
Ang naaksidenteng si Jason Hari habang i-sine-secure sa spineboard ng UNTV News and Rescue Team katulong ang MMDA Rescue upang madala sa malapit na pagamutan. (UNTV News)
QUEZON CITY, Philippines — Walang malay at nakahandusay pa sa kalsada ang isang lalaki na nahagip ng kotse sa may Elliptical Road, ala-una ng madaling araw ng Lunes.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, patakbong tumatawid ang biktima na nakilalang si Jason Hari sa hindi tamang tawiran kaya tumama sa gilid ng dumadaang sasakyan.
Agad namang huminto ang ilang motorista upang saklolohan ang biktima.
Isinakay ng UNTV News and Rescue Team sa rescue van ang biktima at dinala sa East Avenue Medical Center upang masuri ang tinamong head injuries.
Bagama’t hindi umano kasalanan ng may-ari ng kotse ang aksidente ay handa naman itong tumulong sa gastusin sa pagpapagamot sa biktima.(Jairus Farrel & Ruth Navales, UNTV News)