Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

UNTV News and Rescue Team, nilapatan ng paunang-lunas ang mga driver ng nagkabanggaang tricycle at motorsiklo sa Grande, Davao City

$
0
0
Nilapatan na paunang-lunas ng UNTV News and Rescue Team ang isa sa biktima ng banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Grande, Davao City. (UNTV News)

Nilapatan na paunang-lunas ng UNTV News and Rescue Team ang isa sa biktima ng banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Grande, Davao City.
(UNTV News)

DAVAO CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima sa banggaan ng tricycle at motorsiklo kaninang ala una ng madaling araw sa Catalunan, Grande, Davao City.

Kapwa nagtamo ng minor injures ang dalawang driver ng mga sasakyan na agad nilapatan ng paunang-lunas ng grupo.

Kinilala ang mga biktima na sila Jovani Bien Nocom, 40-anyos, driver ng tricycle at si Erwin Diaz, 26-anyos na driver naman ng motorsiklo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag U-turn bigla ang trycicle at di na namalayan ang paparating na motorsiklo kaya nagkabanggaan ang mga ito.

Matapos lapatan ng paunang-lunas ay dinala ng mga pulis ang mga ito sa Southern Philippines Medical Center upang sumailalim sa liquor test dahil sa suspetsang nakainom ang mga ito ng alak kaya nangyari ang aksidente.

(JANICE INHENTE/UMTV News)

The post UNTV News and Rescue Team, nilapatan ng paunang-lunas ang mga driver ng nagkabanggaang tricycle at motorsiklo sa Grande, Davao City appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles