
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team – Cebu ang sugatang driver ng motorsiklo matapos banggain ng isang Crosswind ang sinasakyang motorsiklo kahapon ng madaling araw, Huwebes (UNTV News)
CEBU CITY, Philippines — Isang Crosswind ang bumangga sa isang motorsiklo matapos itong mag-U-turn sa Gen. Maxilom St. Mango Avenue, Cebu City, pasado alas dose kahapon ng madaling araw, Huwebes.
Nagtamo ng gasgas sa kanang paa at kamay ang driver ng motorsiklo na kinilalang si Winston Davis, nakatira sa Urgello St. sa nasabing lungsod.
Agad na nilapatan ng paunang lunas ng news and rescue team ang biktima, subalit tumanggi na itong magpadala pa sa ospital.
“Medyo naka-contribute sad ni ug kusog, kusog man sad ug dagan ang motor.”
Translation: “parang naka-contribute din ito sa lakas, mabilis din ang takbo ng motor,” pahayag ni PO2 Chady Jungoy.
Matapos mag-usap, nagkasundo na lang ang dalawang motorista kaugnay sa nangyaring aksidente. (Marlhon Abique / Ruth Navales, UNTV News)