Medical Center upang masuri ng doktor.

Tumanggi namang magpadala pa sa ospital si Ochia matapos na malapatan ng first aid.

Ayon sa initial na imbestigasyon, pumasok sa one way si John Vincent kaya nagkabangaan ang dalawang motorsiklo.

Samantala, isang kotse ang bumangga sa poste ng ilaw sa center island ng South Reclamation Properties, pasado alas-5 ng umaga noong Linggo.

Wasak ang harapan ng kotse at humarang sa gitna ng daan ang natumbang poste ng ilaw.

Agad namang rumesponde ang UNTV News and Rescue Team sa lugar at nilapatan ng pangunang lunas ang sugatang driver ng kotse.

Matapos na matiyak na nasa maayos na kalagayan ang biktima ay tumulong rin ang grupo sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko dulot ng natumbang poste.

Ayon sa driver ng kotse, nakatulog siya at nagulat nang pumutok ang airbag ng kanyang sasakyan. (Marlhon Abique / Ruth Navales, UNTV News)

Lola na sugatan sa banggaan ng 2 kotse sa tunnel ng Quezon Ave., tinulungan ng UNTV News & Rescue Team

$
0
0

Ang matandang babaeng sakay ng isang kotseng binanggaan ng isa pang kotse na mula sa kabilang lane nitong Martes ng madaling araw sa Quezon Avenue tunnel. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Rumesponde ang UNTV News and  Rescue Team sa banggaan ng dalawang kotse sa Quezon Ave. tunnel sa QC pasado alas dose nitong madaling araw ng Miyerkules.

Nadatnan ng grupo ang si Lola  Rose Luna, 61 anyos, na iniinda pa ang  sakit sa kaliwang braso matapos mabangga ang kotseng sinasakyan nito.

Agad naman nilapatan ng paunang lunas ang biktima matapos itong makaramdam ng pananakit sa kaliwang braso saka dinala sa ospital.

Sa salaysay ng asawa ng biktima,  sinalubong sila ng isang kotse mula sa kabilang lane matapos sumampa sa center island at bumangga sa harapan ng kanilang sasakyan.

Pahayag ni Ginoong Mon Luna, “Imagine from that side lumundag siya ng island o tumawid sila. Kami, diretso ang takbo; nagkataon lang na kami ang inabot.”

Ayon naman sa driver ng nakabanggang kotse na si Raymund Yu, nasagi ito ng truck na nakagitgitan nito habang binabaybay ang west bound lane ng tunnel kaya ito napunta sa kabilang lane.

“Hindi naman po ako ang may kasalanan. Sinabit lang ako ng truck, tinakbuhan ako. Umikot yung sasakyan ko, nadali lang po ung matanda,” ani Yu.

Ayon naman sa MMDA Traffic Constable 3 na si Michael Correa, “Bale dito galing siya sa west bound.  Ang sabi ng delta (driver)  ng galant, may nakagitgitan daw siyang truck.”

Wasak ang harapan ng parehong kotse.

Nabasag naman ang mga planter box sa center island na nabangga ng suspek.

Nagakalat din ang langis sa kalsada na agad  namang nilinis ng MMDA upang hindi ng makaabala pa sa mga motorista. (JERICO  ALBANO / UNTV News)

Motorcycle accident sa Mindanao Ave. QC, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang pagresponde ng UNTV Rescue Team sa biktima matapos mabangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang sasakyan sa Quezon City (UNTV News)

Ang pagresponde ng UNTV Rescue Team sa biktima matapos mabangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang sasakyan sa Quezon City (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang naganap na aksidente sa motorsiklo sa Mindanao Avenue, Quezon City, alas-11 kagabi, Linggo.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ang biktima dahil sa tinamo nitong sugat at pananakit sa kanang tuhod.

Bumangga umano ang sinasakyan nitong motorsiklo sa likod ng isang sasakyan habang binabaybay ang southbound lane ng Mindanao Avenue sa Brgy. Toro sa naturang lungsod.

Kinilala ang biktima na si Floridel Ocampo, 28 anyos at nakatira sa Project 8, QC.

Hindi umano sa kaniya ang naturang motorsiklo kundi itinakas lamang sa kaniyang amo.

At dahil sa takot, nagawa pa nitong umakyat sa bubungan ng isang bahay.

Matapos maibaba sa bubungan ang biktima ay dinala na ito sa East Avenue Medical Center para sa iba pang kakailanganing atensyong medikal. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)


Vehicular accident sa NLEX, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang paglalapat ng paunang lunas sa natamong sugat ng isa sa mga biktima sa naganap na aksidente sa NLEX (UNTV News)

MALOLOS CITY, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang anim na sugatang pasahero ng isang van matapos mabangga ng isang 20-wheeled truck sa North Luzon Expressway (NLEX) pasado alas-4 kaninang umaga, Martes.

Ayon sa driver ng van na si Rackie Basallote, pabalik na sila ng Maynila galing sa Apalit, Pampanga kasama ang labing tatlong iba pa nang banggain ng truck ang likurang bahagi ng kanilang sasakyan.

“Nasa NLEX kami, magpapa-gas kami, 60 po takbo namin nakasignal naman po kami. Biglang may bumangga sa amin na truck. Mabilis kasi yung truck, marami kasabay di na kami naiwasan. Nabasag nga mga salamin namin, ilaw namin.”

Depensa naman ng driver ng truck na si Eunidez Nunez, hindi nito napansin ang van sa kaniyang unahan kaya niya ito nabangga.

“Nakasunod ako sa van. Pagdating nung malapit na sa may Petron, bigla siyang nag-menor, eh ngayon kasunod ako sa kanya hindi ko na rin naiwasan, sa kaliwa’t kanan may mga sasakyan na mabibilis eh. Kung biglaan naman ako liliko makakaaksidente pa lalo kaya di ko na naiwasan nabangga ko na yung likuran van nila.”

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue, Pampanga and Bulacan chapter ang mga sugatang biktima at dinala sa Bulacan Medical Center sa Malolos City.

“Medyo masakit aking leeg at aking nguso, nauntog po sa upuan. Maganda po yung UNTV tumutulong muna sila bago magbalita, saka maganda po yung pakikitungo nila sa mga biktima,” pahayag ng isa sa mga biktima na si Devon Angot.

Kwento naman ni Roverick Josef, “Natutulog din po ako, paggising ko, pagbangon ko masakit na po ulo ko. Nakita ko po basag na po yung glass, eh medyo sumasakit na po ulo ko. Napansin ko po dumudugo malapit sa tenga ko. Salamat po sa UNTV at kay Kuya Daniel na nakaisip ng ganitong proyekto sa aming naaksidente.”

Nangako naman ang driver ng truck at ang amo nito na sasagutin ang pagpapagamot sa mga biktima at ang pagpapaayos sa nasirang sasakyan. (Nestor Torres / Ruth Navales, UNTV News)

2 sugatang sakay ng motorsiklo sa Balintawak QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang paglalapat ng paunang lunas sa dalawang biktima matapos itong maaksidente sa Balintawak, Quezon City (UNTV News)

Ang paglalapat ng paunang lunas sa dalawang sugatang biktima ng motorcycle accident sa Balintawak, Quezon City (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Rumesponde ang UNTV News and Rescue Team sa dalawang sugatang biktima ng motorcycle accident sa Balintawak, Quezon City, madaling araw ngayong Huwebes.

Duguan at puro gasgas ang katawan ng driver ng motorsiklo na kinilalang si Patrick Valenzuela, at angkas nito na si Raphael Miguel, kapwa residente ng Brgy. Balingasa sa nasabing lungsod.

Ayon kay Valenzuela, nagsasagawa lamang sila ng test drive upang subukan ang kaniyang motorsiklo.

Naaksidente ang mga ito matapos ma-out of balance sa southbound lane ng EDSA Balintawak.

“Parehas ho nakainom eh dahil dito eh nung nahimasmasan na yung isa bumangon agad eh, pahayag ni NLEX Security Patrol Michael Sebastian.

Matapos malapatan ng paunang lunas ay saka ito dinala sa East Avenue Medical Center. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

Motorcycle accident sa Maynila, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang paglapat ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team sa ginang na si Marlyn Camilo na nabundol ng motorsiklo sa may Ermita. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isang ginang ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa may bahagi ng Kalaw corner Maria Orosa Street sa Ermita, Maynila pasado alas-10 nitong Lunes ng gabi.

Ang biktima na kinilalang si Marlyn Camilo ay nabundol ng motorsiklo habang tumatawid.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang mga sugat sa ulo ni Camilo at pagkatapos ay isinakay sa rescue van.

Ang Divisoria Brotherhood Rescue Unit naman ang nagbigay ng first aid sa driver ng nakabundol na motorsiklo na kinilalang si Victor Castro, 29 anyos na sugatan din sa nangyaring aksidente.

Kapwa dinala sa Philippine General Hospital (PGH) ang dalawa.

Nangako naman ang kaanak ni Castro na sasagutin ang gastusin sa ospital ni Camilo. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)

Dalawang nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang paglalapat ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team sa dalawang biktima na nadatnang kapwa sugatan (UNTV News)

Ang paglalapat ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team sa dalawang biktima na nadatnang kapwa sugatan matapos maaksidente sa QC (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang sugatang driver ng motorsiklo at tricycle matapos maaksidente sa Ilocos Sur St., Brgy Magsaysay, Quezon City, ala-una ng madaling araw kanina, Lunes.

Naabutan pa ng grupo ang dalawang biktima na nakahandusay sa gutter matapos ang aksidente.

Agad namang nilapatan ng grupo ng paunang lunas ang dalawang biktima na kinilalang sina RJ Mendoza, driver ng motorsiklo at si Nestor Palo, driver ng tricycle.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinalubong ng motorsiklo ang papakaliwang tricycle.

“Head on ang nangyari kasi butas ung windshield ng tricycle, durog naman ung ulo ng motor na gamit nila,” pahayag ni PO1 Isabelo Pajarilla, traffic investigator.

Dahil sa banggaan, nabasag ang salamin ng tricycle at wasak naman ang harapang bahagi ng motorsiklo.

Matapos lapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima ay agad itong dinala ng grupo sa pagamutan. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

Lalakeng biktima ng hit and run sa Malolos Bulacan, tinulungan UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Kasama ang Malalos Rescue, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang lalaking na-hit and run sa Mc Arthur Highway, Malolos, Bulacan nitong Lunes ng gabi, June 16, 2014. (UNTV News)

BULACAN, Philippines —  Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking biktima ng hit and run sa kahabaan ng Mc Arthur Highway sa Malolos City, Bulacan, pasado alas-11 kagabi, Lunes.

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, patawid na sana ang biktima nang masagasaan ito ng motorsiklo na hindi man lamang huminto.

Kinilala ang biktima na si Francis Dacillo, 20-anyos, taga-Plaridel, Bulacan at napag-alamang may problema sa pandinig.

Nagtamo si Dacillo ng ng minor injuries na agad nilapatan ng pang unang lunas ng Malolos Rescue katuwang ang UNTV News and Rescue Team.

Matapos bigyan ng paunang lunas ang biktima ay agad itong dinala sa Bulacan Medical Hospital.

“Maganda yung tinulungan kami ng UNTV sa pagbubuhat, saka sa treatment ng pasyente, maganda yung nagkakatulong talaga,” pahayag ni Anton Sepasam ng Malolos Rescue. (Nestor Torres / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 209 articles
Browse latest View live