
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaki matapos ma-out of balance sa sinasakyang motorsiklo sa Quezon Ave kagabi, Hulyo 23, 2014 (UNTV News)
QUEZON CITY, Philippines — Tinulungan ang UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking naaksidente sa sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Sta. Teresita sa Quezon Avenue sa lungsod Quezon kagabi, Miyerkules.
Sugatan ang lalaki na isang cook sa isang restaurant matapos ma-out of balance sa motorsiklo matapos malubak sa potholes.
Kinilala ang biktima ni si Bryan Manuel na nakatira sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Vangie Punzalan, isa sa mga nakakita sa aksidente, hindi nito naiwasan ang mga potholes dahilan upang tumilapon ito sa kalsada.
“Mabilis ho siya tumakbo eh nalubak po siya dun sa kalsada na ano…”
“Di daw po niya napansin ung lubak,” dagdag pa nito.
Agad namang nilapatan ng grupo ng paunang lunas si Manuel dahil sa tinamo nitong gasgas sa ibat ibang bahagi ng katawan.
“Mabilis daw ho siya pagdating tapos nabulaga siya sa pothole na yun kaya siya nadisgrasya,” pahayag ni Allan Comision, MMDA Traffic Constable 1.
Tumanggi namang magpadala pa sa ospital ang biktima dahil minor injuries lamang ang tinamo nito matapos ang aksidente.
Muli ring nagpaalala ang MMDA sa mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho para makaiwas sa disgrasya. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)