Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Sugatan sa aksidente sa Makati, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang motoristang si Luis Epili habang inilalabas sa kanyang sasakyan matapos malagyan ng C collar ng UNTV News and Rescue Team bunga ng pinsalang kanyang natamo ng bumangga ang kanyang sasakyan sa isang concrete barrier sa Magallanes Flyover nitong Lunes ng madaling araw. (UNTV News)

MAKATI CITY, Philippines – Mabilis na tinulungan ng UNTV News ang Rescue Team ang nangyaring aksidente sa Makati City, ala-una ng madaling araw nitong Lunes.

Nadatnan pa ng grupo sa loob ng kanyang sasakyan ang driver ng kotse na sumalpok sa concrete barrier sa Magallanes flyover.

Agad nagsagawa ng extrication procedure ang grupo para mailabas sa loob ng sasakyan ang biktima na kinilalang si Luis Epili, 31-anyos.

Nang mailabas, agad isinakay sa rescue van ang biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon na rin sa desisyon ng mga kamag-anak, dinala ng rescue team si Epili sa Medical Center Manila (MCM).

Ayon sa biktima, hindi niya napansin ang concrete barrier dahil wala umano itong reflector kaya siya sumalpok dito.

Dinala na sa Skyway impounding area ang kotse para sa kaukulang imbestigasyon.

Inaalam na rin ng mga otoridad kung ano ang posibleng pananagutan ng driver ng kotse sa nangyaring aksidente. (Benedict Galazan & Ruth Navale, UNTV News)

Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles