Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Lalaking naaksidente sa motorsiklo sa Cavite, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

Image may be NSFW.
Clik here to view.
Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Cavite sa isang motoristang naaksidente sa Dasmariñas City nitong Madaling araw ng Miyerkules. (UNTV News)

Ang paglalapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Cavite sa isang motoristang naaksidente sa Dasmariñas City nitong Madaling araw ng Miyerkules. (UNTV News)

CAVITE, Philippines – Namimilipit pa sa sakit ang isang lalaki nang madatnan ng UNTV News and Rescue Team matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo ala-1 ng madaling araw ng Miyerkules sa Brgy. San Agustin, Dasmariñas City.

Kinilala ang sugatang lalaki na si Bryan Mantele.

Kwento ni Third Manalo, kaibigan ng biktima na nakaangkas sa motorsiklo, papunta sila sa tindahan nang bigla na lang silang banggain ng jeep.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang tinamong pilay sa kaliwang paa ni Mantele dahil sa pagkakaipit nito sa bumper ng pampasaherong jeep.

Nilapatan din ng first aid si Manalo na nagtamo ng malaking galos sa binti.

Dahil sa tindi ng pamimilipit sa sakit ng biktima, agad itong dinala ng grupo sa ospital. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles