
Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team Pampanga katuwang ang Bureau of Fire Protection sa isang aksidente sa pagitan ng isang motorsiklo at SUV sa San Fernando City nitong Biyernes. (UNTV News)
SAN FERNANDO CITY, Philippines — Duguan at nakahandusay pa sa kalsada nang abutan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang SUV sa kahabaan ng Brgy. Del Pilar, San Fernando City, Pampanga, pasado ala-una ng hapon, Biyernes.
Mabilis na tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang biktima na kinilalang si Zosimo Mercado, residente ng Mabalacat, Pampanga na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan.
Ayon sa driver ng SUV na si Apolinario Florentino, paliko na siya nang biglang sumalpok ang motorsiklo
Dagdag pa ni Florentino, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo at hindi na nagawang magpreno kaya bumangga ito sa kaniyang sasakyan.
Matapos mabigyan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team at Bureau of Fire Protection Emergency Team ay agad isinugod ang biktima sa Pampanga Provincial Hospital. (Bernard Dadis & Ruth Navales, UNTV News)