Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all 209 articles
Browse latest View live

Pulis na naaksidente sa motorsiklo sa Maynila, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang naaksidenteng pulis na si PO1 Ernesto Neri habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team. (UNTV News)

Ang naaksidenteng pulis na si PO1 Ernesto Neri habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang pulis na nasugatan matapos maaksidente sa kaniyang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng Pedro Gil corner Roxas Boulevard sa Maynila, madaling araw ng Miyerkules.

Ang biktima na nakilalang si PO1 Ernesto Neri na nakatalaga sa Parañaque City ay nagtamo ng sugat sa noo at ilong.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang mga sugat ng pulis at pagkatapos ay inihatid na sa ospital ng Maynila upang masuri ng mga doktor.

Sa salaysay ni PO1 Neri, binabagtas niya ang Roxas Boulevard nang bigla umano siyang banggain sa likuran ng isang van.

Hindi naman niya nakuha ang plate number ng sasakyan na agad umalis matapos ang pangyayari.

Dinala naman sa malapit na police community precinct ang motorsiklo at service firearms ng naaksidenteng pulis.

Ang news and rescue team na rin ang tumawag sa pamilya ng biktima upang alalayan ito sa ospital. (Benedict Galazan & Ruth Navales, UNTV News)


2 lalaki, patay sa banggaan ng bus at motorsiklo sa Commonwealth Avenue

$
0
0
Ang motor na  sinakyan ng 2 rider na namatay matapos itong bumangga sa likod ng bus sa Commonwealth Avenue, QC. (UNTV News)

Ang motor na sinakyan ng 2 rider na namatay matapos itong bumangga sa likod ng bus sa Commonwealth Avenue, QC. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Dead on the spot ang dalawang lalaki nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa Commonwealth Avenue sa lungsod Quezon nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Mamerto Balgos at ang kasama nitong nagngangalang Victor, na kapwa nagtamo ng pinsala sa ulo na naging dahilan ng kanilang agarang pagpanaw.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, mabilis ang takbo ng motorsiklo nang bumangga sa likuran ng bus, at wala ring suot na helmet ang dalawang biktima.

Humingi naman ng tawad ang driver ng bus na pagmamay-ari ng Precious Grace Transport, at igiit na hindi niya kasalanan ang nangyari.

”Humihingi po ako ng tawad sa kanila wala naman ho akong kasalanan at sila po ang may kasalanan kasi sila ang bumangga,” pahayag ng driver ng bus na si Ruben Bolaños.

Dinala naman sa istasyon ng pulisya ang driver ng bus upang isailalim sa imbestigasyon. (Benedict Galazan & Ruth Navales, UNTV News)

Dalawang aksidente sa QC, nirespondehan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang pahinante ng tumagilid na pampasaherong jeep sa Mindanao Avenue habang ginagamot ng UNTV News and Rescue Team ang mga natamong mga sugat at gasgas nito. (UNTV News)

Ang pahinante ng tumagilid na pampasaherong jeep sa Mindanao Avenue habang ginagamot ng UNTV News and Rescue Team ang mga natamong mga sugat at gasgas nito. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Isang jeep ang tumagilid sa Mindanao Avenue, Quezon City pasado ala-una ng madaling araw kanina.

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang tinamong minor injury ng pahinante ng jeep, habang wala namang pinsala ang driver nito na si Arly David.

Hindi na nagpadala sa ospital ang mga biktima.

Samantala, pasado alas-4 naman kaninang madaling araw, isang kotse ang bumangga sa tatlong sasakyan na nakaparada sa isang bahagi ng West Avenue sa lungsod Quezon.

Nilapatan ng first aid ng news and rescue ang sugat sa braso ng driver ng kotse na kinilalang si Richard Suarez na tumangging magpadala sa ospital.

Ayon sa nakakita sa pangyayari, mabilis ang takbo ng kotse nang bumanga sa mga sasakyan.

Payo naman ng mga otoridad, doblehin ang pagiingat. (Benedict Galazan & Ruth Navales, UNTV News)

Binatilyong nabangga ng taxi sa Ermita, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang naaksidenteng binatilyo habang sinusuri ng UNTV News and Rescue Team sa mga posibleng pinsala na natamo nito matapos mabangga ng taxi ang kanyang bisekleta. (UNTV News)

Ang naaksidenteng binatilyo habang sinusuri ng UNTV News and Rescue Team sa mga posibleng pinsala na natamo nito matapos mabangga ng taxi ang kanyang bisekleta. (UNTV News)

MAYNILA, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang binata matapos mabanga ng isang taxi sa Ermita, Maynila.

Nagtamo ng sugat sa hita at braso ang biktimang si Angelo Villa matapos ang aksidente.

Agad inalalayan ng rescue team si Villa patungo sa rescue van at dinala sa Philippine General Hospital ayon na rin sa kagustuhan ng pamilya nito.

Ayon sa taxi driver na kinilalang si Resty Dela Cruz, pa-U-Turn siya kaya hindi niya napansin ang walang ilaw na bisikleta.

Dinala naman sa Manila traffic sector ang taxi driver para sa imbestigasyon. (Benedict Galazan & Ruth Navales, UNTV News)

Babaeng naaksidente sa motorsiklo sa Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang babaeng motorcycle driver na naaksidente habang nilalagyan ng pang-unang lunas o first aid ng UNTV News and Rescue Team dahil sa natamong bali nito sa kaliwang binti. (UNTV News)

Ang babaeng motorcycle driver na naaksidente habang nilalagyan ng pang-unang lunas o first aid ng UNTV News and Rescue Team dahil sa natamong bali nito sa kaliwang binti. (UNTV News)

ANGELES CITY, Philippines — Mabilis na tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang babae matapos maaksidente sa motorsiklo sa Angeles, City, Pampanga, Biyernes ng madaling araw.

Nakahandusay pa sa kalsada at namimilipit sa sakit nang abutan ng rescue team si Janice Santos, 29-anyos matapos itong sumemplang sa sinasakyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Bgry. Balibago sa naturang lungsod.

Ayon sa biktima, pauwi na siya galing sa trabaho nang tumama ang kaniyang sinasakyang motorsiklo sa side mirror ng isang kotse nang tangkain nitong mag-over take.

Sa lakas ng impact ay tumilapon si Santos sa kalsada.

Aminado naman ang biktima na kasalanan din niya ang nangyaring aksidente.

Matapos mabigyan ng first aid ay agad na dinala ng rescue team sa ospital ang babae upang masuri ang tinamong pinsala at ang iniindang pananakit ng tuhod. (Rey Tamayo & Ruth Navales, UNTV News)

Mag-asawang naaksidente sa tricycle sa Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang pag-responde ng UNTV News and Rescue Team Pampanga sa isang aksidente sa Angeles City nitong Linggo ng hating-gabi. (UNTV News)

Ang pag-responde ng UNTV News and Rescue Team Pampanga sa isang aksidente sa Angeles City nitong Linggo ng hating-gabi. (UNTV News)

ANGELES CITY, Philippines — Mabilis na tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang mag-asawa matapos mabangga ng isang kotse ang sinasakyan nilang tricycle habang binabagtas ang kahabaan ng Bgry. Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga, Linggo ng hating-gabi.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na kinilalang sina Allen at Catherine Salunga.

Sa lakas ng impact, nayupi ang unahang bahagi ng kotse at nasira naman ang tricycle.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis ang takbo ng kotse hanggang sa mawalan ito ng kontrol at sinalpok ang  tricycle.

Matapos lapatan ng first aide ng rescue team ang mga biktima ay agad isinugod ang mga ito sa Pampanga District Hospital.

Iniinda ni Allen ang masakit na likod na napuruhan sa naturang banggaan.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ng mga biktima ang driver ng kotse. (Nath Arciaga & Ruth Navales, UNTV News)

2 guwardiya, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa magkahiwalay na aksidente sa Cebu

$
0
0
Ang dalawang lalaki na pawang parehas na security guards na  natulungan ng UNTV News and Rescue Team Cebu sa magkahiwalay na insidente nitong madaling araw ng Miyerkules. (UNTV News)

Ang dalawang lalaki na pawang parehas na security guard na natulungan ng UNTV News and Rescue Team Cebu sa magkahiwalay na insidente nitong madaling araw ng Miyerkules. (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines — Duguan ang isang security guard nang abutan ng UNTV News and Rescue Team sa Labangon Police Station, Cebu City, pasado ala-una ng madaling araw ng Miyerkules.

May sugat sa noo at ilong ang lalaki na nakilalang si Jeramel Gantalao sanhi ng pambubugbog sa kanya ng mga kainuman.

Nilapatan ng paunang lunas ng rescue team ang mga tinamong sugat ng biktima at dinala ng mga pulis sa ospital matapos makunan ng pahayag sa insidente.

Samantala, nakahandusay pa sa kalsada ang isa pang lalaki nang madatnan ng UNTV News and Rescue Team sa Gorordo Ave., Brgy. Kamputhaw, Cebu City alas-3 ng madaling araw.

Nabatid na tumilapon sa kanyang motorsiklo ang biktima na kinilalang si Joseph Lada na isa ring security guard.

Nagtamo ito ng mga sugat at galos sa ibat-ibang bahagi ng katawan at posibleng nabalian ng buto sa kanang braso dahil sa aksidente.

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima at agad dinala sa pagamutan. (UNTV News)

Lalaking naaksidente sa motorsiklo sa Cavite, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Cavite sa isang motoristang naaksidente sa Dasmariñas City nitong Madaling araw ng Miyerkules. (UNTV News)

Ang paglalapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Cavite sa isang motoristang naaksidente sa Dasmariñas City nitong Madaling araw ng Miyerkules. (UNTV News)

CAVITE, Philippines – Namimilipit pa sa sakit ang isang lalaki nang madatnan ng UNTV News and Rescue Team matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo ala-1 ng madaling araw ng Miyerkules sa Brgy. San Agustin, Dasmariñas City.

Kinilala ang sugatang lalaki na si Bryan Mantele.

Kwento ni Third Manalo, kaibigan ng biktima na nakaangkas sa motorsiklo, papunta sila sa tindahan nang bigla na lang silang banggain ng jeep.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang tinamong pilay sa kaliwang paa ni Mantele dahil sa pagkakaipit nito sa bumper ng pampasaherong jeep.

Nilapatan din ng first aid si Manalo na nagtamo ng malaking galos sa binti.

Dahil sa tindi ng pamimilipit sa sakit ng biktima, agad itong dinala ng grupo sa ospital. (UNTV News)


German national na nabiktima ng holdup sa Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang German national na sugatan matapos umanong ma-hold up sa Angeles City. Habang nagbibigay ng pahayag sa pulisya ay ginagamot naman ng UNTV News and Rescue Team Pampanga ang kanyang mga natamong pinsala. (UNTV News)

Ang German national na sugatan matapos umanong ma-hold up sa Angeles City. Habang nagbibigay ng pahayag sa pulisya ay ginagamot naman ng UNTV News and Rescue Team Pampanga ang kanyang mga natamong pinsala. (UNTV News)

ANGELES CITY, Philippines — Mabilis na tinulungan at binigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang isang German national na biktima umano ng holdup sa Angeles City, Pampanga, pasado alas-3 ng madaling nitong Lunes ng madaling araw.

Naabutan ng rescue team sa Angeles Police Station ang biktimang si Hesse Oliver, 22 anyos at kasalukuyang naninirahan sa Quezon City.

Ayon sa biktima, pauwi na siya nang holdapin ng dalawang binatilyo gamit ang patalim.

Nakuha kay Oliver ang mahigit P15,000.

Nagtamo ng mga sugat sa tuhod at braso ang biktima matapos manlaban sa mga suspek.

Tumanggi namang magpadala sa ospital ang foreigner kaya binigyan na lamang ito ng pang-unang lunas.

Samantala,dahil sa maagang pag-responde ng mga pulis, nahuli ang isa sa dalawang holdaper at na-recover din ang patalim na ginamit sa pangho-holdap.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek. (Rey Tamayo, UNTV News)

Lalaking nasugatan sa banggaan ng motorsiklo sa QC, sinaklolohan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team sa naaksidenteng motoristang si Edgardo Solidum nitong umaga ng Huwebes. (UNTV News)

Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team sa naaksidenteng motoristang si Edgardo Solidum nitong umaga ng Huwebes. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Sugatan ang isang lalaki matapos mabangga ang minamaneho niyang motorsiklo ng isa pang motorsiklo sa Congressional Ave, corner Sta. Gertrude, Quezon City, alas-7 ng umaga nitong Huwebes.

Dumaraing ng pananakit ng paa ang biktima na kinilalang si Edgardo Solidum nang datnan ng UNTV News and Rescue Team.

Nagtamo rin ng kaunting galos at pasa sa kanyang kaliwang paa si Solidum.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ng rescue team ang biktima at agad dinala sa Quezon City General Hospital.

Ayon sa nakasaksi na si Gerry Salazar, masyadong mabilis ang takbo ng nakabanggaang motorsiklo na minamaneho ni Manuel Libunao.

“Nagmamadali talaga siya, nilagpasan niya yung red light, nung pagkasagi niya dun sa naaksidente medyo malakas dahil kahit nakatayo na naitapon pa rin sa harapan ang motor.” (Benedict Galazan & Ruth Navales, UNTV News)

Dalawang magkahiwalay na aksidente sa motorsiklo sa Cebu City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang dalawang aksidenteng kinasasangkutan ng motorsiklo na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team Cebu nitong Miyerkules at Huwebes. (PHOTOVILLE International / Romaldo Solon)

Ang dalawang aksidenteng kinasasangkutan ng motorsiklo na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team Cebu nitong Miyerkules at Huwebes. (PHOTOVILLE International / Romaldo Solon)

CEBU, Philippines — Pasado alas onse ng gabi ng Miyerkules nang madatnan ng  UNTV News and Rescue Team ang isang lalaki na nakahandusay sa kalsada sa tapat ng Camp Sotero Gorordo, Lahug, Cebu City.

May sugat sa ulo ang biktima na kinilalang si Ruel Mendez sanhi ng pagsalpok ng sinasakyang motorsiklo sa isang sports utility vehicle na papasok sa kampo.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, mabilis ang takbo ng motorsiklo nang mangyari ang aksidente.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong sugat ng biktima at dinala sa ospital katulong ang Emergency Rescue Unit Foundation.

Samantala, alas 2:30 naman ng madaling araw nitong  Huwebes ay sumalpok ang isang motorsiklo sa isang police patrol car sa bahagi ng Mango  Avenue, Cebu City.

Duguan ang mukha ng driver ng motorsiklo at nakadapa pa nang abutan ng UNTV News and Rescue Team.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang biktima na kinikilalang si  Roel Candido, 23-anyos at ang dalawa pa nitong kasama na nagtamo ng minor injuries.

Matapos na mabigyan ng first aid, dinala ang mga biktima sa Perpetual Succor Hospital.

Wala namang tinamong sugat ang driver at ang sakay ng  police patrol car. (Joy Cena, UNTV News)

Sugatan sa aksidente sa Makati, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang motoristang si Luis Epili habang inilalabas sa kanyang sasakyan matapos malagyan ng C collar ng UNTV News and Rescue Team bunga ng pinsalang kanyang natamo ng bumangga ang kanyang sasakyan sa isang concrete barrier sa Magallanes Flyover nitong Lunes ng madaling araw. (UNTV News)

Ang motoristang si Luis Epili habang inilalabas sa kanyang sasakyan matapos malagyan ng C collar ng UNTV News and Rescue Team bunga ng pinsalang kanyang natamo ng bumangga ang kanyang sasakyan sa isang concrete barrier sa Magallanes Flyover nitong Lunes ng madaling araw. (UNTV News)

MAKATI CITY, Philippines – Mabilis na tinulungan ng UNTV News ang Rescue Team ang nangyaring aksidente sa Makati City, ala-una ng madaling araw nitong Lunes.

Nadatnan pa ng grupo sa loob ng kanyang sasakyan ang driver ng kotse na sumalpok sa concrete barrier sa Magallanes flyover.

Agad nagsagawa ng extrication procedure ang grupo para mailabas sa loob ng sasakyan ang biktima na kinilalang si Luis Epili, 31-anyos.

Nang mailabas, agad isinakay sa rescue van ang biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon na rin sa desisyon ng mga kamag-anak, dinala ng rescue team si Epili sa Medical Center Manila (MCM).

Ayon sa biktima, hindi niya napansin ang concrete barrier dahil wala umano itong reflector kaya siya sumalpok dito.

Dinala na sa Skyway impounding area ang kotse para sa kaukulang imbestigasyon.

Inaalam na rin ng mga otoridad kung ano ang posibleng pananagutan ng driver ng kotse sa nangyaring aksidente. (Benedict Galazan & Ruth Navale, UNTV News)

Lalaking nahulog sa motorsiklo sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang pagdala ng UNTV News and Rescue Team sa naaksidenteng si Philip Aviles sa East Avenue Medical Center matapos itong mabigyan ng pangunang lunas. (UNTV News)

Ang pagdala ng UNTV News and Rescue Team sa naaksidenteng si Philip Aviles sa East Avenue Medical Center matapos itong mabigyan ng pangunang lunas. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Isang lalaki ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa Commonwealth Avenue sa Quezon City madaling araw nitong Martes.

Ayon kay Ricardo Valencia na nakakita sa pangyayari, isang kotse ang nakabangga sa motorsiklo ng biktima.

“Natumbok sa likod, nabangga sa likod ng kotse, black siya pero hindi ko sure kung anong sasakyan.”

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang lalaki na kinilalang si Philip Aviles na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at pamamaga ng mga mata bunsod ng aksidente.

Matapos mabigyan ng pangunang lunas, agad na dinala ng rescue team sa East Avenue Medical Center si Aviles.

Ang news and rescue team din ang humanap at sumundo sa mga kaanak ng biktima upang maihatid sa ospital. (Benedict Galazan & Ruth Navales, UNTV News)

UNTV Fire Brigade, tumulong sa pag-apula ng sunog sa Bahay Toro, QC

$
0
0
Ang sunod sa Brgy. Bahay Toro, QC kahapon. (UNTV News)

Ang sunod sa Brgy. Bahay Toro, QC kahapon. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Tinatayang nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang isang sunog sa isang residential area sa Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, Quezon City nitong araw ng Martes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), posibleng nagmula ang sunog sa bahay ng nagngangalang Abdon Estrera o sa bahay ni Judith Berales.

Gawa rin sa light materials ang mga bahay sa lugar kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.

“Unang-una yung environmental factors natin, itong init ng panahon,” pahayag ni District Fire Marshal Supt. Jesus Fernandez.

Tinatayang nagkakahalaga ng P2.5 million ang iniwang pinsala ng nangyaring sunog.

Kabilang naman ang UNTV Fire Brigade sa mga rumesponde upang maapula ang sunog na umabot sa Task Force Bravo. (Benedict Galazan & Ruth Navales, UNTV News)

2 Lalaking sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Cebu, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang 2 sakay ng motorsiklong  nabangga ng taxi na sina Willy Lebrado at Arnel Alisoso habang nilalapatan ng first aid  ng UNTV News and Rescue Team Cebu sa mga sugat at pinsalang kanilang tinamo. (Romaldo Mico Salon / Photoville International)

Ang 2 sakay ng motorsiklong nabangga ng taxi na sina Willy Lebrado at Arnel Alisoso habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Cebu sa mga sugat at pinsalang kanilang tinamo. (Romaldo Mico Salon / Photoville International)

CEBU CITY, Philippines – Isang banggaan ng taxi at motorsiklo ang mabilis na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team sa Brgy. Tinago, Cebu City, alas-6 ng umaga, Huwebes.

Nagtamo ng sugat sa tuhod at kamay ang driver ng motorsiklo na kinilalang si Willy Lebrado na taga Toledo City. Bukod dito, iniinda rin nito ang pananakit ng balakang at tagiliran.

Nasugatan din sa kanang tuhod ang angkas nito na si Arnel Alisoso dahil sa aksidente.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng news and rescue team ang sugat ng mga biktima bago dinala sa Cebu City Medical Center.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang may kasalanan sa aksidente. (Marlhon Abique & Ruth Navales, UNTV News)


Foreigner na hinampas ng bote sa isang bar sa Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team sa dayuhang si Michael Harrison matapos itong mahampas ng bote sa isang bar sa Angeles City, Pampanga. (UNTV News)

Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team sa dayuhang si Michael Harrison matapos itong mahampas ng bote sa isang bar sa Angeles City, Pampanga. (UNTV News)

ANGELES CITY, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang British national matapos umanong hampasin ng bote sa isang bar sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga, pasado ala-1 ng madaling araw, Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Michael Harrison, 52-anyos, isang turista mula sa United Kingdom at kasalukuyang nanunuluyan sa nasabing siyudad.

Ayon sa biktima, bigla na lang silang sinugod ng isa pang grupo na nasa naturang bar.

Nagtamo ng mga sugat sa mukha at braso si Harrison.

Matapos lapatan ng first aid, tumanggi nang magpadala sa ospital ang biktima at nakipag-areglo na lamang sa kabilang grupo.

Binigyan din ng rescue team ng gamot si Harrison upang mabawasan ang kumikirot nitong sugat. (Rey Tamayo & Ruth Navales, UNTV News)

Mga sugatang pasahero ng tumagilid na bus sa QC, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Kutuwang ng Philippine Red Cross ay nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang mga pasahero ng tumagilid na bus ng CEM Transport sa harap ng QC Hall nitong Linggo ng gabi. (UNTV News)

Kutuwang ng Philippine Red Cross ay nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang mga pasahero ng tumagilid na bus ng CEM Transport sa harap ng QC Hall nitong Linggo ng gabi. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Sugatan ang labingwalong pasahero ng CEM Transport Services bus nang tumagilid ito sa harap ng Quezon City Hall, alas-11 ng gabi ng Linggo.

Ayon sa pasahero ng naturang bus, nakikipagkarera ang driver na kinilalang si Miguelito Balingit sa isa pang pampasaherong bus nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

“Yung takbo namin puro karerahan, kahit paliko karerahin pa rin, wala ngang preno-preno eh,” pahayag ni Arnold Alamo, pasahero ng tumagilid na bus.

Kabilang ang UNTV News and Rescue Team sa mga nagbigay ng first aid sa mga pasahero na nagtamo ng mga gasgas at bukol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Labing apat sa mga ito ay inihatid din ng grupo sa East Avenue Medical Center, habang ang iba ay umuwi na lamang sa kanilang tahanan matapos malapatan ng pangunang lunas.

Tuloy naman ang pagsasampa ng reklamo ang mga nasaktang pasahero upang turuan ng leksyon ang pasaway na driver.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple injuries ang driver ng CEM Transport bus. (Benedict Galazan & Ruth Navales, UNTV News)

Lalaking nahagip ng kotse sa Elliptical Road, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang naaksidenteng si Jason Hari habang i-sine-secure sa spineboard ng UNTV News and Rescue Team katulong ang MMDA Rescue upang madala sa malapit na pagamutan. (UNTV News)

Ang naaksidenteng si Jason Hari habang i-sine-secure sa spineboard ng UNTV News and Rescue Team katulong ang MMDA Rescue upang madala sa malapit na pagamutan. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Walang malay at nakahandusay pa sa kalsada ang isang lalaki na nahagip ng kotse sa may Elliptical Road, ala-una ng madaling araw ng Lunes.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, patakbong tumatawid ang biktima na nakilalang si Jason Hari sa hindi tamang tawiran kaya tumama sa gilid ng dumadaang sasakyan.

Agad namang huminto ang ilang motorista upang saklolohan ang biktima.

Isinakay ng UNTV News and Rescue Team sa rescue van ang biktima at dinala sa East Avenue Medical Center upang masuri ang tinamong head injuries.

Bagama’t hindi umano kasalanan ng may-ari ng kotse ang aksidente ay handa naman itong tumulong sa gastusin sa pagpapagamot sa biktima.(Jairus Farrel & Ruth Navales, UNTV News)

Senior citizen sa Cebu City, tinulungan ng UNTV na makaboto

$
0
0
Ang senior citizen na si Mang Constantino Ayag na may kapansanan na nakatakdang bumoto sa second floor ng Abellana National High School sa Cebu City. (UNTV News)

Ang senior citizen na si Mang Constantino Ayag na may kapansanan na nakatakdang bumoto sa second floor ng Abellana National High School sa Cebu City. Nabigyan naman ng mabuting pagkakataon ang UNTV News Team Cebu na siya ay matulungan. (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines — Nahirapan sa pagboto ang ilang senior citizens lalo na ang mga may kapansanan sa Abellana National High School sa Cebu City.

Dismayado si Mang Constantino Ayag, 76-anyos, matapos malaman na nasa ikalawang palapag pa pala ng gusali ang kaniyang presinto.

Ayon kay Mang Constantino, mahirap na sa kaniyang edad na pumanhik at bumaba sa naturang gusali.

Dahil dito, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang matanda at hinikayat na sumakay na lamang ng wheelchair, subalit hindi na napilit ang matanda.

Nagmagandang loob naman ang naka-assign na Board of Election Inspector (BEI) at pinayagan na rin si Mang Constantino na makaboto sa ibaba ng gusali.

Kabilang ang isang pulis, support staff at watcher sa mga nag-escort sa matanda habang bumoboto.

Ayon kay COMELEC Region 7 Director Atty. Temie Lambino, pinapayagan nila ang ganitong sistema lalo na at may kapansanan ang isang botante.

“Ang maganda sa panahong ito may innovation tayo, ang importante nito na ang mga taong ito who wanted to vote, who can’t carry themselves sa mga presinto para di masayang ang boto, lahat ng tao makaboto.” (Naomi Sorianosos & Ruth Navales, UNTV News)

 Biktima ng motorcycle accident sa Cebu, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang motorcycle driver na kinilalang si Joni Del Rosario habang ginagamot UNTV News and Rescue Team Cebu ang mga sugat at gasgas na natamo nito sa aksidente.  (UNTV News)

Ang motorcycle driver na kinilalang si Joni Del Rosario habang ginagamot UNTV News and Rescue Team Cebu ang mga sugat at gasgas na natamo nito sa aksidente. (UNTV News)

MANDAUE CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle accident sa El Jayme St. Brgy Bakilid, Mandaue City, pasado alas-7 ng umaga nitong Lunes.

Nagtamo ng galos at gasgas sa kaliwang bahagi ng mukha, kaliwang siko, kamay at paa ang motorcycle driver na kinilalang si Joni Del Rosario, 31-anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, tumaob ang motorsiklo ng biktima habang tinatahak ang flyover.

Matapos lapatan ng pangunang lunas ay agad dinala ng news and rescue team ang biktima sa Mandaue District Hospital. (Naomi Sorianosos & RBN, UNTV News)

Viewing all 209 articles
Browse latest View live