Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Salpukan ng motorsiklo at tricycle sa Pampanga, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang nasugatang si  George Manaloto na taga-San Simon, Pampanga habang ginagamot ng UNTV News and Rescue Team. (UNTV News)

Ang nasugatang si George Manaloto na taga-San Simon, Pampanga habang ginagamot ng UNTV News and Rescue Team. (UNTV News)

PAMPANGA, Philippines — Mabilis na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang salpukan ng motorsiklo at tricycle sa kahabaan ng Brgy. Sampaloc, Apalit, Pampanga pasado ala-1 ng hapon, Lunes.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang mga sugatang biktima na sina Tess Quiambao, 48 anyos na taga San Matias, San Fernando City at George Manaloto, 48 anyos residente ng San Simon, Pampanga.

Ayon sa mga nakasaksi, nagkagitgitan umano ang dalawang sasakyan hanggang sa tuluyang nawalan ng kontrol ang driver ng tricycle kaya’t bumangga ito sa motorsiklo.

Mabilis umano ang takbo ng tricycle at hindi na nagawang mag-preno.

Nagtamo ng mga sugat sa kamay, tuhod at sa braso si Manaloto, habang iniinda naman ni Quiambao ang pananakit ng kaniyang hita at ulo.

Nagpasalamat naman si Manaloto sa mabilis na responde ng grupo.

“Maganda yung serbisyo niyo, kahit pala konting damages lang nandito pa kayo parati active.”

Matapos mabigyan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima ay kapwa tumanggi ang mga ito na magpadala sa ospital. (Rey Tamayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles