Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Motorcycle accident sa Quezon City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang pagresponde ng UNTV News & Rescue Team sa isang motorcycle accident sa EDSA corner Quezon Avenue. (UNTV News)

Ang pagresponde ng UNTV News & Rescue Team sa isang motorcycle accident sa EDSA corner Quezon Avenue. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang sugat ni Gerald Anunciado, 27 anyos matapos matumba ang sinasakyang motorsiklo sa northbound ng EDSA-Quezon Avenue pasado alas dos, Lunes ng madaling araw.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na tumanggi ng magpadala sa ospital matapos mabigyan ng first aid.

Ayon sa isang motorcycle rider na si Elvis Caabay na dumaan sa lugar, naabutan na lang nila na nakadapa na sa gitna ng kalsada ang biktima matapos tumilapon sa sinasakyang motorsiklo.

Ang angkas naman nito at kapatid ng biktima na si Jerry Anunciado, 20 anyos, ay wala namang tinamong sugat.

Ayon kay Jerry habang binabagtas nila ang flyover ng EDSA, Quezon Avenue nang pagbaba nila ay nagpagewang gewang na ang kanilang motorsiklo matapos maflat ang gulong ng likurang bahagi nito.

Samantala, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang motortcycle rider na na-hit and-run ng trailer truck sa Barangay San Juan, Balagtas, Bulacan alas dose ng madaling araw noong Sabado.

Kilala ang biktima na si Jayson Pascual na nagtamo ito ng sugat sa ulo, pagdurugo ng ilong at tenga at iniinda ang pananakit ng katawan.

Matapos malapatan ng first aid ay isinugod na ospital ang biktima.

(Reynante Ponte / Nestor Torres / UNTV News)

The post Motorcycle accident sa Quezon City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles