
Tinulungan ng UNTV-Iloilo News and Rescue Team ang isang barangay kagawad na sinaksak sa isang kalye sa Brgy. Baldoza, Lapaz, Iloilo ng di pa nakikilalang mga suspek, madaling araw ng Miyerkules (UNTV News)
ILOILO CITY, Philippines – Tinulungan ng UNTV-Iloilo News and Rescue Team ang isang barangay kagawad na sinaksak ng di pa nakikilalang mga suspek sa isang kalye sa Brgy. Baldoza, Lapaz, Iloilo, ala-1 ng madaling araw kahapon, Miyerkules.
Kinilala ang biktima na si Kagawad Erwin Pagayon, 38 anyos, na nagtamo ng sugat sa kaliwang kamay matapos saksakin ng ilang kalalakihan sa nasabing lugar.
Ayon sa biktima, may binibili siya sa tindahan nang dumaan ang mga lalaki at nanggulo.
“Ti ako tani birahon ya, ti gin tapna ko dali lang gid,dali lang gid, anu problem migo, ti anu haw..isog pa bala haw,ti indi ah ti wala kami di ya problema, bag-o lang sila kaabut ya, ti gahulat na lang sang amun ginbakal, ti sarusuhon ya tani ang boarders ko, ti sinalo ko dali lang gid.”
Translation: “Ako sana titirahin niya, kasi pinansin ko siya, sandal lang…anu problema mu kaibigan, tapus sabi niya,” Bakit ba, matapang pa ang dating, wala kaming problema dito, karating lang nila, habang naghihintay kami sa binili naming,tapus susulungin pa sana yung boarders namin, bigla kong tinambagan,sandal lang.”
Agad din namang rumesponde din ang mga pulis ng Lapaz Police Station at hinabol ang mga suspek ngunit nakatakas ang mga ito.
Dinala naman ang biktima sa Lapaz Police Station upang makapagbigay ng salaysay at maipa-blotter ang mga suspek. (Sherwin Culubong / Ruth Navales, UNTV News)