Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Naaksidenteng tricycle driver sa Antipolo City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang UNTV News and Rescue Team-Rizal sa pagresponde sa isang aksidente sa Barangay Mayamot nitong Setyembre 04, 2015. (UNTV RESCUE - 911-8688)

Ang UNTV News and Rescue Team-Rizal sa pagresponde sa isang aksidente sa Barangay Mayamot nitong Setyembre 04, 2015. (UNTV RESCUE – 911-8688)

RIZAL, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang nangyaring aksidente sa kahabaan ng Marcos Highway sa Barangay Mayamot sa Antipolo City pasado alas-dos ng madaling araw ng Biyernes.

Nadatnan ng grupo ang biktimang si Emuito Calmada, 24-anyos habang iniinda ang tinamong mga sugat sa kanang binti at likod.

Ayon sa isang nakakita sa pangyayari, matulin ang takbo ng traysikel na minamaneho ng biktima nang mabangga ang kasalubong na kotse.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV Rescue ang biktima saka isinugod ng rumesponde ring Antipolo Rescue sa pinakamalapit na ospital.

Samantala, sa bahagi naman ng Cebu City ay isang lalaking nahirapang huminga ang tinulungan din ng UNTV Rescue Team gabi ng Huwebes.

Pinuntahan ng grupo sa kanilang bahay sa Brgy. Ermita si Glenn Ernesto Pacana, 56-anyos, matapos itong humingi ng tulong sa UNTV Rescue hotline (911-8688).

Ayon sa mga kaanak, may sakit na diabetes at nagkaroon na ng kidney failure ang lalaki kaya agad siniyasat ng rescue team ang vital signs nito.

Binigyan rin siya ng oxygen supply bago isinakay sa mobile upang ihatid sa pinakamalapit na ospital.

Pahayag ng Kapatid ni Glenn na si Eddie, “I kuan unta siya i-dialysis unta unya namahalan man mi didto sa miller amo i pa transfer diri, ni uli sa mi unsa pa namo gi balik diri.”

(TRANSLATION: Ida-dialysis sana siya kaya lang namahalan kami sa presyo doon sa miller kaya inilipat namin dito, pero umuwi muna kami bago namin dinala dito.)

Naagapan naman ang kondisyon ni Mang Glen at isinailalim na sa dialysis session ngayong araw ng Biyernes. (UNTV News)

UNTV Rescue Hotline

 

 

 

The post Naaksidenteng tricycle driver sa Antipolo City, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles