
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team – Laguna, kasama ang Biñan Emergency Rescue Unit ang isang sugatang biktima ng motorcycle accident nung Linggo (UNTV News)
MANILA, Philippines – Sugatan si Oscar Morales matapos mabangga ng isa ring motorsklo ang likurang bahagi ng kanyang motorsiklo sa Barangay Canlalay Biñan, Laguna pasado alas-sais ng umaga nung Linggo.
Nagtamo ang biktima ng sugat sa labi at kanang tuhod dahil sa pagkakasubsob sa semento.
Agad namang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang biktima kasama ang Biñan Emergency Rescue Unit at dinala sa pagamutan.
Kwento ng mga saksi sa lugar, palabas ng Golden Gate subdivision si Morales nang mangyari ang aksidente. (UNTV News)