Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Laguna News and Rescue Team, tumulong sa dalawang sakay ng cargo truck na naaksidente sa SLEX

$
0
0
Nirespondehan ng Laguna UNTV News and Rescue team ang isang vehicular accident sa Biñan, Laguna noong  Martes (UNTV News)

Nirespondehan ng Laguna UNTV News and Rescue team ang isang vehicular accident sa Biñan, Laguna noong Martes (UNTV News)

LAGUNA, Philippines — Tinulungan ng UNTV Laguna News and Rescue Team ang driver at pahinante ng isang cargo truck na bumangga sa concrete barrier sa south bound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Biñan, Laguna.

Katuwang ang Life Line Rescue Unit ng SLEX, mabilis na naialis ang driver na si Cabandon Niconsidonio mula sa pagkakaipit sa loob ng truck.

Ang pahinante naman nito na si Antonio Mahinay, tumalsik sa damuhan dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Kapuwa nagtamo ng minor injury sa ulo at gasgas sa paa ang dalawang biktima.

Kwento pa ni Mahinay, iniwasan nila ang sinusundan nilang sasakyan na babangga sa kanila kung kaya’t nawalan ng kontrol sa manibela ang kaniyang driver.

Napansin naman ng patroller ng SLEX na pudpud na ang gulong ng cargo truck na maaring dahilan kung bakit hindi kaagad kumagat ang preno nito.

“Di naman mabilis takbo malamang inaantok, magingat sa pagmamaneho at laging aware sa anumang mangyari. Dapat laging handa bukas ang mata at isip,” paalala ni SLEX Patroller Ruel Dela Cruz. (Sherwin Culubong / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles