Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Lalaking nasugatan sa motorcycle accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Nilapatan ng paunang-lunas ng UNTV News and Rescue ang motorcycle rider matapos ang isang aksidente. (UNTV News)

Nilapatan ng paunang-lunas ng UNTV News and Rescue ang motorcycle rider matapos ang isang aksidente.
(UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa Congressional Ave. corner Villa Socorro St., Quezon City bandang alas dos y medya ng madaling araw.

Isang motorcycle rider ang tumilapon matapos mabundol ang isang tumatawid na babae sa kalsada.

Dinala ng mga pulis sa Quezon City General Hospital ang 17-gulang na si Mary Jane Abagao.

Samantala, nilapatan naman ng paunang-lunas ng News and Rescue Team ang lalaki na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Gayunman, tumanggi na itong magpadala sa ospital matapos ang first aid treatment sa kanya at sa halip ay isinama na lang ng mga pulis sa Quezon City Traffic Sector 6 upang masampahan ng kaukulang reklamo.

The post Lalaking nasugatan sa motorcycle accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles