
Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue team sa naaksidenteng taxi driver.
QUEZON CITY, Philippines — Nadatnan pa sa gitna ng kalsada ng UNTV News and Rescue team ang sugatang driver ng isang taxi matapos mabangga ang minamanehong nitong sasakyan sa concrete barriers sa Quezon City.
Pasado alas-tres ng madaling araw ng mangyari ang insidente sa bahagi Barangay San Bartolome, Novaliches.
Kinilala ang taxi driver na si Felix Tanais, 40 anyos na residente.
Chineck ng UNTV News and Rescue Team ang kalagayan ng biktima na tumaas ang blood pressure, agad namang binigyan ng pangunang lunas ng grupo ang tinamo nitong sugat sa ilong.
Tumanggi nang magpadala ang biktima sa hospital.
Ayon sa nakakita sa pangyayari may nakagitgitan umano ang taxi na isang truck.
“Nagkagitgitan tapos yung truck nabutas yung gasolinahan niya tapos umikot dito na out of balance pag-ikot niya ng ganun tinamaan niya ang UV tapos diyan siya tumama,” anang testigong Fracis Plandez.
Dahil matulin ang takbo ng mga sasakyan umikot pa ang taxi bago bumangga sa mga concrete barrier sa gitna ng kalsada.
Sa ngayon dinala na sa Quezon City Traffic Sector 6 ang sasakyan at driver para sa imbestigasyon kung sino ang dapat managot sa pangyayari. (UNTV News)
The post Taxi driver na sugatan sa aksidente sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.