
Ang tumaob na puting Toyota Innova sa Sitio Bayacsan, Barangay Taloy Sur, Tuba, Benguet nitong umaga ng Martes na nirespondehan naman ng UNTV News and Rescue Team –Baguio. ( CLINTON ANIVERSARIO / PHOTOVILLE International)
BENGUET, Philippines — Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team-Baguio ang driver ng isang Toyota Innova na tumaob sa Sitio Bayacsan Barangay Taloy Sur, Tuba, Benguet, ala-5 ng umaga ng Martes.
Nagtamo ng gasgas sa kamay at bugbug sa kaliwang bahagi ng binti ang driver ng sasakyan na si Angelito Yambao, habang masuwerte namang walang pinsalang tinamo ang dalawang pasahero nito.
Ayon kay Yambao, patungo sana sila sa Baguio City galing ng Pasay City nang biglang pumutok ang kanang gulong sa harapang bahagi ng sasakyan dahilan upang mawalan siya ng kontrol at tuluya itong bumaligtad.
“Pilit ko talagang inilalaglag sa gatter para hindi mapunta don, kasi tataob po yun eh once na naglaban…. babaligtad po kaya pilit kong inilagay dito sa kabilang side,” pahayag ni Yambao.
Tumangi namang magpadala pas sa ospital si Yambao pagkapatos na malapatan ng paunang lunas at nagpahatid na lamang sa istasyon ng pulis upang makuha ang sertipikasyon ng aksidente. (Bryan Lacanlale / Ruth Navales, UNTV News)