Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

2 guwardiya, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa magkahiwalay na aksidente sa Cebu

$
0
0
Ang dalawang lalaki na pawang parehas na security guards na  natulungan ng UNTV News and Rescue Team Cebu sa magkahiwalay na insidente nitong madaling araw ng Miyerkules. (UNTV News)

Ang dalawang lalaki na pawang parehas na security guard na natulungan ng UNTV News and Rescue Team Cebu sa magkahiwalay na insidente nitong madaling araw ng Miyerkules. (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines — Duguan ang isang security guard nang abutan ng UNTV News and Rescue Team sa Labangon Police Station, Cebu City, pasado ala-una ng madaling araw ng Miyerkules.

May sugat sa noo at ilong ang lalaki na nakilalang si Jeramel Gantalao sanhi ng pambubugbog sa kanya ng mga kainuman.

Nilapatan ng paunang lunas ng rescue team ang mga tinamong sugat ng biktima at dinala ng mga pulis sa ospital matapos makunan ng pahayag sa insidente.

Samantala, nakahandusay pa sa kalsada ang isa pang lalaki nang madatnan ng UNTV News and Rescue Team sa Gorordo Ave., Brgy. Kamputhaw, Cebu City alas-3 ng madaling araw.

Nabatid na tumilapon sa kanyang motorsiklo ang biktima na kinilalang si Joseph Lada na isa ring security guard.

Nagtamo ito ng mga sugat at galos sa ibat-ibang bahagi ng katawan at posibleng nabalian ng buto sa kanang braso dahil sa aksidente.

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima at agad dinala sa pagamutan. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles