
Ang pagbibigay ng first aid ng UNTV News and Rescue-Bicol sa isang pulis na nasangkot sa aksidente.
CAMSUR, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng cargo truck at motorsiklo na minamaneho ng isang pulis sa kahabaan ng Pan-Phil Highway sa Brgy. San Isidro, Pili, Camarines Sur pasado alas dies y medya kagabi.
Binigyan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team si PO1 Marcelo Aluzan na nagtamo ng minor injuries at tumanggi nang magpahatid sa ospital.
Wala namang tinamong pinsala ang driver ng cargo truck na si Rey Magistrado.
Ayon kay Magistrado, hindi niya napansin ang motorcycle rider na biglang lumikong pakanan dahil hindi ito nagbigay ng kaukulang signal light.
Ngunit ayon naman kay PO1 Aluzan, masyadong mabilis ang pagpapatakbo ni Magistrado ng sasakyan kaya siya inabot nito.
Kasalukuyan ng iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pangyayari.
(ALLAN MANANSALA / UNTV News)
The post Pulis na sangkot sa vehicular accident, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.