Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Aksidente sa Bulacan, Iloilo at Naga, nirespondehan ng News and Rescue

$
0
0
Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team Bulacan sa isa sa mga sugatan sa banggaan ng delivery van at rice thresher.

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team Bulacan sa isa sa mga sugatan sa banggaan ng delivery van at rice thresher.

BULACAN, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue ang banggaan ng van at rice thresher sa Barangay Malamig, Bustos, Bulacan alas dose nitong Linggo ng gabi.

Nakaipit pa sa van na may kargang anim na daang kilo ng isda ang driver nito na si Aling Nenita Castro nang datnan ng UNTV News and Rescue Team.

Habang ang dalawang pahinante ng rice thresher na nabangga nito na sina John Mark Libardo at Archie Aldesa ay idinadaing ang pananakit ng katawan.

Ang isa pang kasama ng mga pahinante na si Ariel Domingo ay nagtamo ng sugat sa likod at hindi makabangon sa kalsada dahil sa sobrang pananakit ng likod.

Wala namang tinamong pinsala ang driver ng rice thresher.

Matapos malapatan ng pang-unang lunas ay inihatid na ng grupo sa Allied Care Expert Medical Center sa Baliuag.

Sa Iloilo, isang motorcycle rider ang nakabangga ng by-stander sa Barangay Tacas sa Jaro ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue team, Linggo.

Naabutan ng grupo ang driver ng motorsiklo na si Jesusimo Calupez na nagtamo ng gasgas sa mga tuhod, kaliwang kamay at tagiliran na agad namang nilapatan ng paunang lunas at saka inihatid sa West Visayas State University Hospital.

Samantalang nauna namang isinugod ng mga barangay tanod ang by-stander na si Ariel Jaen, 16-anyos sa pinakamalapit na ospital.

Ayon sa mga nakasaksi, nakita nila ang pagewang-gewang na motorsiklo na minamaneho ni Calupez bago mabangga si Ariel.

Nangako si Calupez na sasagutin ang gagastusin sa ospital ng biktima.

Sa Naga, duguan ang mukha ng 49-anyos na si Romeo Baricas nang datnan ng UNTV News and Rescue Team sa Brgy. Calauag, Naga City pasado ala una ng madaling-araw noong Linggo.

Nilapatan ng pang-unang lunas ng grupo ang malaking sugat sa kaliwang bahagi ng kilay ng biktima at saka inihatid ng mga pulis sa Naga City Hospital.

Ayon sa mga barangay tanod, posibleng nakuha ni Mang Romeo ang sugat ng magkaroon ng komosyon sa lugar kung saan nakikipag-inuman.

(Nestor Torres / Vincent Arboleda / Allan Manansala / UNTV News)

The post Aksidente sa Bulacan, Iloilo at Naga, nirespondehan ng News and Rescue appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles