Quantcast
Channel: News and Rescue – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Lalaking nasugatan sa banggaan ng motorsiklo sa QC, sinaklolohan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team sa naaksidenteng motoristang si Edgardo Solidum nitong umaga ng Huwebes. (UNTV News)

Ang paglapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team sa naaksidenteng motoristang si Edgardo Solidum nitong umaga ng Huwebes. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Sugatan ang isang lalaki matapos mabangga ang minamaneho niyang motorsiklo ng isa pang motorsiklo sa Congressional Ave, corner Sta. Gertrude, Quezon City, alas-7 ng umaga nitong Huwebes.

Dumaraing ng pananakit ng paa ang biktima na kinilalang si Edgardo Solidum nang datnan ng UNTV News and Rescue Team.

Nagtamo rin ng kaunting galos at pasa sa kanyang kaliwang paa si Solidum.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ng rescue team ang biktima at agad dinala sa Quezon City General Hospital.

Ayon sa nakasaksi na si Gerry Salazar, masyadong mabilis ang takbo ng nakabanggaang motorsiklo na minamaneho ni Manuel Libunao.

“Nagmamadali talaga siya, nilagpasan niya yung red light, nung pagkasagi niya dun sa naaksidente medyo malakas dahil kahit nakatayo na naitapon pa rin sa harapan ang motor.” (Benedict Galazan & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 209

Trending Articles