Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all 209 articles
Browse latest View live

Lalaking naaksidente sa motorsiklo sa Mandaue City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team-Cebu ang isang lalaki matapos maaksidente ang minamaneho nitong motorsiklo nung Linggo sa Mandaue City, Cebu (UNTV News)

MANDAUE CITY, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team-Cebu si Gilbert Juanar, matapos maaksidente ang minamaneho nitong motorsiklo sa Rizal St. Hermag Village, Mandaue City sa Cebu, mag aala-una kahapon nung Linggo.

Nagtamo ng sugat sa tagiliran at siko si Juanar matapos bumangga sa sinusundang motorsiklo na nauna nang sumemplang dahil sa naka-usling steel plate sa daan.

“Tinangka niyang umiwas pero natumba siya, tumilapon ang motor niya sa gitna ng daan. Kaya nabangga ko yung motor niya,” saad ni Juanar.

Dinala sa pagamutan ng Mandaue City Fire Rescue ang driver ng naunang naaksidenteng motorsiklo, habang tumanggi namang magpadala pa sa ospital si Juanar matapos malapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team. (Cyrille Acuin / Ruth Navales, UNTV News)


Estudyante na nabangga ng motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang dalagang estudyante matapos itong mabangga ng isang motorsiklo sa Quezon City kahapon, Agosto 15 (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Namimilipit at umiiyak sa sakit si Jelamae Balayon nang datnan ng UNTV News and Rescue Team sa gilid ng center island sa may Congressional Avenue, Brgy. Bahay Toro, Quezon City kahapon, alas- onse y medya ng umaga, araw ng Martes.

Iniinda ni Jelamae ang matinding pananakit ng kaliwang bahagi ng kaniyang balakang matapos itong mabangga ng motorsiklo na minamaneho ni Alvin Veri.

Agad naman siyang binigyan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team at kaagad na dinala sa Quezon City General Hospital.

Ayon kay Alvin, biglang tumawid ang biktima kaya niya ito nabangga.

“Bigla po siyang tumawid, paglingon niya na ganon tumawid na siya. Mabagal po ako, tumama yung headlight ng motor tapos yung katawan ko po bumagsak sa kaniya at iniliko ko po yung motor para hindi siya madaganan,” pahayag ni Veri.

Wala namang tinamong pinsala si Alvin at nawasak lamang ang headlight ng kaniyang motor.

Nangako naman ito na sasagutin ang gagastusin sa ospital ng kanyang nabangga. (Bernard Dadis, UNTV News)

Tricycle driver na biktima ng hit and run sa Quiapo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pag-responde ng UNTV News and Rescue Team sa biktima ng hit-and-run sa Quiapo, Manila nitong Huwebes ng gabi. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Nabundol ng isang pampasaherong jeep ang tricycle driver sa Quiapo, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Nagtamo ng mga pinsala sa ulo, gasgas at malalaking sugat sa katawan ang biktimang si Guillermo Galaroza bunsod ng aksidente.

Agad naman itong isinugod ng UNTV News and Rescue Team sa Philippine General Hospital (PGH).

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, papatawid na sana sa Quezon Blvd. ang biktima sakay ng kanyang tricycle nang mabangga ito ng rumaragasang jeep.

“Ayon dun sa kuwento, napakabilis nung jeep kaya sapul niya yung traysikel kaya tumilapon yung tao,” pahayag ni Brgy. 310 Kagawad Roland Gacula.

Ngunt sa halip na tulungan ay agad na tumakas ang jeepney driver.

“Yung jeep ay inabandona niya yung mga sakay niya doon sa may Quiapo eh. Yung drayber tumakbo, tumakbo yung drayber iniwan yung jeep,” saad pa ni Gacula.

Bahagya ring nagdulot ng pagbibigat sa daloy ng trapiko ang nasabing insidente. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)

Naaksidenteng motorcycle rider sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa isang motorcyclist na naaksidente dahil sa biglang tumawid na aso sa Congressional Avenue, Quezon City. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle accident sa bahagi ng Congressional Avenue, Brgy. Bahay Toro, Quezon City, dakong ala-1 ng madaling araw, Miyerkules.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang biktima na kinilalang si Jun Molinar, 27 anyos dahil sa mga tinamo nitong gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Iniinda rin nito ang pananakit ng kanang balikat at kaliwang paa na posibleng nabali dahil sa impact ng aksidente.

Kwento ni Molinar, nawalan siya ng kontrol sa manibela nang mabangga niya ang tumatawid na aso sa intersection ng Congresional Avenue at Cagayan Street.

“Biglang dumaan yung aso tumawid dito pagtawid iniwasan niya pagiwas niya biglang bumagsak pagka-bagsak nun buti walang dumaan na sasakyan,” salaysay ni Christopher Reyes na nakasaksi sa pangyayari.

Bagama’t nakaangkas sa motorsiklo ang asawa ni Molinar, hindi naman ito nagtamo ng sugat dahil agad nakatalon bago matumba.

Matapos malapatan ng paunang lunas ay agad dinala ng grupo sa Quezon City General Hospital ang biktima kasama ang kanilang mga kaanak upang mabigyan ng atensyong medikal. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

2 lalake na sugatan sa bangaan ng motorsiklo at tricycle sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Phinland Drive, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo matapos madamay sa banggaan ng tricycle at isa pang motorsiklo sa Phinland Drive, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City, maghahating-gabi nitong Miyerkules.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang tinamong mga gasgas sa balikat, kamay at paa ng dalawang biktima na kinilalang sina Redan Alarcon at Jade Samulde.

Ayon sa mga tauhan ng barangay, nadamay ang dalawang biktima nang iwasan ng kasalubong na tricycle ang isa pang motorsiklo sa kabilang lane ng kalsada.

Dahil sa sobra umanong tulin ng tricycle, tumagilid ito nang biglang kabigin ng driver ang manibela.

Naipit ang angkas ng tricycle na si Jonathan Pablico na agad isinugod sa ospital ng mga tauhan ng barangay dahil sa tinamo nitong sugat sa paa.

“Duguan eh kasi tinawag ko nga ng rescue kaso nagaapura yung mga kasama nila binuhat din nila agad pinakarga ko na sa mobile ng brgy,” salaysay ni Lando Buisan, Brgy. Pasong Tamo Ex-o.

Nakaligtas naman ang driver ng tricycle na kinilalang si Dennis Dela Cruz dahil agad itong nakatalon.

Samantala, kitang kita naman sa kuha ng CCTV camera sa lugar kung gaano katulin ang takbo ng tricycle bago ito naaksidente.

Posibleng maharap sa kaso ang driver ng tricycle dahil sa nangyaring aksidente. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

UNTV News and Rescue Team, tinulungan ang isang Indian national sa Iloilo City

$
0
0

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team Iloilo sa isang Indian national na naaksidente sa motorsiklo. (UNTV News)

ILOILO CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team-Iloilo ang isang Indian national matapos maaksidente sa motorsiklo, pasado alas-12 ng hating-gabi, Martes.

Kinilala ang biktima na si Jagjit Singh, 22 anyos at nakatira sa Guzman. St Mandurriao sa nasabing lungsod.

Ayon sa traffic investigator, nangyari ang aksidente habang binabagtas ng biktima ang old airport Megaworld site nang bumangga sa barrier ng kalsada.

Nagtamo ng sugat sa tuhod, siko at mukha ang biktima na agad na binigyan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Tumanggi naman ang Indian national at kasama nito na magpadala pa sa ospital. (Reynante Ponte / Ruth Navales, UNTV News)

2 biktima ng vehicular accident sa Iloilo City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa isa sa 2 biktima ng aksidente sa Iloilo nitong Huwebes ng madaling araw. (UNTV News)

ILOILO CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang vehicular accident sa Barangay MH Del Pilar sa Jaro, Iloilo City, madaling araw nitong Huwebes.

Naganap ang aksidente matapos mabangga ng puting pick-up truck ang nakaparadang tricycle at padyak.

Kinilala ang mga nasaktan na sina Noel Guides, 52 anyos at Christian Namis, 19 anyos, kapwa residente sa naturang lugar.

Ayon sa nakasaksi, masyadong mabilis ang takbo ng pick-up truck at sa lakas ng impact ng pagkabangga ay tumilapon ang traysikel, motorsikloat sikad na inuupuan ng mga biktima.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang panig ng katawan sina Guides at Namis.

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team katuwang ang Iloilo City Emergency Response Team (ICER) ang dalawa at dinala sa pinakamalapit na ospital.

Kinilala naman ang driver ng pick-up truck na si Maiko Yee, 19 anyos at residente ng Ledesco Village, Lapaz, Iloilo City.

Nangako naman ang pamilya ng driver na sasagutin ang lahat ng gastos sa ospital ng dalawang biktima at babayaran maging ang mga nasirang traysikel, motorsiklo, at sikad. (Vincent Arboleda / Ruth Navales, UNTV News)

2 sakay ng motorsiklo na bumangga sa isang pick-up truck sa Cebu, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team Cebu sa biktima ng aksidente nitong Biyernes sa Brgy. Lahug. (GREGY SARAUM / Photoville International)

CEBU, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team-Cebu ang dalawang biktima ng motorcycle accident sa Cebu Veterans Drive sa Brgy. Lahug, Cebu City nitong Biyernes.

Kaagad nilapatan ng grupo ng paunang lunas ang tinamong sugat at gasgas nina Guilbert Espinoza at Christopher Kevilla.

Sakay ng habal-habal, ihahatid na sana ni Espinoza si Kevilla sa kanilang lugar mula sa pamimili nang biglang sumulpot mula sa gate ng isang hotel ang isang pick-up truck.

Dahil sa pagkabigla, hindi na nagawang umiwas ng haba-habal na tinamaan ang unahang bahagi ng pick-up truck.

“Magtan-aw tan-aw naay makalit lang og suod mao na hinay lang gyud di lang palabi og dagan kami kani dire kasagaran gyud disgrasya,” pahayag ni Reynante Soco, Cebu City Traffic Aide 1.

Translation: “Sa lugar na ito kailangan titingin-tingin din ang driver, meron kasing bigla na lamang sumusulpot…hwag masyado mabilis ang takbo dahil madalas may disgrasya dito.”

Tumanggi namang magpadala pa sa pagamutan ang dalawang biktima. (Naomi Sorianosos / Ruth Navales, UNTV News)


2 sugatan sa banggaan ng kotse at tanker sa Maynila, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang banggaan ng tanker at kotse sa V. Mapa Street sa Sta. Mesa, Manila na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team.

MANILA, Philippines – Agad na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang nasaktan sa banggaan ng tanker at kotse sa V. Mapa St., Sta. Mesa Maynila, bandang alas-12 ng madaling araw nitong Huwebes.

Idinadaing ng driver ng kotse na kinilalang si Elpidio Pinzon ang kanyang dibdib.

Nagtamo naman ng galos sa mukha at nakaramdam ng pagkahilo ang kasama nito na kinilala lamang sa pangalang Jane.

Sa lakas ng impact, wasak ang harapang bahagi ng kotse habang nayupi naman ang unahan ng tanker at nagtamo ng maliit na sugat sa paa ang pahinante nito.

Agad namang dinala ng grupo sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

2 sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pag-aalam ng UNTV News and Rescue Team sa posibleng pinsalang tinamo ng biktimang si Andrew De Leon matapos itong maaksidente nitong madaling araw ng Lunes sa Don Antonio Drive, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.  (UNTV News)

MANILA, Philippines – Agad na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang tawag mula sa concerned citizen kaugnay ng sugatang motorcycle rider na naaksidente sa Don Antonio Drive, Brgy. Holy sa lungsod Quezon.

Nadatnan pa ng grupo ang biktimang si Andrew De Leon habang iniinda ang malaking gasgas sa mukha at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Idinadaing rin nito ang pananakit sa kanang dibdib na posibleng tumama sa manibela.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ng grupo si De Leon at mabilis na isinugod sa East Avenue Medical Center.

Kuwento ng mga nakakita sa pangyayari, nasagi si De Leon ng isang sasakyan kaya ito nawalan ng balanse sa minamanehong motosiklo.

“Ang motor kasi tama ang takbo, ito biglang… yung malaki biglang lumiko siyempre pababa ito e nabundol siya,” ani Mang Roger Radasa.

Samantala, isang aksidente pa ang nirespondehan ng grupo sa westbound lane ng Tandang Sora Flyover sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, dakong ala-una ng madaling araw nitong Lunes.

Nagtamo ng gasgas sa ulo at sugat sa tuhod ang pasahero ng isang taxi matapos bumangga sa isang concrete barrier.

Ayon sa biktima, nakatulog ang driver ng taxi na kinilalang si Raul Tayao habang nagmamaneho na agad namang inamin ng huli.

“Hindi ko rin nga napansin nga medyo nakaidlip din ako ng konti kaya pagtingin ko na lang nanjan na iniwasan ko lang,” saad ni Tayao.

Tumanggi namang magpadala pa sa ospital ang biktima dahil minor injuries lang ang tinamo nito sa aksidente.

Posible namang maharap sa kaso ang driver dahil sa pagkasira ngb concrete barrier. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

Sugatang lalaki sa Davao City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team Davao sa isang morista na naaksidente sa R. Castillo Street, Agdao, Davao City nitong Miyerkules ng hatinggabi. (UNTV News)

DAVAO CITY, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang aksidente ng motorsiklo, pasado alas-12 nitong madaling araw ng Miyerkules sa R. Castillo Street, Agdao, Davao City.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang driver ng motorsiklo na si Joseph Mariveles at idinadaing rin nito ang pananakit ng kanyang likod at dibdib.

Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong sugat ng biktima.

Ayon kay Mariveles, papasok na sana siya sa trabaho nang makatulog habang nagmamaneho kaya bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang poste ng kuryente.

Matapos na mabigyan ng paunang lunas ay agad na dinala ng UNTV News and Rescue Team ang biktima sa Southern Philippine Medical Center. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)

Lalaking biktima ng hit and run sa Maynila, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang paglapat ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team sa isang lalaking biktima ng hit-and-run nitong Linggo ng gabi sa España Boulevard sa Maynila. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang lalaki matapos masagasaan ng sasakyan sa España Boulevard, pasado alas-11 nitong Linggo ng gabi.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong sugat sa katawan ng biktima na kinilalang si Joemar Cortes, 27 anyos.

Ayon sa isang residente, isang kotseng pula ang nakahagip kay Cortes subalit bigo silang makuha ang plate number nito.

“Basta tumilapon siya tapos yung kotse mabilis na ang takbo kaya nakabulagta na lang siya dyan,” ani Danny Nuevo.

Dagdag pa nito, madalas umanong may masagasaan sa naturang lugar at kalimitan ay tinatakbuhan ng mga driver.

“Sana makonsenya siya kasi kawawa din naman yung lalaki,” saad pa ni Nuevo.

Samantala, tumanggi nang magpadala sa ospital si Cortes at sa halip ay nagpasama na lang sa kanyang kaibigan pauwi ng kanilang bahay. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)

Lalaking naaksidente sa motorsiklo sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue team sa isang motoristang naaksidente sa Quezon City nitong Miyerkules. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang nangyaring motorcycle accident sa may tandang Sora Avenue, madaling araw nitong Miyerkules.

Nakahandusay sa gitna ng kalsada ang sugatang biktima na kinilalang si Rogelio Taparan, nakatira sa Brgy. Katarungan, Quezon City.

Nilapatan ng grupo ng first aid ang tinamong mga gasgas sa mukha at baba ni Taparan.

Ayon sa nakasaksi sa insidente, matulin ang takbo ni Taparan habang binabaybay ang Tandang Sora Avenue nang mabangga nito ang isang karatula sa ginagawang kalsada.

“Bumangga po siya dun tapos pumaganun yung motor niya umikot papunta dun tapos siya bumagsak sa harap yung mukha niya sumubsob,” salaysay ni Robert Borja.

Hindi makausap ng maayos ang lalaki nang tanungin kung bakit bumangga sa karatula. Ang tangi lamang nitong nasabi ay nagulat siya nang biglang madulas at nawalan ng balanse ang kanyang motorsiklo.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay tumanggi na itong magpadala sa ospital at sa halip ay nagpahatid na lamang sa kanilang bahay. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)

MMDA at emergency responders, handa na sa pananalasa ng Bagyong Ruby

$
0
0

Ang pagpupulong-pulong ng MMDA at mga volunteer rescue units na kasama din sa mga ito ang UNTV News and Rescue Team. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nakahanda na ang iba’t ibang rescue group sa mga lugar sa Metro Manila kabilang ang UNTV News and Rescue Team upang umasiste sa mga kababayan nating maaapektuhan ng Bagyong Ruby.

Nitong Linggo ay ipinakalat na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga rescue responders sa ibat ibang lugar sa kalakhang Maynila.

Ginamit ng MMDA ang four-quadrant scheme para sa mas mabilis na pagresponde.

Pangunahing tinututukan ng mga ito ang mga flood prone area, landslide-prone areas at maging ang coastal areas sa labing-anim na lungsod kabilang ang Caloocan, Navotas, Valenzuela, Malabon, Quezon City, Marikina, Pasig, Mandaluyong, San Juan, Maynila, Las Pinas, Muntinlupa, Pasay, Paranaque at Taguig.

Ang mga emergency responder ay binubuo ng Civil Defense Action Group, Association of Philippine Volunteers Fire Brigade, MMDA at Local Government Unit Responders, at 101st Search and Rescue Responders.

“Lahat naka-alert na lahat ng barangay, lahat ng kapitan naka-ready kung sakaling malakas talaga matamaan ang Metro Manila eh mag pre-emptive evacuation kami,” pahayag ni Ronalyn Ramores, Rescuer ng Las Piñas DRRMO.

“Ginawa na namin ngayon preparation i-evacuate na namin ang lahat ng mga tao na nasa mababa, prone area, then shelter lang sa amin ang solid na istraktura, so area naman namin nasasakupan kelangan pwersahan nang ilikas,” saad naman ni Cmr. Falibser Saren, 101st Search & Rescuer.

Maging ang UNTV News and Rescue Team ay nakahanda ng umalalay sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong sa panahon ng kalamidad.

Sinabi ni Jeffrey Santos, Operations Manager ng UNTV Rescue Team, “Sa ngayon po dahil naka-deploy na po tayo nakaready na ang rubber boats natin, mga volunteers for water rescue and WASAR Water Search and Rescue natin.”

Samantala, bukod sa mga naka-standby na mga rescue equipment, rubber boats at mga sasakyan na gagamitin sa pagresponde ay naglagay na din ang MMDA ng mga mobile pump sa mga bahaing lugar upang makontrol ang pagbaha.

Pinaigting din ng MMDA ang information dissemination sa publiko kaugnay sa pag-rescue ng mga responder sa panahon ng bagyo para sa agarang pagresponde.

“Isa sa magandang nangyari dito kung paano sa communication kung minsan nagkakaroon ng redundancy specially sa pagtawag ng rescue or pagtawag ng tulong minsan sabay-sabay andun for the same situation,” paliwanag ni Corazon Jimenez, General Manager ng MMDA. (Reynante Ponte / Ruth Navales, UNTV News)

Sugatang motorcycle rider sa Cebu, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang biktimang si Hubert Palatilla na nagtamo ng sugat sa paa at braso habang nilalapatan first aid ng UNTV News and Recue Team Cebu.

CEBU CITY, Philippines – Agad nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa intersection ng General Maxilom Avenue at MJ Cuenco sa Bgy. Carreta, Cebu City, pasado ala-una ng nitong hapon ng Biyernes.

Sugatan ang 24 anyos na lalaki matapos masagi ng 10- wheeled truck ang sinasakyang motorsiklo habang paliko sa right turn slot.

Hindi umano napansin ng driver ng truck ang motor na nasa gilid nito dahilan upang makaladkad ng truck.

Nagtamo ng sugat sa braso at paa ang biktima na kinilalang si Hubert Palatilla.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team katuwang ang Apas Emergency Rescue Team na siyang nagdala sa biktima sa ospital. (Naomi Sorianosos / Ruth Navales, UNTV News)


Motorcycle accident sa QC, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team sa isang lalaking naaksidente sa Kalayaan Avenue, Quezon City nitong Linggo ng gabi. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle accident sa kahabaan ng Kalayaan Avenue, UP Diliman, Quezon City pasado alas-9 nitong gabi ng Linggo.

Sakay ng motorsiklo si Rolando Cruz, 36 anyos at ang asawa nito nang mangyari ang aksidente.

Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang tinamong sugat at gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Rolando at pagkatapos ay isinugod sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa asawa ni Rolando, galing sila ng Bulacan at pauwi na sana ng Cavite.

Dahil mabilis ang kanilang takbo, hindi nila napansin at naiwasan ang lubak sa kalsada, dahilan upang matumba ang kanilang motorsiklo. (Garry Ybabao / Ruth Navales, UNTV News)

Mga nasugatan sa banggaan ng jeep at delivery truck sa Edsa-Muñoz, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa ilang mga biktima ng aksidente sa Munoz, Quezon City nitong Martes. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang mga sakay ng pampasaherong jeep na nasugatan matapos banggain ng isang delivery truck sa EDSA-Muñoz, Quezon City, pasado ala-una nitong madaling araw ng Martes.

Kinilala ang mga biktima na sina Angela Leanza, Girlie Arcillia, Jemmalyn Enero, Ruth Braga, Daryl Gabriel, Mark Jason Sari at Arnel Combenudo.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima. Isa ang hinihinalang nagkaroon ng bali sa kanang binti na agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Dumaing naman ng pananakit ng kaliwang binti ang driver ng nakabanggang truck.

Katuwang ng UNTV News and Rescue Team sa pag-responde ang mga kawani ng MMDA rescue at Text Fire unit.

Pagkatapos ng first aid application ay agad na dinala ang mga biktima sa Quezon City General Hospital.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, matulin ang takbo ng delivery truck nang bumangga ito sa pampasaherong jeep sa may u-turn slot sa bahagi ng EDSA-Muñoz.

Nadamay pa sa aksidente ang isang SUV na nahagip din ng truck.

Ayon sa driver ng truck na si Levi Plopeno, nawalan ng preno ang minamaneho niyang sasakyan kaya niya nabangga ang jeep at SUV. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)

Mga nasugatan sa sunog sa Katipunan Cebu, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Isa sa mga tinulungan ng UNTV News and Rescue Team Cebu sa naganap na sunog nitong Miyerkules. (UNTV News)

CEBU, Philippines – Agad nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang nangyaring sunog sa Katipunan, Cebu, pasado ala-7 kagabi, Miyerkules.

Pito ang naitalang nasugatan sa insidente.

Nagtamo ng mga sugat at gasgas ang mga biktima matapos magtakbuhan at mahiwa ng yero ang kanilang mga paa.

Agad na nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang mga biktima at kinuhanan ng blood pressure.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyaring sunog kung ano ang dahilan at kung saan nagsimula ang sunog. (UNTV News)

Mga biktima ng banggaan ng 3 tricycle sa Cabanatuan City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang UNTV News and Rescue Team Nueva Ecija sa pagtulong sa isa sa mga biktima ng banggaan ng 3 tricycle sa Cabanatuan City. (UNTV News)

CABANATUAN CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng tatlong tricycle sa harapan ng isang gasolinahan sa Brgy. Bantog Norte, Cabanatuan City, pasado alas-7 kagabi, Linggo.

Ayon kay Marcos Villarte, security guard ng gasolinahan, papaliko na sana ang isang delivery tricycle na may kargang mga gulay at bigas sa gasolinahan upang magpa-gasolina nang magkasunod na banggain ng dalawang tricycle na kapwa mabilis ang takbo.

“Yung kolong kolong, nawalan daw ng gas dyan sa gawing Valle Cruz kaya nagtulak na lang sila marami raw silang nagtutulak kasi may nakita pa akong bata, bigla raw silang kumaliwa eh dumarating nga yung kasunod eh siguro nakauyot hindi na nakapagpreno bigla nang nagkalabugan,” salaysay ni Villarte.

Aminado si Jervie Ocampo na nag-overtake siya sa isa pang tricycle kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela at mabangga ang delivery tricyle.

Sugatan ang dalawang driver na sina Antonio Banding Jr. at Jervie Ocampo dahil sa aksidente.

Kaagad namang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima.

Matapos malapatan ng pang-unang lunas ang mga biktima ay isinugod ng UNTV News and Rescue Team sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center ang si Jervie upang masuri ng mga doctor.

Tumanggi namang mgpadala sa ospital si Antonio Banding at hinintay na lamang ang pgdating ng kanyang mga kaanak.

Samantala, wala namang tinamong pinsala ang driver ng delivery tricycle na si Louel Gabriel. (Grace Doctolero / Ruth Navales, UNTV News)

Lalaking nabangga ng pampasaherong jeep sa Sta. Mesa Maynila, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue team sa isang motorista na nabangga ng isang pampasasaherong jeep sa Ramon Magsaysay Boulevard corner V. Mapa. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente na kinasangkutan ng pampasaherong jeep at bisikleta sa Ramon Magsaysay Boulevard, corner V. Mapa, pasado alas-11 ng gabi nitong Martes.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng News and Rescue Team ang biktima na kinilalang si Ferdinand Suqueron, 29 anyos, at dinala sa UERM Memorial Hospital upang masuri ang kanyang kalagayan.

“Hindi muna namin ginalaw kasi para hindi lumala yung sitwasyon niya tapos tumawag kami ng rescue,” pahayag ni Kagawad Ryan Maravillas.

Nakuhanan naman ng video ng closed circuit television camera ng Barangay 587-A ang insidente, kung saan makikitang galing sa outer lane ang biktima at pakaliwa sa 2nd lane nang mabangga ng paparating na jeep.

Tinangka pa umanong tumakas ng driver ng jeep subalit hinabol ito ng ilang naka-motorsiklo.

Aminado naman ang jeepney driver na si Mario Catubag na nabangga niya si Suqueron subalit itinanggi nitong tinangka niyang takasan ang biktima.

Inamin rin ni Catubag na hindi niya napansin ang biktima dahil sa pagod sa maghapong pamamasada.

“Pasensya na po tutulungan ko na lang po siya,” pahayag ni Catubag.

Nasa kostudiya na ng Manila Police District (MPD) Station 8 ang suspek habang patuloy ang imbestigasyon ng traffic bureau sa insidente. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 209 articles
Browse latest View live