
Ang isa sa 3 motorcycle accident sa QC kamakailan na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team. Katuwang sa aksidenteng ito sa Congressional Avenue ang Quezon City DPOS Rescue. (UNTV News)
QUEZON CITY, Philippines — Sugatan ang tatlong sakay ng isang motorsiklo matapos bumangga sa puno at poste ng ilaw sa Congressional Avenue, Quezon City, Lunes ng madaling araw.
Patungo sana ng Mindanao Avenue ang mga biktima galing EDSA nang mawalan ng kontrol ang driver ng motorsiklo na kinilalang si Stephen Joshua Tan.
Namamaga ang kanang tuhod at temporal area ni Tan dahil sa aksidente.
Nagtamo naman ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang angkas ng motorsiklo na kinilalang sina Richard Edward Rivera.
Agad namang binigyan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima at isiniguod sa Quezon City General Hospital.
***
Isa pang aksidente sa motorsiklo ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team sa may bahagi ng Balintawak, Quezon City, Linggo ng gabi.
Nagtamo ng gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nakilalang si Alenandro Abesamis.
At dahil walang suot na helmet, nagtamo rin ito ng malaking bukol sa batok at pamamaga sa kaliwang kilay.
Matapos mabigyan ng first aid ay agad itong inihatid ng rescue team sa East Avenue Medical Center.
***
Samantala, isang motorsiklo naman ang bumanga sa isang taxi habang papaliko sa Congressional Avenue Quezon City, pasado ala-5 ng hapon noong Sabado.
Sa lakas ng pagkakabangga, natangal ang ngipin ng biktima na si Jefferson Makabalog.
Nagtamo rin ito ng putok sa ulo at mga labi.
Ayon sa taxi driver na si Jeffrey Rehas, posibleng nakainom ng alak ang si Makabalog.
Matapos mabigyan ng first aid ay agad dinala ang biktima sa West Avenue Medical Center. (Bianca Mari Dava / Ruth Navales, UNTV News)