
Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa isang foreigner matapos itong bumangga sa isang van. (UNTV News)
QUEZON CITY, Philippines — Isang foreign national ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team matapos bumangga sa isang van habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Congressional Avenue corner Sinagtala, Street Project 8, Quezon City alas dose nitong tanghali ng Miyerkules.
Nagtamo ng sugat sa kaliwang siko ang rider na kinilalang si Jessy Singh matapos sumadsad sa kalsada.
Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV Rescue ang tinamong nitong injury.
Tumanggi nang magpadala sa ospital si Signh.
Sa harap ng traffic law enforcer, nagkasundo si Singh at ang driver ng van na kinilalang si Joel Penaso na wala ng demandahan at kanya-kanya na lamang gastos sa pinsala ng kanilang mga sasakyan. (UNTV News)