Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

UNTV Fire Brigade, tumulong sa pag-apula ng sunog sa Bahay Toro, QC

$
0
0
Ang sunod sa Brgy. Bahay Toro, QC kahapon. (UNTV News)

Ang sunod sa Brgy. Bahay Toro, QC kahapon. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Tinatayang nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang isang sunog sa isang residential area sa Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, Quezon City nitong araw ng Martes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), posibleng nagmula ang sunog sa bahay ng nagngangalang Abdon Estrera o sa bahay ni Judith Berales.

Gawa rin sa light materials ang mga bahay sa lugar kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.

“Unang-una yung environmental factors natin, itong init ng panahon,” pahayag ni District Fire Marshal Supt. Jesus Fernandez.

Tinatayang nagkakahalaga ng P2.5 million ang iniwang pinsala ng nangyaring sunog.

Kabilang naman ang UNTV Fire Brigade sa mga rumesponde upang maapula ang sunog na umabot sa Task Force Bravo. (Benedict Galazan & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles