Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Sugatang driver ng motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang UNTV News and Rescue Team sa pagtulong sa isang motoristang naaksidente sa tapat ng Barangay Philam Homes, QC. (UNTV News)

Ang UNTV News and Rescue Team sa pagtulong sa isang motoristang naaksidente sa Barangay Pag-Asa, Quezon City. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking naaksidente sa Barangay Pag-Asa, Quezon City.

Sa salaysay ng biktima na si Marlon Belza, biglang dumulas ang kaniyang sinasakyang motorsiklo at nasagasaan ng isang van na nasa kaniyang likuran.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang tuhod, gasgas sa baba at pisngi ang biktima.

Agad namang nilapatan ng lunas ng UNTV News and Rescue Team ang sugatang lalaki at dinala sa Quezon City General Hospital.

Ayon sa driver ng van, bigla na lamang sumulpot ang motorsiklo kaya niya ito nabangga. Mabuti na lamang umano at agad siyang nakapag-preno kaya hindi masyadong nasaktan ang biktima.

Nangako naman ang driver ng van na sasagutin ang gastos sa ospital ni Belza.

Muli namang nagpaalala ang MMDA sa mga motorcycle rider na doblehin ang pag-iingat lalo na tuwing umuulan para makaiwas sa disgrasya.(Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles