
Ang tumaob na pampasaherong jeep sa Cebu City nitong Biyernes, November 01, 2013. (UNTV News)
CEBU CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang mga pasahero ng isang jeep na tumagilid habang binabagtas ang kahabaan ng E. Soriano St., Cebu City, ala-5 ng umaga, Biyernes.
Dalawa sa mga pasahero ng jeep ang nasugatan sa aksidente.
Nagtamo ng malalim na sugat sa ulo ang pasahero na si Napoleon Belecaon, habang namaga naman ang panga ni Maria Rochelle Valiente.
Agad na nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang mga biktima at agad na dinala sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.
Ayon sa driver ng jeep na kinilalang si Edito Empeso, nabali ang molye ng jeep matapos madaanan ang isang lubak na siyang dahilan ng pagtagilid nito.
Nagako naman si Empeso na sasagutin ang gastos sa pagpapagamot ng mga nasugatang pasahero. (Marlhon Abique / Ruth Navales, UNTV News)