
Ang magkasintahang naaksidente sa Quezon City habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News & Rescue Team.
QUEZON CITY, Philippines — Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang babae matapos maaksidente sa banggaan ng motorsiklo at SUV sa bahagi ng Quirino Highway pasado alas-singko ng madaling araw, Huwebes.
Nadatnan ng grupo ang magkasintahan sa gitna ng kalsada na sina Joseph Acosta, 28 anyos at si Annabelle Alonzo, 24 anyos na iniinda ang natamo ng mga sugat.
Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang babae na unang binigyang ng assessment ng UNTV News and Rescue team habang gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng lalaki.
Iniligay sa backboard ang babae at isinakay sa rescue mobile at saka isinugod sa Commonwealth Medical Center upang mabigyan ng atensyong medical.
Ayon sa driver ng kotse na si Jaypee Bautista magpapagasolina sana sila ng may biglang bumangga sa kanilang likuran.
Dito na nga niya nakita na ang magkasintahan na sakay ng motorsiklo na nakabulagta sa kalsada.
Ani Bautista, “Nagulat ako biglang tumunog, kumalabog sa likod naming. Nagulat ako may motor na bumangga pala.”
Nadamay rin ang isang naka-motorsiklo na si Ronie Ortigas matapos itong natamaan ng motor ng mga biktima.
“Yung motor nila, umikot tapus yun lumipad ako sa motor nila,” ani Ortigas.
Nagtamo rin siya ng sugat sa ilong na binigyan ng pang unang lunas ng Lagro Rescue Team.
Pansamantalang inilagak ang mga sasakyang sangkot sa aksidente sa QCPD Traffic Sector -2 habang isinisagawa ang imbestigasyon. (REYNANTE PONTE / UNTV News)
The post Babaeng biktima ng vehicular accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.