
Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team sa dayuhang si Michael Harrison matapos itong mahampas ng bote sa isang bar sa Angeles City, Pampanga. (UNTV News)
ANGELES CITY, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang British national matapos umanong hampasin ng bote sa isang bar sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga, pasado ala-1 ng madaling araw, Biyernes.
Kinilala ang biktima na si Michael Harrison, 52-anyos, isang turista mula sa United Kingdom at kasalukuyang nanunuluyan sa nasabing siyudad.
Ayon sa biktima, bigla na lang silang sinugod ng isa pang grupo na nasa naturang bar.
Nagtamo ng mga sugat sa mukha at braso si Harrison.
Matapos lapatan ng first aid, tumanggi nang magpadala sa ospital ang biktima at nakipag-areglo na lamang sa kabilang grupo.
Binigyan din ng rescue team ng gamot si Harrison upang mabawasan ang kumikirot nitong sugat. (Rey Tamayo & Ruth Navales, UNTV News)