
Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team Bulacan sa isang aksidente sa Brgy. Burol First, Balagtas. (UNTV News)
BULACAN, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang sakay ng motorsiklo na nabangga ng Isuzu van sa McArthur Highway sa Barangay Burol First, Balagtas, Bulacan kaninang alas dose ng tanghali.
Nagtamo ng hiwa sa palad at gasgas sa kamay at kanang balikat si Mang Lino Geronimo, 36 years old.
Habang ang driver ng motorsiklo na si Josua Sacdalan, 19 years na katatapos lang ng pag-aaral bilang pari ay nagtamo ng pasa sa kanang baywang, at iniinda ang pananakit ng binti at hita dahil sa pagkabagsak nito sa motorsiklo.
Matapos malapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue ang magtiyuhin ay tumanggi na itong magpadala pa sa pagamutan.
Ayon sa driver ng van na si Wilfredo del Rosario, mabagal lang ang kanyang takbo at hindi nya napansin ang kasunod na motorsiklo.
Nagulat nalang sya ng papasok na sa gate ng kumpanya ay bigla na lang sumulpot ang motorsiklo kaya niya ito nabangga.
Wala naman tinamong sugat ang driver ng van, subalit nangako itong sasagutin ang gastusin sa gamot, pagpapa-X-Ray at pagpaayos sa nabanggang motorsiklo. (NESTOR TORRES / UNTV News)
The post Magtiyuhin na naaksidente sa motorsiklo sa Balagtas, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.