Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Lalakeng binugbog sa Sta. Rosa Laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking binugbog sa Laguna (UNTV News)

LAGUNA, Philippines – Nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV Laguna News and Rescue Team ang sugatang lalaki na kinilalang si Ken Carpena, 25 anyos, residente sa Barangay Malaban, Biñan Laguna.

Nagtamo si Carpena ng gasgas sa kanang likod at kaliwang kamay matapos umanong bugbugin ng isang alyas Owa, pasado alas-9 kagabi sa Southville 4 Barangay Caingin, sa Sta. Rosa, Laguna.

Duguan ang ilong ng biktima at idinadaing ang pananakit ng batok at ulo dahil sa tinamong bugbog.

Ayon kay Carpena, pumunta siya sa lugar upang makipagkita sa mga kasama niya sa clan.

Sinabi naman ng barangay officials sa Barangay Kaingen na madalas na nangyayari sa kanilang lugar ang insidente ng pananakit lalo na sa mga kabataan.

“Marami yan eh, maraming nangyayaring ganyan sa loob,” pahayag ni Dennis Besmonte, imbestigador.

Tumanggi namang magpadala sa ospital ang biktima matapos malapatan ng pang unang lunas. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Latest Images

Trending Articles



Latest Images